Facebook

SARA VS. MARTIN

HINDI kataka-taka na kampihan ng mga kasapi ng Kamara de Representante si Ispiker Martin Romualdez sa kanyang iringan kay Sara Duterte. Munting kaharian ni Martin ang Kamara. Inihalal siya ng mas malaking bilang lider. Siya ang primus inter pares, o pangunahin sa mga magkakahalintulad.

Nagpahayag ang mga kakamping kongresista sa Kamara. Nilinaw ang katapatan at suporta kay Martin. Kasama sa mga naghayag ng suporta sina Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr.; PDP-Laban Deputy Secretary General and Surigao Del Sur Rep. Johnny Pimentel; at National Unity Party President and Camarines Sur. Rep. Luis “LRay” Villafuerte. Nagbigay sila ng magkakahiwalay na pahayag ng suporta sa Ispiker.

Mula ng magbitiw siya sa Lakas-NUCD, walang lapian si Sara. Solo flight. Naglalayag ng mag-isa sa magulong daigdig ng pulitika ng bansa. Wala siyang tanging dala kundi ang pangalan. Hindi niya pangalan iyon dahil pangalan ito ng ama. Maaari siyang sumapi sa paksyon ni Pons Cusi sa PDP-Laban, ngunit may balita na hindi niya gustong makasama si Bong Go, ang matapat na alalay ng kanyang ama.

Walang accomplishment si Sara bilang kalihim ng Department of Education (Deped). Mukhang nabaon siya sa burukrasya ng Deped. Dahil hindi siya edukador, wala siyang bagong ideya kundi isulong ang nakakasukang pagbabalik ng ROTC sa curriculum ng mga mag-aaral at ang tinatawan na “toothbrush drill” ng mga bata sa elementarya.

Mahirap ihambing si Sara kay Leni Robredo, ang masipag na bise presidente ng kanyang ama. Masyadong malaki ang iniwang sapatos ni Leni. Walang malaking budget ang OVP ni Leni, ngunit ginawa niya itong isang abalang tanggapan sa ilalim ng panguluhan ni Duterte. Mas epektib sa maraming pagkakataon ang OVP ni Leni kesa kay Duterte.

Dahil walang naiintindihan si Sara sa national politics, hindi niya mawari kung paano tularan at pantayan ang ginawa ni Leni. Hindi nalalayo sa damong makahiya si Sara. Ligaw at nanatiling kimi upang gawin ang dapat. Samantala, may hawak siyang halos P1 bilyon na confidential at intelligence budget ng OVP. Binigyan siya ng Kongreso ng lubid na maaari niyang gamitin upang magbigti.

Sinamantala ni Martin ang pagiging lider ng Kamara. Kagyat niyang pinalakas ang kanyang balwarte at kinuha ang suporta ng maraming kasapi. Mas may political sense si Martin kesa sa nagpapanggap na lider mula Davao City. Mukhang hindi siya natitinag kahit na nabalita na gusto siyang patumbahin ng paksyon ni Sara at GMA bilang pinuno ng Kamara.

Samantala, matunog ang balita na hindi ang pag-alis kay Martin bilang ispiker ang tunay na pakay ng paksyon ni GMA-Sara sa Kamara. Mas malalim ang agenda nila at sinasabing nais nila na magsampa at umpisahan ang impeachment kay BBM. Ito ang dahilan at nagkukumahog si Martin at naunahan si GMA. Kagyat na inalis bilang deputy speaker si GMA. Sumunod si Sara at nagbitiw bilang kasapi ng Lakas-NUCD, ang lapian ni Martin.

Ito ang dahilan at tinawag ni “tambaloslos” ni Sara ang mga kritiko niya. Ngunit hindi alam ni Sara na bumalandra sa mukha niya ang salitang pambabalahura sa kapwa. Hindi presidential sa pangalawang pangulo ang ganitong uri na salita. Siya ngayon ang tinatawag na tambaloslos. Huwag ninyo kaming tanungin kung ano ang ibig sabihin ng salitang iyan. Hindi namin alam sa Kamaynilaan ang kahulugan ng salitang iyan.

***

MUKHANG alam ng Korte Suprema na nagkalokohan sa pangatlong asunto laban kay Leila de Lima. Mukhang nagdridribol si Presiding Judge Romeo Buenaventura upang patagalin ang kaso at manatili si Leila sa piitan. Mukhang ito ang dahilan kung bakit binigyan siya ng deadline ng Court Administrator na tapusin ang kaso sa loob ng susunod na siyam na buwan. Kung hindi alam ni Buenaventura, maigi na malaman niya na minamatyagan siya ng Korte Suprema na may poder sa ilalim ng Saligang Batas na pangasiwaan ang lahat ng hukuman sa bansa.

Kung hindi pa alam ni Buenaventura, alam ng buong mundo na nagsabwatan ang puwersa ng kadiliman sa bansa upang ilubog at sirain ang dating senadora batay sa mga gawa-gawang sakdal na nakabase sa mga testimonya ng mga nahatulang druglord. Kung hindi pa alam ni Buenaventura, napawalang sala si de Lima sa naunang dalawang kaso at ang sakdal na nasa kanyang sala ang pangatlo at huli sa tatlong kaso.

Hindi tama na pagbintangan si Buenaventura na nabili ng kampo ng kadiliman at tumanggap ng ilang milyon piso bilang pabuya kapalit ang pagtanggi sa bail petition ng kampo ni de Lima. Hindi natin nakita na inabutan ng pera mula sa kampo ng kadiliman. Walang makakapagsabi na iba ang lifestyle ni Buenaventura.

Ngunit walang makakapigil sa sinumang nilikha na magkaroon ng ganitong hinala. Kahit si Buenaventura, hindi niya mapipigilan ang hinala na nabili siya. Hanggang hinala lang, ngunit sa maraming pagkakataon, mas malaking balakid ang hinala. Hindi mabilang ang mga taong nagdusa sa huli dahil sa hinala na nabili sila. Tanging ang butihing Diyos ang saksi.

***

MGA PILING SALITA: “Denying bail to Sen. de Lima, despite her poor health condition and the lack of evidence against her, is a clear indication that justice in this country is influenced by powerful interests.” – Alliance of Concerned Teachers Party List Rep. France Castro

“The denial of bail for Leila de Lima prolongs her suffering and worsens her political persecution. The int’l community, which has been assured by President Marcos of human rights reforms, should not stand for this and should denounce this unjust and cruel ruling.” – Carlos Conde, human rights activist

“Just imagine seeing the old galaxy as it appeared when the universe was still in its infancy. Wonders of science and technology, as well as a little help from nature: galactic lensing so we can see it clearer and brighter. So the further (distance) one looks in space, the further back in time one sees. Consider the distance between the sun and earth, it takes light from the sun about 8 minutes to reach us so essentially when one looks at the sun, the image one sees is what the sun looked like 8 minutes ago!” – Eric Villar, netizen

“Love is an untamed force. When we try to control it, it destroys us. When we try to imprison it, it enslaves us. When we try to understand it, it leaves us feeling lost and confused.” – Paulo Coelho, nobelista

“No, it wasn’t about House leadership issues, when the Speaker kicked GMA out. It was the reported plan to impeach BBM.” – PL, netizen

The post SARA VS. MARTIN appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
SARA VS. MARTIN SARA VS. MARTIN Reviewed by misfitgympal on Hunyo 08, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.