HINDI namin batid kung nagpatiwakal si Sara Duterte (hindi katanggap-tanggap na tawagin siyang Pangalawang Pangulo o Bise Presidente) o sadyang mangmang lang. Sa kanyang memo sa Deped na kanyang pinamumunuan, hiningi niya kamakailan ang pangalan ng mga guro sa pampublikong paaralan na kasapi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na gumagamit ng Automatic Payroll Deduction System.
Hindi malinaw ang layunin ni Sara sa paghingi ng pangalan ng mga kasapi ng ACT. Ang tanging malinaw ay ang kanyang mga pahayag na nagbibintang sa ACT bilang isang grupo ng mga titser na sumusuporta umano sa mga rebeldeng komunista. Wala siyang inilabas na katibayan. Basta napagbintangan lang sila. Hanggang dakdak si Sara. Hindi siya nalayo sa ama na magaling lang sa salita at hindi sa gawa. Dinadaan ang lahat sa takutan.
Mukhang hindi alam ni Sara na ang ACT ang pinakamalaking organisasyon ng mga titser sa buong bansa. Mukhang hindi pinayuhan si Sara na ang ACT ang pangunahing asosasyon na mga guro na ang pangunahing layunin ay paunlarin ang kanilang kalagayan. Sa maikli, hindi inaaway ang mga guro sapagkat sila ang pangunahing pinaglilingkuran ni Sara bilang kalihim ng Deped. Sila ang pangunahin niyang nasasakupan, o constituency, at kakampi sana.
Mangmang si Sara. Mahina sa pakiramdaman. Isang butangera na dinadaan sa taray at tulis ng dila, at hindi ng diwa, ang paglutas sa usapin. Tandaan na hindi siya inaaway na ACT. Walang batayan sa kasalukuyan na bakbakan siya ng organisasyon na nagsilbing party list grupo sa Kamara de Representante. Kinakatawan ni Frances Castro ang ACT sa Kongreso.
Batid ng ACT na walang alam si Sara sa usapin ng edukasyon ng bansa. Alam nila sa malaon at madali, magkakalat si Sara at iyan ang kanilang dapat paghandaan. Hindi matatag si Sara. Hindi magaling. Ganyan ang mga taong mangmang. Mahilig magmagaling upang magmukhang ginagawa ang tungkulin.
Pero ampaw si Sara at sa nakalipas na taon, wala siyang naipakitang nagawa na matino sa Deped. Sa kalaunan, mabibisto siya at isusuka ng sektor ng edukasyon. Kailangan kumilos ang sektor at umunlad sapagkat napag-iiwanan ang mga kabataang Filipino kung ihahambing sa mga mag-aaral sa ibang bansa, kahit ang mga karatig bansa.
Walang ibang organisasyon na nasa mabisang posisyon kundi ang ACT. Pinakamalaki ito at may matinding impluwensya sa mga guro sa anumang rehiyon sa bansa. Ito ang dahilan kaya pilit niyang inuunahan ang ACT. Nais niya na malagay sa defensive situation ang ACT. Ngunit hindi yata niya alam na hindi na ang ama niya ang pangulo ng bansa. Hindi namin alam kung may tumatagal at batayan ang kanyang opensiba. Hindi kami magtaka kung pagtawanan siya sa huli.
***
NAGSIMULA ang ACT bilang unyon ng mga obrero sa sektor ng edukasyon. Hindi bawal ang unyonismo sa pampublikong sektor. Pinalakas ito sa ilalim ng administrasyon ni FVR. Nagsilbi itong armas ng mga manggagawa sa gobyerno upang lumakas ang kanilang bentahe at ang pangalagaan ang karapatan. Sa pag-inog ng panahon, naging kasangkapan ang mga unyon sa gobyerno upang maging mata at tenga ng mga manggagawa. Naging isang mabisang pangontra ang mga unyon sa gobyerno laban sa korapsyon.
Hindi ito alam ni Sara. Hindi niya alam ang dynamics sa national politics. Dahil nababad siya sa local politics, hanggang Davao City lang ang alam niya. Hindi siya kakikitaan ng kasipagan upang malaman at maintindihan ang sitwasyon sa national government. Wala siyang pagsisikap upang maunawaan ang mga grupo at paksyon sa Deped. Hindi niya alam kung pinaglalaruan siya ng mga nandoon.
Hindi kami magtaka kung may sumingaw na baho sa Deped. Dahil ito ang pinakamalaking burukrasya sa bansa, hindi malalayo ang korapsyon. Hindi rin malayo kung napaikutan siya. Hindi namin alam kung nakuha niya ang suporta ng mga insider sa Deped. Sila ang mga nakakaalam kung paano umiinog ang burukrasya.
Huling tanong: May nagtitiwala ba sa kalihim ng Deped?
***
TAONG 2019 ng nanalo si Imee bilang senador. Pero mukhang hindi natutuwa. Maraming sinasabi. Walang laman. Pati iyong mamanahin niyang silid na gagamitin bilang opisina niya sa Senado ay inirereklamo. Ito ang panahon ng sumikat ang payo kay Imee: “Magpakumbaba.” May isinulat akong maikling sanaysay tungkol sa mamanahing silid. Pakibasa:
THIS IS WHAT IMEE DOESN’T KNOW …
Before Imee Marcos opened her mouth regarding Sonny Trillanes’s Senate office, which she is inheriting, she should know some intimate details about it. When I visited Sonny Trillanes in September last year (that was the time he holed in there to prevent any arrest on the basis of trumped up charges), he told me that the window in his office has been fortified with screen metals that shield his office from some outside attacks.
He told me the metal shield prevents grenade launchers or missiles from entering his office and killing him instantaneously, while he does his legislative work. A former military man, Sonny Trillanes knows he would be a sitting duck to outside grenade or missile attacks. Had Imee been told with this single intimate detail, I am sure she would zip her big mouth. I just don’t know if Sonny Trillanes has disassembled the metal screens. He should.
***
MGA PILING SALITA: “Ang tao, hanggat gustong gumalaw, pabayaan mong gumalaw. Kung gustong magtrabaho, pabayaan mong magtrabaho.” – Tito Sotto, komedyante
“In the last 24 hours, we have Lance Armstrong lecturing people about sports fairness, Meghan McCain lecturing people about nepotism, GOP lecturing people about law and order, white evangelical leaders praising/worshiping Trump…we live in a world where many lack mirrors.” – Matthew Dowd, netizen
“Don’t wonder what will happen if Russia collapses. It already did! Years ago. It’s not a state, it’s a mafia front with factions fighting each other for money, resources, and power..” – Garry Kasparov, netizen, former world chess champion
“It makes me wonder about the endgame of that insurrection in Russia. I know it’s Putin’s excuse to back out of his war on Ukraine.” – PL netizen, kritiko
***
MAGBABAKASYON ng dalawang linggo si Boying Remulla bilang kalihim ng DoJ. Umpisa ito ngayon. Hindi binanggit ang dahilan. Basta for “personal reasons.” May mga espekulasyon sa sitwasyon ni Boying. Nagkasakit? O nagsawa na sa dikta ni Gongdi tungkol sa asunto ni Leila de Lima. Abangan.
The post PAGPAPATIWAKAL O MANGMANG LANG? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: