NANGIBABAW ang Philippine men’s national volleyball team sa Pool D matapos idispatsa ang Mongolia sa five sets ng 2023 Men’s Asian Volleyball Challenge Cup Lunes sa Taiwan.
Ang Filipinos, na pinamumunuan ni Marck Espejo, pinadapa ang kanilang Mongolian counterpart, 22-25,25-21,26-24,15-12, at walisin ang kanilang grupo matapos patalsikin ang Macau kahapon.
Matapos ang back-and-forth four sets, ang pangkat ay nakabaon sa 12-10 sa final frame at nagtangka pa ang Mongolia na agawin ang panalo sa Pinoys.
Ang Pilipinas, na pinamunuan ni Espejo, ay umiskor ng limang straight points para makuha ang panalo.
Ang maling atake ng Mongolia ang nagkumpleto sa panalo ng Pilipinas.
Espejo, na dating five-time UAAP Most Valuable Player, umiskor ng 36 points mula sa 29 attacks, 2 blocks at 5 aces.
Hawak ngayon ng Filipinos ang 2-0 rekord para mangibabaw sa kanilang grupo. at ang elimanated Macau 0-2.
Ang susunod nilang laban ay ang Final 12 round na magsisimula sa Hulyo 12.
The post AVC: PH men wagi vs Mongolia appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: