Facebook

Maine todo-deny na diniktahan at pinilit mag-resign sa ‘Eat Bulaga’

Ni JOVI LLOZA

ALARMADO na nga ang TAPE Inc. at kinakabahan sa pagbabalik ng TVJ sa noontime show na kung saan ay kakalabanin nito ang new Eat Bulaga.
Kahit naman ang mga new main host ng EB ay nagkukumahog na kung paano matatapatan man lang kahit di na malagpasan ang babangga sa Eat Bulaga ng TAPE na dati nitong mga host na TVJ at mga sumamang legit Dabarkads.
Kaya always silang nagbre- brainstorming kung anong puwede pang mga segment ang ihahandog sa manonood.
Sa ratings, naungusan na ng It’s Showtime ang Eat Bulaga kaya kailangan nila ng team work para sa pagdating ng kanilang magiging mahigpit na kalaban sa noontime, ang TVJ.
Nakiusap ang isa sa exec ng TAPE Inc. na bigyan daw ng chance ang mga bagong host ng EB at huwag agad husgahan.
Balik habit sa noontime ang lahat sa pagbabalik ng TVJ sa TV 5.
***
AFTER nga ng pamamaalam ng TVJ sa TAPE Inc. kasabay ng pagre-resign ng legit Dabarkads noong May 31 taong kasalukuyan.
Binasag na ni Maine Mendoza ang kanyang katahimikan.
Naririnig, nababasa at nakarating na sa kaalaman ni Maine na napilitan lang daw silang mag-resign dahil may pumilit at nagdikta.
Pinabulaanan ng soon to be wifey ni Cong. Arjo Atayde ang akusasyon na may pumilit at nagdikta sa kanila na mag-resign.
Ani Maine, boluntaryo at kusa silang nag-resign sa TAPE Inc. at wala sa kanilang nagdikta at pumilit.
Wala na raw saysay kung papaiwan sila sa Eat Bulaga without TVJ.
Kung asan nga raw ang TVJ ay doon din sila ng mga kasamahan na sina Allan K, Ryan Agoncillo, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros at Ryza Mae Dizon.
Knowing naman na malaki ang respeto at utang na loob ni Maine sa TVJ na siyang dahilan ng kanyang pagsikat nang gawin niya ang Kalye Serye as Yaya Dub at dun nabuo ang loveteam nila ni Alden Richards.
Well, well, well…’Yun na!

The post Maine todo-deny na diniktahan at pinilit mag-resign sa ‘Eat Bulaga’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Maine todo-deny na diniktahan at pinilit mag-resign sa ‘Eat Bulaga’ Maine todo-deny na diniktahan at pinilit mag-resign sa ‘Eat Bulaga’ Reviewed by misfitgympal on Hunyo 09, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.