Facebook

Chinese KFR group nalambat sa Sta. Rosa Laguna; dalagang Chinese na biktima naisalba dahil sa maagap na mamamayan at mabilis na responde ng Sta Rosa City Police Station

Pinatunayan ng PNP PRO4A (Calabarzon) na mabisa ang kanilang puspusang diyalogo sa mga mamamayan ng limang probinsyang ito sa Timog Katagalugan at ang kanilang tuwinang ugnayan sa mga barangay, ay magbibigay sigla sa kampanya ng pulisya laban sa kriminalidad sa parteng ito ng Luzon.

Ang kidnapping nuong ika 31 ng Mayo ng isang Tsinang taga Intramuros, Manila na may-ari ng isang travel at manpower pooling agency at umano’y isang money lender sa mga mahihilig magkasino, ay isang napakaliwanag na halimbawa ng epektibong ugnayan ng pulis-Calabarzon at mga mamamayan ng syudad ng Sta Rosa sa Laguna.

Ang biktima ng nasabing pangingidnap ay kinilala ni P/LtCol Dwight Fonte, hepe ng Sta Rosa pulis na si Zhay Jia Ning, 24 anyos na naninirahan sa Pink House sa Intramuros, Manila. Alas 10 ng umaga noong katapusan ng Mayo nang nakita ng isang testigong taga Bgry Manlitlit na si Carlos Delaro, itong biktimang si Zhay na naka posas at duguan na nakahandusay sa baldosa ng isang bahay sa nasabing barangay at sumisigaw na humihingi ng tulong.

Nang papalapit na si Delaro upang tulungan ang Tsinang duguan, biglang me humahangos na patakbong papalayo sa bahay sa Block 1, Lot 6, Phase 1C, San Lorenzo South Subdivision sa Bgry Manlitlit. Dahil maagap at mabilis ang tinawagan na respondeng mga pulis , nasakote itong tumatakas na Tsino na nakilala kalaunan na si Sheng Likun, isang undocumented foreign national na walang tiyak na tirahan at trabaho. Isang kalibre .45 para ordnance pistol ang nabawi sa kanya ng mga tauhan ni Col. Fonte.

Alinsabay dito, nalambat din ng mga pulis-Sta Rosa sa di kalayuan ang isa pang suspek na Tsino na kinilala ni Col. Fonte na si Xie Jing Long, isa sa kasama ni Likun na kapwa niya walang tiyak na tuluyan. May isa pang Tsinong babae na pinaniniwalaang kasabwat ng grupo ang sa kasalukuyang ay pinaghahanap pa rin sa Kamaynilaan.

Bago ko nakausap si Col. Fonte nitong Huwebes, sinabihan ako ni PBG Carlito Gaces, regional director ng PRO Calabarzon tungkol sa babaeng Tsina na biktima nga ng Kidnapping at sabi nga niya very inhuman ang sinapit nito sa kamay ng kanyang mga kidnapper. Kaya ito na nga, mula sa bibig ng hepe ng Sta Rosa police, napagalaman ko sa isang phone interview na mula sa PITX sa Parañaque kung saan ang biktima ay sapilitang hinablot ng dalawang suspek at iniwan ang sasakyan ng biktima, isinakay ang biktima sa kanilang sasakyan at duon sa loob, sinaksak sa hita ang nagpapapalag na biktima.

Dugtong pa nga ni Col. Fonte hiningian ng 10 milyong piso ang mga kaanak ng biktima sa pamamagitan ng isang video recording nuong siya’y bihag ng mga ito. Sabi pa ni Col. Fonte, may isang pagkakataon na tumalon ang biktima mula sa balkonahe sa kagustuhang tumakas ngunit sa kasamaang palad sa pader ito bumagsak at nagkabali-bali at nadagdagan ang sugat sa leeg at paa ng kaawaawang biktima.

Kidnapping with serious illegal detention, illegal possession of an unlicensed firearm at possible pang madagdag ang kidnapping for ransom ang mga kasong kakaharapin ng dalawang tsinong suspek.

Pinakabilin-bilinan ni Gen. Gaces si Col. Fonte na siguruhing airtight ang kasong isusulong sa mga dayuhangTsino at ipagbigay alam kaagad sa embahada ng Tsina ang pangyayari, tanda ng paggalang sa pagkakaibigan ng dalawang bansa patungkol sa kalalagayan ng mamamayan ng bawat isa.

The post Chinese KFR group, nalambat sa Sta. Rosa, Laguna; dalagang Chinese na biktima naisalba dahil sa maagap na mamamayan at mabilis na responde ng Sta Rosa City Police Station appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Chinese KFR group nalambat sa Sta. Rosa Laguna; dalagang Chinese na biktima naisalba dahil sa maagap na mamamayan at mabilis na responde ng Sta Rosa City Police Station Chinese KFR group nalambat  sa Sta. Rosa Laguna; dalagang Chinese na biktima naisalba dahil sa maagap na mamamayan  at mabilis na responde ng Sta Rosa City Police Station Reviewed by misfitgympal on Hunyo 18, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.