Facebook

EDUKASYON AT SARA

KAPAG tinatalakay ang usapin ng pambansang kaunlaran, hindi malayo ang edukasyon ng kabataan. Mabisang panukat ng pambansang kaunlaran ang kalidad ng edukasyon ng bansa. Nakasandal sa edukasyon ang iuunlad ng pambansang ekonomiya. Mahalagang isang edukador ang nasa timon ng Department of Education (Deped).

Hindi dapat pulitiko ang nagpapatakbo ng Deped. Isang malaking burukrasya ang Deped at hindi kaya ng isang pipitsuging pulitiko ang patakbuhin ang Deped. Ito ang kapalaran ni Sara Duterte. Unang hiningi ni Sara ang Department of National Defense (DND), ngunit hindi ibinigay ni BBM ang DND.

Imbes, itinalaga ni BBM sa Deped sa larangan na walang kaalam-alam si Sara. Maituturing na Siberia ang Deped. Ibinaon si Sara sa bundok ng mga papeles na dapat pirmahan sa Deped. Itinalaga siya sa isang tanggapan na gagarantiya ng kanyang kabiguan bilang isang lingkod bayan. Paraan ito ni BBM para hindi siya makapaghasik ng lagim.

Sinupalpalan siya ng napakalaking pondo sa intelligence at contingency. Sa sobrang laki, hindi niya kayang ubusin. Tumahimik ngunit hindi niya alam na hinuhukay niya ang sariling libingan sa serbisyo publiko. Walang paraan upang magtagumpay siya sa Deped dahil hindi siya edukador at wala siyang nalalaman sa edukasyon. Hindi nila ginagawa ang kanyang tungkulin hinggil sa edukasyon ng kabataan.

***

Noong Lunes, kasama ni Sara si Imee Marcos (nangingilabot akong tawagin siyang senadora) na nagpahayag ng pagtutol sa pagdating ng humigit kumulang na 60,000 Afghan refugees, o mga mamamayan ng bansang Afghanistan na lumikas sa kanilang bansa dahil sa samut-saring dahilan. Malamig pa sa ilong ng pusa ang paninindigan ni Sara at Imee noong dumagsa sa bansa ang mahigit isang milyon Chinese na nagtatrabaho sa mga POGO.

Kung tutuusin mas lubhang mapanganib ang mga Chinese POGO worker kung ihahambing sa mga Afghan refugees. Bukod sa mas marami, dumagsa ang Chinese POGO worker sa panahon ni Rodrigo Duterte (mas nangingilabot akong tawagin siyang presidente), ang kasumpa-sumpang alipin at kakampi ng China. Dumating sila noong kinamkam ng China ang ating teritoryo at ipinangalandakan na kanila umano ang halos kabuuan ng South China Sea.

Mas nakakatakot ang mga Chinese POGO worker noon dahil pilit na ibinasura ni Rodrigo ang resulta ng tagumpay noong 2016 sa sakdal na iniharap ng Filipinas sa Permanent Arbitration Commission ng United Nations Conference on the Law of the Sea (UNCLOS) ang hukuman sa mga usapin tungkol sa karagatan.Ibinasura ng UNCLOS ang pag-angkin ng halos kabuuan ng South China at sinabing kathang isip lang ang Teoryang Nine Dash Line na ipinagmagaling ng China. Karuwagan at kataksilan ang ipinakita ni Rodrigo sa usapin sa West Philippine Sea kung saan kinamkam ng China ang ilang isla doon.

Hindi nakakatakot ang mga Afghan refugees. Walang basehan ang sinasabi ni Sara at Imee. Huwag pansinin ang dalawang mangmang na nagsalita ng hindi naiintindihan ang isyu ng Afghan refugees. Hindi na bago na may refugees sa bansa. Bago sumiklab ang Pangalawang Digmaang Pandaigdig, dumagsa ang mahigit isang libong Hudyo na tumakas sa ginagawang pagpuksa sa kanila ni diktador Adolf Hitler sa Europa.

Sa pagwawakas ng Vietnam War noong 1976, dumagsa ang libo-libong Vietnamese refugees sa bansa upang takasan ang rehimeng komunista doon. Inilagay sila sa Morong, Bataan. Hindi sila naging suliranin dahil sinagot ng gobyernong ng Estados Unidos, ang kumupkop sa kanila, ang gastos hanggang unti-unti silang silang dinala sa Amerika. Hindi naging problema ang mga refugees. Hindi namin alam kung naiintindihan ni Sara at Imee ang kasaysayan

***

Kailangan harapin ni Sara ang dumaraming suliranin sa usapin ng edukasyon ng bansa. Hindi pa ganap na nakakabangon ang sektor ng edukasyon mula sa masamang epekto ng pandemya kung saan ipinataw ni Rodrigo ang isa sa pinakamalupit na lockdown sa buong mundo. Dumapa ang sektor ng edukasyon dahil sa pandemya, ngunit hindi ito ang pinagtutuunan ng pansin ni Sara bilang kalihim ng Deped.

Tungkulin ni Sara bilang kalihim ang maglatag ng programa na aahon ang edukasyon ng bansa. Hindi pwede ang utak bara-bara sa nakakarinding problema ng edukasyon. Tungkulin niya paunlarin ang edukasyon upang sa bukod matuto ang bawat Filipino na magsulat, bumasa, at magbilang, turuan sila nga pananalig sa Diyos, pagmamahal sa bayan, at kabatiran sa kultura, tradisyon, at kasaysayan ng bansa. Kailangan siyang turuan sa pangangalaga ng kalusugan, kaligiran at bigyan ng kaalaman sa kanilang karapatan, tungkulin, at responsibilidad bilang mamamayan.

Hindi namin alam kung batid ni Sara na masyadong naiiwan ang Filipinas kung ihahambing ang ating edukasyon sa ibang bansa. Bagaman isa ang Filipinas na may pinakamataas na literacy rate sa Timog Silangang Asya na aabot 97.95% noong 2020, isa sa pinakamababa ang bansa sa reading comprehension kung ihahambing sa ibang bansa. Ang ibig sabihin ay kahit marunong bumasa ang Filipino, hindi niya ganap na naiintindihan ang kanyang binabasa.

Hindi namin alam kung batid ni Sara ang lumalaking bilang nga mga mag-aaral sa elementarya at hayskul, ang antas na sakop ng Deped, na umaalis sa paaralan upang maghanapbuhay kahit hindi pa handa. Hindi namin alam kung totoong ipinatupad ni Sara ang naisabatas na “no drop out policy” sa elementarya. Utos ng Saligang Batas sa isailalim ang bawat mamamayan kahit sa edukasyon elementarya upang matuto ng pagsusulat, pagbabasa, at pagbibilang.

Nakakalungkot isipin na may lumalaking bilang ng mga Filipino at nais umalis ng bansa upang magtrabaho. Mahigit kalahati sa mga nagtatapos na kabataan ang gustong magtrabaho sa ibang bansa dahil wala silang nakitang trabaho dito. Hindi namin alam kung may nagagawa si Sara upang matigil ang “brain drain” kung saan umaalis ang mga nagtatapos at pumupunta sa ibang bansa upang makahanap ng trabaho.

***

MGA PILING SALITA: “Pakitanong kina Sara at Imee: Sino ang mas malaking security threat, yung 60k Afghan refugees o yung milyon-milyong Red Chinese nagsasabing kanila ang WPS na ni-welcome nila with open arms?” – Joel Cochico, netizen, kritiko

“Pro-China senators are called “Cinators’ . I can name at least three: Bong Go, Bato, and Robin. They are all pro-China.” – PL, netizen, kritiko

***

POST ko ito noong 2018 nang ilunsad ni Rodrigo ang kampanya kontra sa mgs tambay. Walang nangyari sa kampanya dahil tanging pang-aabuso ng mga pulis ang nangyari.

TAMBAY NA BA SILA?

I know of families in Tondo, where certain family members have to stay outdoors. The cramp spaces of their homes simply don’t allow all family members to stay indoor. In fact, the family members take turns to sleep. While some family members are sleeping, the other family members stay outdoors. When they wake up, they go out. It’s the turn of the other family members to sleep. Tambay na ba iyong walang matulugan?

The post EDUKASYON AT SARA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
EDUKASYON AT SARA EDUKASYON AT SARA Reviewed by misfitgympal on Hunyo 18, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.