Facebook

Sharon pambato ng TVJ sa noontime show ng TV5; Carla bagsak-presyo na ang binebentang condo

Ni ARCHIE LIAO

NGAYON pa lang ay pinaghahandaan na ng magkakatapat na programang original “Eat Bulaga” ng Tito, Vic and Joey at “It’s Showtime” ang kanilang bonggang production numbers come July 1 kung saan magsasalpukan ang dalawang shows sa noontime slot.
Ani Vice, marami raw silang pasabog sa nasabing araw.
Sa kaso naman ng TVJ, magiging guest nila sa opening salvo sa kanilang bagong tahanan sa TV5 ang Megastar na si Sharon Cuneta.
Ito ay inanunsyo ng singer-actress sa kanyang Instagram account.
Ani Sharon, malaki ang utang na loob niya sa original “Eat Bulaga” dahil dati siyang suki noon ng noontime show.
Kaya naman, kung kailangan daw siya ng TVJ ay laging ‘on call’ siya.
Caption niya : “See you on July 1!!! Without my Daddy Tito Sotto who discovered me, I never would have become a singer or (more importantly) have had a second father; without Tito Vic Sotto I never would have had my first memorable hits after Mr. D.J.;without Tito Joey De Leon I never would have had memorable hits after Mr. D.J. as well, or a first co-host on my own The Sharon Cuneta Show from 1986 on IBC 13 until around 1988 on ABS-CBN.
”I have a 44-year history with eat-bulaga — I used to appear there regularly starting in their first home, RPN 9, in my St. Paul uniform without makeup!As much as I love my ABS-CBN Kapamilya, I could NEVER NOT give importance to my eat-bulaga family.
”My home station ABS-CBN has known and respected this since I joined it in 1988. Wala pang legit dabarkads o si @iceseguerra sa Little Miss Philippines sa eat-bulaga noon, ako na ang baby nila! And I will be there for them whenever they call me. It’s PAYBACK TIME, which is how it forever will be for me towards eat-bulaga! No one can ever put a beloved institution down.”
***
Carla, bagsak presyo ang condo
MAY malungkot na hugot si Carla Abellana sa kanyang Instagram account.
Ito ay may kaugnayan sa condominium unit na pagmamay-ari niya.
Ibinebenta na kasi niya ang nasabing property pero tila nahihirapan siyang makakuha ng prospective buyers.
Kaya naman, wala siyang choice kundi ang magbagsak presyo.
Aniya: “Waaaaay below market value now.”
Ayon sa Kapuso actress, ibinubenta niya ang unit at a bargain price na below its market value.
Ang fully furnished condo ay may kasama nang parking lot.
Si Carla ay huling napanood sa seryeng “Voltes V: The Legacy” kung saan ginampanan niya ang papel ng ina ng Armstrong brothers.

The post Sharon pambato ng TVJ sa noontime show ng TV5; Carla bagsak-presyo na ang binebentang condo appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sharon pambato ng TVJ sa noontime show ng TV5; Carla bagsak-presyo na ang binebentang condo Sharon pambato ng TVJ sa noontime show ng TV5; Carla bagsak-presyo na ang binebentang condo Reviewed by misfitgympal on Hunyo 30, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.