Facebook

Sugal sa bakuran ng Target Mall sa Santa Rosa Laguna hinahayaan lang ni PLt Col Fonte?

LANTARAN at centralized na ang perya-sugalan na puno ng iba’t ibang sugal tulad ng color game at drop ball na matatagpuan sa bakuran ng Target Mall sa Santa Rosa City, Laguna.

Ayon sa impormasyon, isang BABY P. at alyas BOKNOY ang umanoy tumatayong ‘operator’ ng inu-umagang sugalan sa lungsod ni Mayor Arlene B. Arcillas na direkta umanong nakikipag-mabutihan kay PLt Col Dwight F. Fonte Jr., Santa Rosa City, Laguna acting Chief of Police.

Nitong nakaraang buwan lamang natin isiniwalat ang sugalang ito dahil na rin sa reklamo kung saan halos sa pagsusugal ng color games at drop ball na umano napupunta ang maliit na kita ng mga jeepney driver na maghapong namamasada na imbes iuwi ang kita sa pamilya ay sa sugalan napupunta.

Kaakibat ng pamumuno sa organisasyon ay ang responsibilidad at ang mabigat na pananagutan, kaya ang mga chief of police, provincial, regional at district director na nabigyan ng kapangyarihan sa bisa ng mandato ng “police service” ay may pananagutan batay na yan sa doktrina ng command responsibility.

Kaya kung sakaling may pagkukulang at pagpapabaya ka sa iyong tungkulin bilang police official na nakakasakop sa nabanggit na lugar dahil sa hindi mo pag-aksyon laban sa magdamagang operasyon ng drop ball at color games, ay pagpapabaya sa tungkulin ang tawag dito PLt Col Fonte.

Kung totoong nga na nagpabaya dito si PLt Col Fonte laban sa inu-umagang sugal na itinuturing na notoryus kung saan marami na ang nabuang at naging adik sa sugal partikular ang ilang jeepey driver sa lugar na halos sa sugal na umano inuubos ang maghapong kita, ay wala na sigurong karapatang manatili pa siya sa kanyang pwesto dahil nakahihiya na ito kina Calabarzon-4A Regional Director PBGen. Carlito Gaces at Laguna Provincial Director PCol Randy Glenn Silvio.

Subaybayan natin!

Tutukan natin!

***

Suhestyon at Reaksyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com. – Ugaliin ring makinig sa programang “BALYADOR” mula lunes hanggang biyernes 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing miyerkules 9:00am-10:00am sa 96.9 FM Radyo Natin Calapan City, Oriental Mindoro at tuwing Sabado 9:00am-10:00am sa DWBL 1242 kHz AM Mega Manila. Mapapanood live sa Facebook at Youtube chanel.

The post Sugal sa bakuran ng Target Mall sa Santa Rosa Laguna, hinahayaan lang ni PLt Col Fonte? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sugal sa bakuran ng Target Mall sa Santa Rosa Laguna hinahayaan lang ni PLt Col Fonte? Sugal sa bakuran ng Target Mall sa Santa Rosa Laguna hinahayaan lang ni PLt Col Fonte? Reviewed by misfitgympal on Hunyo 26, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.