Facebook

MAKATI CITIZENS NAGKAKAWATAK-WATAK?

Tila NAGKAKAWATAK-WATAK ang MAKATI CITIZENS dahil hindi pala suportado ang pahayag ni MAKATI CITY MAYOR ABBY BINAY na “TULOY ANG LABAN” sa isyu ng paglilipat sa 10 BARANGAY sa JURISDICTION ng TAGUIG.., kasi, marami palang nagnanais mag-over-the-bakod para makaiwas daw sa sobrang pamomolitika sa MAKATI CITY.

Batid naman ng publiko ang away ng magkapatid na BINAY.., sina dating MAKATI CITY MAYOR JUNJUN BINAY at MAYOR ABBY BINAY.., na maging ang kanilang tatay na si dating VICE-PRESIDENT JEJOMAR BINAY ay tila tumiklop at hindi nangialam sa away ng magkapatid.., na ang awayang ito ng magkapatid ay ang mga constituent ang naaapektuhan.

Nang lumabas ang FINAL AND EXECUTORY ng SUPREME COURT sa TAGUIG-MAKATI TERRITORIAL DISPUTE ay maraming residente na nakapanayam ng media ang nagsabing open sila na lumipat sa TAGUIG para maiba naman ang “political atmosphere”.

Hindi isyu sa kanila ang benefits na natatanggap sa MAKATI gaya ng sinasabi ni MAYOR ABBY dahil kaparehas lamang ng MAKATI ang TAGUIG pagdating sa benepisyong naibibigay sa kanilang mga residente.., at sa katunayan ay isyu pa nga rin ang pagtanggap ng benepisyo sa Makati dahil inaangal na ang benepisyo ay para lang sa BINAY SUPPORTERS.

Ang hangad ng mga residente ay magkaroon ng “kapayapaan” at makaiwas na sa pamumulitika.., na nagsisintimyento ang mga CONSTITUENT dahil nakakapagod at nakasasawa naman talaga ang bangayan sa pulitika, lalo sa Makati na teritoryo ng mga BINAY.

Bilang patunay niyan ay may PEMBO RESIDENTS LETTER na ipinadala sa TAGUIG LGU na bahagi sa 2-pahinang sulat ang kagustuhang makumpleto na ang take over sa kanila ng TAGUIG.

“Please extend the needed hope for our friends and constituents who only want to be free from suppression and cruelty that has been a result of the family feud of the Binay siblings. Our people only want to have a decent life and work. We don’t have anything to do with their sibling’s rivalry”

Mababasa sa sulat ng PEMBO RESIDENTS na nagpapasaklolo ang mga ito sa TAGUIG upang mapabilis ang transition at maging residente na sila ng TAGUIG.

Si MAYOR BINAY din ang dahilan sa pagkawatak watak ng suporta sa kanya ng kanyang mga constituents.., ang pagmamatigas nito na ituloy pa rin ang laban sa territorial dispute ay lalo lamang nagdudulot ng tensyon at bandang huli ay mismong residente na ang aayaw at magsasabing.., “awat na Mayor, Kataas taasang hukuman na ang nagtuldok na kami ay para sa Taguig”.

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.

The post MAKATI CITIZENS NAGKAKAWATAK-WATAK? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MAKATI CITIZENS NAGKAKAWATAK-WATAK? MAKATI CITIZENS NAGKAKAWATAK-WATAK? Reviewed by misfitgympal on Hunyo 18, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.