Facebook

Online engagement ng NBA Enthusiasts sa 4 na NBA teams sinukat

Isang prominenteng organisasyon ang National Basketball Association (NBA) na may 30 professional basketball teams sa North America at itinuturing na pangunahing men’s professional basketball league worldwide.

Bilang isang well-respected at globally renowned sports brand, nakaestablisa ang NBA ng malawak na social media presence at ngayo’y may pinakamaraming followers, partikular sa Facebook, base sa 7-day research study ng Capstone-Intel Corporation.

Ang Capstone-Intel ay isang “high impact research company which uses innovative research technologies, tools and methods to convert data and information into breakthrough insights and actionable intelligence outputs.” Layon nitong tulungan ang kanilang mga kliyenteng solusyunan ang mga problema, mapalawak ang kanilang negosyo at mga kontak, mapaganda ang reputasyon, mabawasan ang mga panganib at maiwasan ang krisis; at maging leading private research and intelligence agency sa bansa.

Target ng research na isinagawa Mayo 16 hanggang 22, 2023 makapagbigay ng komprehensibong pang-unawa sa fan behavior sa sports industry gamit ang Facebook bilang platform for analysis.

Tampok sa NBA Finals ang highest-ranking teams na inantabayanan ng general public, kabilang ang Boston Celtics, Denver Nuggets, Los Angeles Lakers, at Miami Heat. Ang pagsubaybay sa teams ay ibinase sa Facebook data mula sa Philippines, gamit ang keyword analysis ng basketball team names upang masukat ang Facebook performance. At napatunayan ang malaking interes ng mga Pilipino sa basketball bilang primary sport sa bansa at patuloy pang pagdami ng mga tumatangkilik dito.

Nagsagawa rin ng sentiment analysis base sa reactions, channels/influencers, at word clouds upang matukoy ang popularidad ng teams. Gumamit ng graphical elements kabilang ang charts at graphs, upang maipresenta at maanalisa ang numerical data, functions at qualitative structures “in a visually concise and clear manner,” upang maintindihan ng publiko kung bakit usap-usapan ang 2023 NBA Finals.

Sa mas malawak na pag-aanalisa ng Capstone-Intel website comparison sa pagitan ng Abril 24 at May 21, 2023, lumabas na ang pages and subpages sa nba.com featuring keywords Miami Heat, Boston Celtics, Los Angeles Lakers, at Denver Nuggets ay nakakuha ng total 6,577 visits. Ang Miami Heat ang most visits, kasunod ang Denver, Boston, at Los Angeles Lakers. Pinatotohanan ang naturang pag-aaral ng primary sources gaya ng GMA News, GMA Sports PH, One Sports, ClutchPoints, NBA Buzz, at iba pang credible sources na nagpakita ng current trends sa partikular na NBA team.

The post Online engagement ng NBA Enthusiasts sa 4 na NBA teams sinukat appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Online engagement ng NBA Enthusiasts sa 4 na NBA teams sinukat Online engagement ng NBA Enthusiasts sa 4 na NBA teams sinukat Reviewed by misfitgympal on Hunyo 18, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.