Facebook

PCSO NAMAHAGI NG MGA FOOD PACKS SA PARAÑAQUE

NASA 1,00 food packs ang ipinamahagi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga mahihirap na residente ng Parañaque City kamakailan.

“Regular po kaming nagiikot sa mga komunidad sa bansa upang kahit paano’y makatulong sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan,” ani PCSO Chairman Junie E. Cua.

Nakiisa si Cua sa aktibidad, na ginanap sa Parañaque Sports Complex noong Hunyo 14, nina Parañaque Mayor Eric Olivarez, Rep. Gus Tambunting, at iba pang opisyal ng ahensya at lokal na pamahalaan.

Ayon kay Cua, ang Community Outreach Program ay naaayon sa mandato ng PCSO na magbigay ng charitable at social services sa mga mahihirap at vulnerable na sektor sa bansa.

“Bahagi po ito ng aming Rear, Assist, Inspire, Support and Enhance o RAISE Program sa ilalim ng Corporate Social Responsibility projects ng ahensya,” ani Cua.

Dagdag pa niya, sa paglipas ng mga taon, ang PCSO ay patuloy na tumutulong sa mga depressed communities lalo na sa panahon ng kalamidad.

“Sa pamamagitan nitong programang ito, nais maipadama ng pamahalaan under the leadership of our President Ferdinand Marcos, Jr. ang pagmamahal at pagkalinga sa ating mga kababayan,” ayon pa kay Cua.

“Asahan po ninyo na patuloy nating isasagawa ang Community Outreach Program para mas marami pang kababayan natin ang matulungan,” dagdag pa ng PCSO Chairman.

Naglaan ang PCSO ng P8,997,325.00 para sa iba’t ibang benepisyaryo sa ilalim ng mga inisyatiba nito sa CSR noong nakaraang taon. Kasama sa mga aktibidad nito ang pamamahagi ng food pack, pagbibigay ng mga hygiene kit, kagamitang medikal, at mobility device sa mga matatanda, bukod sa iba pa.

The post PCSO NAMAHAGI NG MGA FOOD PACKS SA PARAÑAQUE appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PCSO NAMAHAGI NG MGA FOOD PACKS SA PARAÑAQUE PCSO NAMAHAGI NG MGA FOOD PACKS SA PARAÑAQUE Reviewed by misfitgympal on Hunyo 19, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.