Facebook

Most wanted sa kasong murder huli sa Caloocan

Kulong ang isang construction worker na most wanted sa kasong murder nang maaresto ng Caloocan PNP sa manhunt operation nitong Lunes  ng umaga.

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong akusado na  si Restituto Macauyam Faballa “alias” Buloktoy, 41 ng Sanflower St., Brgy., 177.

Sa report ni Col. Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 10 na gumagala  ang akusado sa kanilang lugar.

Nagsagawa ang mga tauhan ng SS10 ng pagsisilbi ng warrant of arrest na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado 11:00 ng umaga.

Pinosasan ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Caloocan City Regional Trial Court Branch 128, para sa kasong Murder at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Sub-Station 10 Custodial facility habang inihahanda ang lahat ng kinakailangang dokumento laban sa akusado.(Beth Samson)

The post Most wanted sa kasong murder, huli sa Caloocan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Most wanted sa kasong murder huli sa Caloocan Most wanted sa kasong  murder huli sa Caloocan Reviewed by misfitgympal on Hunyo 26, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.