Facebook

BELMONTE AT CALIPIO JR., WALANG BINATBAT SA PAIHI, VICE OPS SA BATANGAS!

NAKALULUNGKOT isipin na sa pag-usad ng panahon, ang kapulisan ay unti-unting humuhulagpos sa “To Serve and Protect” na slogan at pagkakakilala bilang ahensya ng pamahalaan na ang mandato at atas ayon sa umiiral na batas ay ang pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan ng pamayanan.

Nawala na ang tinatawag na “Glory Days” na ipinamalas ng noo’y mga pulis na bumubuo ng kung tawagin ay Integrated National Police (INP) na ang pagtugon sa trabaho’y naglalarawan sa tunay na alagad ng batas, “incorruptible” sa anumang bagay na ikasasama ng kanilang pagkatao at organisasyon.

Noon, ang pulis ay nagpapaligsahan sa paghuli ng mga kriminal at pagbuwag ng mga sindikato, malayo sa estilo ng ngayo’y miyembro o bumubuo ng ipinalit sa INP na Philippine National Police (PNP) na ang marami ay ang inaatupag ay manghulidap ng mga kriminal at iligalista, kundi man ay sibilyan sa ngalan ng salapi.

Ang masamang ugali at kostumbre ngayon ng marami ding mga pulis na tila kalakaran na sa PNP ay dahil sa imbes na pigilan ng mga namumuno o kanilang mga superior ay kinukunsinte pa dahilan sa patuloy na pagbagsak ng imahe ng police organization.

Kung hindi puspusang kikilos ang nakatalagang PNP Chief ay darating ang panahon na tuluyang guguho ang tiwala ng sambayanan sa kapulisan. Paumanhin sa PNP at pasensya na din kay PDG Benjamin Acorda Jr., sa maanghang na pagsasalarawan sa kasalukuyang estado ng mga opisyal at non-officer member ng PNP na di naman nilalahat pero dahil sa kanila’y dumadami ang bulok at korap sa organisasyon.

Noong ang INP pa ang police organization, walang pulis na holdaper, scammer at higit sa lahat ay tong kolektor o protektor, tagapagkanlong o coddler ng illegal gambling operator at drug pushers na katulad ngayon na nagkalat ang mga ganitong alagad ng batas na umiikot sa mga gambling at drug den, ganon din sa mga kuta ng paihi o buriki?

Wala namang aamin na chief PNP, regional director at police chief sa binabanggit na tong koleksyon, pero lantay na katotohanang parang kabute ang operasyon ng paihi, STL -con jueteng o bookies, sakla, lotteng, pergalan (perya at sugalan) at iba pang kailigalan. Tiyak na may lagayan at may umiikot na payola money kaya tahimik at di kumikilos ang kapulisan?

Halos lahat na rehiyon at probinsya sa Luzon, partikular ang Region 4-A, lalo na ang Batangas na ang paihi at illegal gambling na hinahaluan pa ng droga ay matindi ang pamamayagpag, pero ang nakapagtataka’y bulag, tila hindi alam at walang binatbat si Col. Samson B. Belmonte sa talamak na kailigalan sa kanyang area of responsibility (AOR)?

Buhay na halimbawa dito ay ang garapal na paihian o burikian ng magkasosyong Enrico alyas Rico at Ed sa Brgy. Bulihan sa bayan ni Malvar Mayor Crestita Reyes na di naman inaksyunan ni ex- Malvar Police Chief Major Jonathan S. Amutan at maging ng humalili ditong hepe ng kapulisan na si Capt. Nemecio Calipio Jr. Inabutan marahil ni Capt. Calipio Jr. ang kalakarang libreng paalmusal hanggang hapunan at pameryenda nina Enrico at Ed sa mga pulis ng Malvar kaya sa halip na supilin, arestuhin at kasuhan sina Enrico at Ed at ang mga tauhan ng mga itong magnanakaw ng petroleum product ay tameme lamang ang mga ito?

May ulat pang naghahatatag ng Php 50,000 weekly sina Enrico at Ed sa isang lokal na police official at Php 50,000 din sa isang opisyal ng munisipyo Malvar? Kilala kaya nina Capt Calipio Jr. at Mayora Reyes ang sinasabing police at local government official? May mga pasugal pang nailatag na pergalan sa Brgy. Santiago ng naturang bayan ang isang Glenda na kilala ding drug pusher?

Sa munisipalidad ng Mabini bukod sa may paihian ay mayroon ding operasyon ng STL-con jueteng o bookies si Timmy ngunit dedma din ito kay Maj. Mickglo Marinas. May mga paihian din sa mga bayan ng Lemery at Mabini na di masawata nina Lemery Police Chief Maj. Gerry Abalos?

May 34 na STL bookies at STL-con droga operator sa syudad ng millionaire Tanauan City Mayor Sonny Collantes, ngunit tila nakagapos ang kamay, di ito umaaksyon at si Police Chief LCol. John Rellian laban sa mga iligalista sa kanilang hurisdisyon.

Isang city hall official ang iniulat na tumatanggap ng Php 1.5M na lingguhang tara at Php 1.5 din weekly para sa isang Provincial Police officer mula sa mga gambling con drug lord na sina Ocampo, Ablao, Dimapilis, Biscocho, Ms. Bagsit, Gerry at iba pa kung kayat “gapos” ang dalawang kamay ni Mayor Collantes at LtCol. Rellian?

Ang iba pang mga iligal na pasugalang hinding-hindi maaksyunan ng Batangas PPO sa ilalilm ni Col. Belmonte ay ang operasyon ng tatlong saklaan sa bayan ni Padre Garcia Mayor Celsa Braga-Rivera sa Brgy. Sambat sa bahay ng isang Villestas, Malvar Street at Brgy. Payapa, at maging ang talamak na pa-jueteng o STL-con bookies at drug pushing trade nina Tisoy at mga kanugnog na siyudad at bayan. Mistulang BULAG, PIPI at BINGI naman ang Police Chief na si Major El Cid Villanueva kaya parang walang kaalam-alam dito si Col. Belmonte?

May ala mini casino pang pasugalan na nag-ooperate sa tabi lamang ng Lian Public Market sa bayan nina Lian Mayor Joseph Peji at local Police Chief Major Jeffrey Dallo na ipino-protesta ng mga mamamayan ng Lian. Sa barangay Manghinao ni Chairman Asher Decepeda, at bayan ni Bauan Mayor Ryan Dolor at Police Chief LtCol. Nestor Cusi ay nagpapasugal din sa ala mini casino na pergalan si Madam Norma na nabigyan naman ng permit to operate gambling kuno ng isang tinataguaring “Little Mayor”? May karugtong…
***
Para sa komento: Cp. No. 09664066144.

The post BELMONTE AT CALIPIO JR., WALANG BINATBAT SA PAIHI, VICE OPS SA BATANGAS! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BELMONTE AT CALIPIO JR., WALANG BINATBAT SA PAIHI, VICE OPS SA BATANGAS! BELMONTE AT CALIPIO JR., WALANG BINATBAT SA PAIHI, VICE OPS SA BATANGAS! Reviewed by misfitgympal on Hulyo 18, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.