Facebook

PAIHI KING NG BATANGAS

Naging malawak na ang operasyon ng dating pipitsugin at uhugin na si alyas Rico Mendoza na nagpapaihi ng mga gasolina sa probinsya ng Batangas.

Dati-rati ay sa bayan ng Malvar, Batangas lamang naghahasik ng lagim at nandodorobo ng gasolina ang mamang ito, ngayon pati siyudad ng Batangas ay pinasok na rin.

Gamit ang mataas na opisyales ng PNP Batangas at kumareng- putik di umano ng isang mataas na opisyal din ng lokal na pamahalaan.

Ganun?

Kaya pala kung mangharang ito ng mga tanker ng gasolina at sapilitang pinapapasok sa kanyang yarda, dyan sa may likod ng “MARZ GASOLINE STATION” sa National Hi-way Brgy. Balagtas, Batangas City ay ganun-ganun na lamang.

Hindi makaporma ang ilang driver na nagbabagsak din sa ibang paihi dahil nga sa mga banta nito sa kanila kapag hindi nagbagsak sa kanyang yarda.

Hindi rin matanggap ng kanilang konsensya ang ginagawang pangdurugas nito sa mga ipinapalit sa kinukuhang gasolina.

Dahil ayon sa ating reliable sources “methanoul” ang ipinapalit sa mga nakukuhang drum-drum na gasolina.

Halos 20 porsiyento ng gasolina yan ang halo kaya matabang ang gasolina na nabibili ng nababagsakan nito.

Ayon sa ilang driver ng tankers, pag ganitong klaseng gasolina ang natiyempo sa sasakyan mo, siguradong papalya ang takbo.

Araw-araw kung mangharang ng tankers ang mga tauhan nitong si Mendoza at hindi bumababa sa 10 drum kada tangker ang kinukuha nito at pinapalitan ng methanoul.

Diyos ko pong mahabagin, kawawa naman ang nabibiktima ng mga nagkakarga ng gasolinang ito, maayos pa kaya ang takbo ng mga sasakyan dyan sa Batangas City kung ganito karami ang napapalusot sa araw-araw ni Rico Mendoza?

Totoo bang bitbit sa katarantaduhan ni Rico Mendoza ang pangalan ni COP Diana Del Rosario ng Batangas City PNP?

Paging Batangas Police Provincial Director,Colonel Rainerio de Chaves, paki batukan nga po kernel ‘yang COP mo dyan sa Batangas City. Totoo rin bang kumareng -putik nitong si Rico Mendoza a.k.a. PAIHI KING itong si Batangas City Mayor Beverley Dimacuha kung kaya’t ganoon na lamang kagarapal at lantarang ang operasyon ng PAIHI nito sa Batangas City?

Pati ang tanggapan pala nitong si Col.de Chaves ay ipinagmamalaking pinagkakalooban ng regular na payola o “timbre” nitong tarantadong si Rico Mendoza.

Mayabang at certified name- dropper pala ang PAIHI KING!

Anong klaseng Batangeno itong si Mendoza?

Bukod sa pagiging iligalista,may pagka- binabae pala ito at matabil ang dila!

Kung sinu- sinong Poncio Pilato ang binabanggit!

May kasunod…

ABANGAN!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post PAIHI KING NG BATANGAS appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PAIHI KING NG BATANGAS PAIHI KING NG BATANGAS Reviewed by misfitgympal on Hunyo 19, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.