Facebook

SAG Group nagpahayag ng buong suporta sa Moriones PS-2

Nagsagawa ng meeting at courtesy call sa bagong talagang Station Commander ng Moriones Tondo Police Station (PS-2) ang mga opisyales at miyembro ng Station Advisory Group (SAG) nitong Biyernes ng umaga (June 30, 2023) sa PS-2 Conference Room, J. Nolasco cor. Morga Sts. Tondo, Manila.

Pinangunahan ang naturang pagpupulong ni PLTCol. Rosalino Pabalan Ibay, Jr., Station Commander ng Moriones PS-2, katuwang sina PMaj. Mark Christopher Q. Del Mundo, Deputy Station Commander, mga PCPs at Outposts Commander.

Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang mga mahahalagang paksa na may kinalaman sa 74 barangays na nasasakupan ng Police Station 2.

Iprinisinta sa mga SAG officers, members at invited guest ang PS-2 composition at mga accomplishments nito.

Tinalakay din sa SAG group meeting ang iba’t-ibang isyu sa kanilang pamayanan at kung ano ang kanilang mga concerned dito. Tulad ng pagkakaroon ng tamang oras sa mga nagdaraos ng kasiyahan sa isang lugar, upang malimitahan ang ingay na dulot nito.

Hiniling din ni PLTCol. Ibay sa mga barangay chairman na ikonekta sa PS-2 ang kanilang mga CCTV, upang malaya nilang ma-monitor ang mga kaganapan sa paligid ng Distrito 1.

Nagpahayag naman ng buong suporta ang grupo ng SAG.

Ayon sa Chairman ng SAG na si Edwin Fan, laging silang maaasahan sa lahat ng mga aktibidades ng PS-2.

The post SAG Group nagpahayag ng buong suporta sa Moriones PS-2 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
SAG Group nagpahayag ng buong suporta sa Moriones PS-2 SAG Group nagpahayag ng buong suporta sa Moriones PS-2 Reviewed by misfitgympal on Hunyo 30, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.