Ano kayang kababalaghan ang sumanib sa BIDS AND AWARDS COMMITTEE (BAC) ng NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION (NIA) na ang pinanalo sa ginanap na bidding ay ang BIDDER na kuwestiyonable ang pagiging kontratista at mas mataas pa ang magiging gastos ng ahensiya?
Nitong July 12, 2023 ay nagsagawa ng BIDDING ang NIA at ang mga nagpartisipa ay ang MALGAPO INTERPRISES na hindi nagwagi dahil sa kakulangan ng sworn statement at statement sa lahat nilang government and private contracts; ang OSJ MOTORS naman ay bigo rin dahil sa kakulangan ng certification na ang JIMRICH STORE sa VISAYAS ang kanilang authorized reseller at binigyan ito ng 3 working days para magsumite ng kanilang Motion for Reconsideration.., at ang BBLM UNISTAR.ang idineklarang panalo sa bidding subalit sasailalim pa ito sa pagsisiyasat.
Mga ka-ARYA.., ang address ng BBLM UNISTAR ay RESIDENTIAL o bahay at walang sapat na espasyo para paglagakan o pag-imbakan ng mga supply na nagkakahalaga ng mahigit kalahating bilyong pisong kontrata.., kaya isasailalim pa ito sa occular inspection kung KUWALIPIKADO ba bilang SINGLE LARGEST CONTRACT para sa gayong napakalaking halaga o amount ng kontrata.
Bukod diyan ay pinagdududahan din ang pagdedeklarang SINGLE LARGEST COMPLETED CONTRACT (SLCC) na sumasaklaw sa SINGLE CONTRACT ng BBLM UNISTAR at sa pagitan ng PRIVATE ENTITY ay tila “FABRICATED” lamang.
Kaya naman, ang naturang BIDDER ay kinakailangan pang siyasatin sa BUREAU OF INTERNAL REVENUE (BIR) para masuri kung ang kanila bang deklarasyon sa pagiging LARGEST CONTRACT ay nakasaad ba sa kanilang GROSS SALES sa mga kaukulang taon.., at ang mga kinauukulan ay kailangan ding magsagawa ng occular inspection para makita kung totoo nga bang may mga store sila sa LUZON, VISAYAS at MINDANAO.
KADUDA-DUDA pala ang status ng BBLM UNISTAR subalit idineklarang ito ang WINNER na hindi man lang daw isinagawa ang mga kaukulang OCCULAR INSPECTION at pagsisiyasat sa ELIGIBILITY ng BIDDER.., na ikinagulat at ipinagtaka ng mga OBSERVER sa ginanap na BIDDING.
Bukod diyan, ang CONTRACT AMOUNT na inihain ng BBLM UNISTAR ay P775.6 milyon kumpara sa offer ng OSJ MOTORS na P771 milyon lamang na sadyang mas FAVORABLE, ADVANTAGEOUS at COST-EFFECTIVE sa gobyerno.., ika nga ay mas makatitipid dapat ang NIA sa naging OFFER ng OSJ MOTORS kumpara sa BBLM UNISTAR.
Eto pa mga ka-ARYA.., batay sa ibinulong na impormasyon ng mga ARYA BEE ay nakapag-comply raw ang OSJ MOTORS sa paghahain ng kanilang Motion for Reconsideration sa loob ng 3-working days bilang pagpapatunay sa kanilang pagiging LEGIT at kakayahang maipagkaloob ang mga supply at delivery goods.., subalit dedma lang daw ang BAC at ang BBLM UNISTAR na may KADUDA-DUDA at KUWESTIYONABLENG ELIGIBILITY STATUS ang idineklara pa ring WINNER BIDDER.., siyempre pa, ang mga OBSERVER ay BIG QUESTION MARK ang kuminang-kinang sa kanilang mga kokote kung anong mahika o ano ang sumanib sa mga bumubuo ng BAC!
E siyempre pa, ang tanging makapagpapaliwanag niyan ay ang BAC o ang NIA MANAGEMENT!
— 000 —
DERMALOG PALPAK SA LTMS?
Binabatikos ng iba’t ibang grupo sa sektor ng transportasyon ang kapalpakan sa halos magli-5 taon nang panunungkulan ng DERMALOG ay PALPAK pa rin ang kanilang LAND TRANSPORTATION MANAGEMENT SYSTEM (LTMS) na nagreresulta sa matinding aberya hinggil sa rehistro ng mga sasakyan.
Ang DERMALOG ay bigo umanong mai-connect ang LAND TRANSPORTATION OFFICE (LTO) sa LAND TRANSPORTATION AND FRANCHISING REGULATORY BOARD (LTFRB) na siyang dahilan ng mga aberya sa pagrehistro ng mga sasakyan at ang ganitong sistema ng LTMS ay paglabag sa ANTI-RED TAPE ACT at ang EASE OF DOING BUSINESS ACT.
Bunsod nito ay naging malaking palaisipan sa mga TRANSPORT GROUP partikular na sa LIGA NG TRANSPORTASYON AT OPERATORS SA PILIPINAS (LTOP) na pinamumunuan ni ORLANDO MARQUEZ.., kung bakit pinahintulutan daw ng nakaraang administrasyon ng LTO na ituloy ang LTMS gayong wala namang problema sa nakaraang sistema.., na anila ay kailangang imbestigahan dahil maaaring may kurapsiyon aniya sa pagitan ng nakaraang liderato ng LTO at DERMALOG.
“Ang kawalan ng koneksiyon ng LTMS sa LTFRB ay lalong nagpapahirap sa LTO na suriin ang validity ng mga prangkisang ibinigay ng mga public utility vehicles, ang mga lehitimong operator tulad namin ang mamumrublema dahil sa paglaganap na namang muli ng kolurum,” pagpupunto ni MARQUEZ
Sa isinagawang press conference ng malaking TRANSPORT ORGANIZATIONS sa isang restoran sa QUEZON CITY ay ipinanawagan ng mga ito kay PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR. na mapagtuunan at agarang maresolba ang kinakaharap na suliranin sa sektor ng transportasyon.., at nilinaw ng mga ito na suportado nila ang TRANSPORT MODERNIZATION at ang banta ng Isang TRANSPORT GROUP na tigil pasada umano sa araw ng STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA) ay hindi nila susuportahan at sa halip ay tuloy ang kanilang pamamasada!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.
The post KUWESTIYONABLENG BIDDER PANALO PA RIN SA NIA? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: