Dalawang hayok sa laman na mga suspects ang bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Buenavista PNP makaraang magsumbong ang isang menor de edad na biktima ng panggagahasa kamakalawa ng gabi.
Nagtungo sa Buenavista Police Station, Buenavista, Agusan del Norte ang isang alias Nene ( di tunay na pangalan) para ireklamo ang tatlo sa kanyang mga pinsan na paulit- ulit na pangmomolestiya at panghahalay sa menor de edad sa loob ng limang (5) taon.
Ayon sa biktima, 8 years pa lang siya nang unang gawin ito sa kanya ng kanyang mga pinsan sa tuwing naiiwan siyang mag- Isa sa kanilang bahay.
Patay na ang ama ng biktima samantalang OFW naman sa bansang Qatar ang ina nito.
Naiwang nangangalaga sa biktima ay ang 78- anyos na lola nito.
Naaresto ng pulisya ang mga suspects na sina John Paul Martinez at John Anthony Martinez, parehong 20-anyos ang edad.
Isa pang suspect ang nakakalaya pa at pinaghahanap ng pulisya.
Ayon sa imbestigasyon, kapwa gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang mga suspects.
Aminado ang mga magulang ng suspects na gusto na nilang ipa- rehab ang mga ito ngunit di nila magawa dahil sa hirap ng buhay.
Personal nating pinakialaman ang kaso ng batang si Nene makaraang lumapit sa inyong lingkod ang tiyahin nito.
Base sa ating isinagawang pag- aaral,tumaas ang bilang ng kaso ng panggagahasa laban sa mga kababaihan na ang edad ay mula 7 anyos hanggang 18 years old nitong 2022 na ang mga salarin o suspects ay lango sa droga.
Sa kaso ni Nene ng Buenavista, kumpirmadong gumon sa shabu ang mga suspects.
Ngayon natin napatunayan na sa malalayong pamayanan ng ating bansa gaya sa mahirap na bayan ng Buenavista,sa Agusan del Norte ay talamak na rin ang presensiya ng shabu.
Naabot na ng nasabing salot na substance ang pinakasuluk- sulukang bahagi ng Pilipinas.
Ang pinupunto natin dito dear readers,wala ng safe na tao dito sa Pinas laban sa bangis at kamandag ng ipinagbabawal na gamot.
Lahat tayo ay puwedeng maging biktima, one way or the other.
Si Nene na isang community scholar ng kanilang lugar ay nawasak ang kinabukasan sa kamay ng mga adik nyang pinsan.
Dumaan sa matinding trauma at mental torture.
Saan pang lugar dito sa ating bansa puwedeng manirahan na ligtas ang ating mamamayan kung ganitong nagkalat na ang droga saan mang lupalop?
Nananawagan tayo sa gobyerno at sa pambansang kapulisan, in particular,kay PNP Caraga (PRO13) Regional Director General Pablo Labra II na maglunsad ng isang all out war versus illegal drugs sa kanyang AOR bago pa man mawasak ang dangal at kinabukasan ng mga tulad ni Nene ng Buenavista.
Mga kabataan natin ay nasa mismong kuko na ng mga halimaw na pasimuno ng droga.
Paging Chief PNP General Benjamin Acorda Jr.sir, let us save our future generation from the vicious tirade of this manace bago pa mahuli ang lahat.
Ilan pa bang pamilya at mga inosenteng kabataan ang dapat mapariwara bago pa magising ang pamahalaan sa malalang sitwasyon ng bayan?
Lastly, nawa’y makararting ang payak nating kolum na ito sa kaalaman ni Agusan del Norte Governor Angelica Rosedelle Amante para naman mapagkalooban ng tulong at iba pang ayuda si Nene ng Buenavista!
Buligi naman please Gov.Amante ma’am!
May kasunod …
ABANGAN!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post SI NENE NG BUENAVISTA, AGUSAN DEL NORTE! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: