AnaKalusugan Party-List Sa DOH: I-prayoridad ang mga registered nurses na mabigyan ng trabaho sa gobyerno bago ang mga unlicensed graduates
NANINIWALA si Anakalusugan Party-list Rep. Ray T. Reyes na dapat i-prayoridad ng Department of Health (DOH) ang pag empleyo o mabigyan ng trabaho ang mga unemployed at inactive registered nurses bago ang mga unlicensed nurses para sa mga bakanteng posisyon sa government hospitals.
“Marami po tayong nurses, board passers, na naghahanap ng trabaho. ‘Di ba dapat unahin natin ang mga licensed nurses bago bigyan ng pagkakataon ang mga hindi pa nakakapasa ng board exams?” diin ni Rep. Reyes.
Tugon ito ni Reyes kasunod ng naunang pahayag ng bagong upong kalihim ng DOH Ted Herbosa sa kanyang ideya na i-hire ang mga unlicensed nursing graduates na makapagtrabaho sa gobyerno.
Hiniling din ng mambabatas sa DOH na magsagawa ng pag-aaral na kung bakit mas pinipili ng mga nursing board passers na maging inactive at makapagtrabaho sa ibang linya.
“Sobrang nakakalungkot na ayon sa PRC, 53.55 percent lang ng nursing board passers ang active at nagpapractice ng nursing profession,” paliwanag ni Reyes.
“Kailangang malaman natin kung bakit halos kalahati ng ating mga licensed nurses ang ayaw na maging nurse,” dagdag pa niya.
Ito ang dahilan ni Rep. Reyes kung bakit isinulong niya ang House Bill (HB) No. 6631 layunin na gawing institutionalize ang scholarship at ibalik ang service program para sa nursing students.
Sa ilalim ng panukala, kailangan munang magsilbi ng isang mag-aaral sa loob ng isa’t kalahating taon kada academic year para sa pagkakaroon ng scholarship, ito ay kung na-determine mula sa lalawigan o municipality hospital o provider ng local government unit (LGU) at kinumpirna ng Department of Health (DOH).
The post AnaKalusugan Party-List Sa DOH: I-prayoridad ang mga registered nurses na mabigyan ng trabaho sa gobyerno bago ang mga unlicensed graduates appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: