Facebook

Mga proyekto ng DPWH sa Rizal Province walang aberya!

Mapapa ‘Wow” ka sa laki ng halagang gunugugol ng pamahalaan para sa ikagaganda at ikasasa-ayos ng Lalawigan ng Rizal walang wala sabi nga ng mga tambay sa Barberya ni Mang Juan, halos umaabot lang naman sa P2.5-B sa kabuuang 108 projects na tangan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Rizal 2nd Dist. Engineering Office.

Masuwerte ang mga mamamayan ng Rizal Dist. 2, 3 at 4 na mayroon silang mga Congressman na ang kapakanan ng taong bayan sa kani-kanilang distrito ang iniisip hindi ang pulitika, pero suwerte rin sila at merong mga opisyal ng DPWH sa Rizal 2nd DEO na super energetic sila po ay sina D.E Wilfredo Racelis at ang ka Tandem nitong si ADE Lito Fabian.

Ngayon mga Ka Usapang HAUZ isa-isahin na natin ang proyekto na umaabot sa 108 na nagkakahalaga ng P2.5B una sa listahan ang 4th dist. ang Munisipalidad ng Montalban na sa kasalukuyan ay may 25 projects na ang karamihan dito ay tapos na at gumugol ng P911M para sa completion ng mga ito.

P453-M naman mga Ka Usapang HAUZ ang gagastusin para sa 32 projects sa Bayan ng San Mateo na ang iba ay tapos na at ang iba naman ay sinisimulan na at ang iba ay halos patapos na.

Ang pinakamalaki ay ang balwarte ni Cong. Emigdio P. Tanjuatco III ang 2nd dist. ng Rizal na kinabibilangan ng mga bayan ng Teresa, Cardona, Morong, Tanay, Pililia at Jalajala na may 51 finish, on going at sisimulan pa lang na mga proyekto na nagkakahalaga ng P1.1B para sa flood control, deep well, road construction at iba pa.

Mga Ka Usapang HAUZ nitong nakalipas na mga araw personal na binisita nina Cong. Tanjuatco DE Racelis, ADE Fabian at mga section chief ng DPWH Rizal 2nd DEO ang malalaking proyekto tulad ng flood control sa bayan ng Teresa at sa San Pedro River Munisipyo ng Morong kung saan on going ang construction habang sa Tandang Kutyo bayan ng Tanay ay sinisimulan na rin ang water system project.

May mahalagang bilin pala itong si DE Racelis sa kanyang mga section chief partikular si Construction Department chief, Engr. Benjie Amansec na maging mapanuri sa mga gumagawa sa proyekto at laging implement ang safety first nang sa gayon ay malayo sa disgrasya.

Nangako naman si Quality Service Division chief Engr. Luz Villones na walang makakalusot na mahinang klaseng materials sa pagpagawa ng mga nabanggit na proyekto dahil sakaling magkaaberya ay sa kanila ang sisi ng taong bayan at hindi sa kontraktor.

Sa parte naman ni Road Maintenance Section chief, Engr. Catherine Tamayo na isa rin sa may tangan ng mabigat na resposibilidad sa tanggapan ng DPWH Rizal 2nd DEO, ayon sa opisyal sa kasalukuyan ay wala pa naman silang nakikitang problema sa mga kakalsadahan ng national highway at hindi sila tumitigil sa pagbisita sa mga pangunahing kalsada.

Bigyan naman natin ng pansin mga Ka Usapang HAUZ ang isang energetic at super bait na section chief, masuwerte ang Rizal 1st Engineering District ng DPWH dahil meron silang Engineer Boyet Antonio ang hepe ng construction division.

Bakit suwerte mga Ka Usapang HAUZ ganito po iyon kasi kapag wala ang DE o ang ADE siya na ang umaaktong spokesman ng DPWH 1st DEO agad ka nitong aasikasuhin sakaling may kailangan kang detalye sa kanilang mga proyekto, bakit kasi hindi pa kasi itaas ang pwesto?

Tulad na lang ng minsang magsadya ang Usapang HAUZ sa DE office nagkataon na wala daw ayon sa mga nakapalibot sa tanggapan kaya to the rescue si Engr. Antonio para sa detalye kaya nalaman natin na umaabot na sa 90 percent complete ang mga proyekto ng Distrito para sa taong 2022.

Ang Rizal First ay sumasaklaw sa 3 Distrito ang Distrito na kinakatawan ni Rep. Jack Duavit at ang 2 Distrito sa Antipolo na kinakatawan nina Rep. Romeo Acop at Rep. Robie Puno.

Sa unang distrito out of 68 projects, 58 na ang nakumpleto, 9 ang ongoing at Isa ang hindi pa nauumpisahan.

Habang sa Antipolo First district out of 45 projects, 33 na ang kumpleto 11 ang ongoing at Isa ang hindi pa nauumpisahan. Habang sa Antipolo second out of 48 projects 31 ang kumpleto, 12 ang ongoing at 5 ang hindi pa nauumpisahan.

Ang mga naturang proyekto ay pinondohan mula sa road construction, flood control, SIPAG, BIP at water supply.

May ginawang paglilinaw ni Engr. Antonio kung bakit may mga proyekto na kadalasang nahuhuli o nadedelay ang implementasyon o naiiwanan, Ayon sa kanya, wala sa DPWH ang problema, kundi dahil sa kailangang ng dokumento.

Inihalimbawa pa nito na minsan ay mga proyekto na napondogan subalit wala namang right of way, sa ganito natatagalan o may mga pagkakataon na hindi na naiimplement ang proyekto.

Sakali naman umano at gumawa sila ng proyekto na walang right off way, Maaari Silang makasuhan ng malvarization kung saan may mga pagkakataon na nadedelay ang ibang mga proyekto.

***

Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o mag Txt or tumawag sa 09352916036.

The post Mga proyekto ng DPWH sa Rizal Province walang aberya! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mga proyekto ng DPWH sa Rizal Province walang aberya! Mga proyekto ng DPWH sa Rizal Province walang aberya! Reviewed by misfitgympal on Hunyo 25, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.