Facebook

NLEX Road Warriors and CAVITEX Braves Goes South for Basketball Camp

Nagsagawa ang Metro Pacific Tollways South (MPT South), katuwang ang CAVITEX Braves ng NLEX Road Warriors (NRW) players, ng isang two-leg basketball camp para patuloy na sumuporta sa mga batang atleta sa ilang mga komunidad sa kahabaan ng Cavite-Laguna Expressway (CALAX), Manila-Cavite Expressway (CAVITEX), at C5 Link segment nito.

Ang mga basketball clinics na ito ay ginanap sa Cittadini School Gymnasium sa San Pedro, Laguna sa tulong ng La Marea Homeowners Association noong ika-10 ng Hunyo, at noong ika-17 ng Hunyo naman sa General Trias Sports Complex katuwang ang lokal na pamahalaan ng General Trias sa pangungunan nina Honorable Mayor Luis “Jon Jon” Ferrer at Board Member Maurito “Morit” Sison. Sa tulong ng basketball clinic, ang mga aspiring young athletes na may edad 7-15, ay nagkaroon ng oportunidad na mahasa ang kanilang mga talento at matuto mula sa mga NRW at Cavitex Braves players at NRW Basketball clinic Coach Ford Arao.

Sa nasabing clinic, hinati hati sa grupo ang mga campers at tinuruan ito ng iba’t ibang dynamic drills at exercises na makatutulong sa paghasa ng kanilang fundamental basketball skills. Mula sa dribbling, passing, defense, rebounding, at shooting, naging mabusisi ang mga coaches sa pagsanay sa mga young athletes.

“Kami sa MPT South ay kinikilala ang kahalagahan ng sports sa pagpapromote ng pisikal na kagalingan at paghubog ng pagkatao para sa ating mga kabataan. Kaya’t sa pakikipagtulungan ng NLEX Road Warriors at Cavitex Braves, ang clinic ay layuning magbigay ng masayang karanasan kung saan ang mga bata ay matututo ng mga kasanayang pang-basketbol at matulungang madevelop ang kanilang karakter na kanilang magagamit sa loob at labas ng basketball court,” pahayag ni Arlette Capistrano, MPT South Vice President for Communication and Stakeholder Management.

Bukod sa actual traning, ang mga nagsilahok ay nagkaroon din ng pagkakataon na mapakinggan at matuto mula sa mga inspirational talks ng NRW at Cavitex Braves players. Nagkaroon din ng mga friendly games upang mas maging buo at masaya ang kanilang karanasan.

Ang matagumpay na pag-daos ng basketball clinic ay umani ng papuri mula sa mga LGU partners nito.

“We extend our sincerest gratitude to MPT South for their outstanding efforts in organizing this basketball clinic. The impact of this initiative on the children in our community cannot be overstated. By providing them with this opportunity to enhance their skills, particularly in fostering camaraderie,

MPT South is playing a vital role in helping these young individuals build a solid foundation for their sports aspirations,” pahayag ni General Trias Mayor Luis “Jon Jon” Ferrer.

“It is through initiatives like these that we witness the power of collaboration and the positive impact it can have on the lives of our young athletes. MPT South’s dedication to creating opportunities for our community’s youth is truly commendable,” ani General Trias Board Member Maurito “Morit” Sison.

Ang MPT South ang concessionaire para sa Cavite-Laguna Expressway (CALAX), Manila-Cavite Expressway (CAVITEX), at ang C5 Link Segment nito. Ang NLEX Corporation at MPT South ay mga subsidiaries ng Metro Pacific Tollway Corporation (MPTC), ang infrastructure at toll road development arm ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC). Bukod sa CALAX, CAVITEX, at C5 Link, hawak rin ng MPTC ang concession para sa NLEX (North Luzon Expressway), NLEX Connector Road, SCTEX (Subic-Clark-Tarlac Expressway), at CCLEX (Cebu-Cordova Link Expressway) sa Cebu.

The post NLEX Road Warriors and CAVITEX Braves Goes South for Basketball Camp appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
NLEX Road Warriors and CAVITEX Braves Goes South for Basketball Camp NLEX Road Warriors and CAVITEX Braves Goes South for Basketball Camp Reviewed by misfitgympal on Hunyo 25, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.