Facebook

BEBOT NA BUMISITA SA NEW BILIBID PRISON, TIMBOG SA KONTRABANDONG TABAKO

HINDI nakalusot sa mga alertong tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang isang bisita nang tangkain nitong ‘itago’ sa loob ng bilangguan ang mga kontrabando bago pumasok sa maximum security compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Sa isang ulat na isinumite kay BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang, Jr., ibinunyag ni J/SINSP Angelina L. Bautista (Ret.),OIC- Deputy Director for Operations at ODG-Head Executive Assistant na ang bisitang si Leilani B. Tividad, nasa hustong-gulang ay nahuli ng BuCor security personnel sa frisking area matapos na madiskbure sa pag-iingat nito ang 32 bar ng mga produktong tabako na inilagay sa loob ng kanyang itim na knee pad bago pumasok sa maximum security compound.

Sinabi ni Bautista na inirekomenda niyang pagbawalan si Tividad na makapasok muli sa NBP.

Ang pagkakahuli kay Tividad ay bunsod na rin sa pinaigting na kampanya ng BuCor upang alisin sa NBP ang mga kontrabando na dinadala ng mga bisita at maging sa ilang tiwaling empleyado ng naturang institusyon.

Kamakailan ay nahuli ng BuCor security personnel ang isa nilang ‘kabaro’ matapos na itago ng huli ang mga produktong tabako sa loob ng minamanehong ambulansiya.

Sa kabila nito ,patuloy na nanindigan si Catapang na mananatiling mapagmatyag ang kanyang mga tauhan sa BuCor na namamahala sa search and inspection areas para sa mga papasok na bisita ng mga taong pinagkaitan ng kalayaan. (JOJO SADIWA)

The post BEBOT NA BUMISITA SA NEW BILIBID PRISON, TIMBOG SA KONTRABANDONG TABAKO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BEBOT NA BUMISITA SA NEW BILIBID PRISON, TIMBOG SA KONTRABANDONG TABAKO BEBOT NA BUMISITA SA NEW BILIBID PRISON, TIMBOG SA KONTRABANDONG TABAKO Reviewed by misfitgympal on Hunyo 09, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.