Facebook

BELMONTE AT SOBREPENA MGA “TUOD” SA BATANGAS?

WALA pang isang buwan sa puwesto bilang bagong hirang na police provincial director ng lalawigan ng Batangas si Col. Samson Belgica Belmonte pero ngayon pa lamang ay nagpapakita na ito ng kahinaan sa sinumpaang trabaho at responsibilidad.

Si Col. Belmonte ay mistulang “tuod” na halos ay di kumikilos, tila walang alam, nagbubulag-bulagan, nagbibingi-bingihan sa mga reklamo at hinaing ng mga Batangueno sa pamamayagpag ng ibat ibang uri ng iligal na sugal at paihi o buriki (oil and petroleum product pilfirage), anang mga nagrereklamong mga mamayan?

Lantaran din ang operasyon ng illegal gambling tulad ng STL-con jueteng, lotteng, sakla pergalan (perya at sugalan) at iba pang uri ng sugal, ganon din ang drug dealing sa mga vice den pero dinidedma at hindi hinuhuli ng kapulisan dahil takot sa kanilang mga hepe at kay Col. Belmonte?

Ayon sa provincial police insider ng SIKRETA, may verbal na direktibang pinaiikot sa mga city at municipal station, ganon din sa mga operating unit ng PNP provincial command at maging sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Provincial Office na huwag kantiin, bawal guluhin ang operasyon ng mga paihi at sugalan na kalat na kalat sa buong lalawigan.

Ang sinumang pulis o operatiba na susuway sa verbal order na galing sa mataas na opisyal sa provincial command at CIDG ay iisyuhan ng order, itatapon sa malayong lugar tulad ng Tawi-Tawi at Basilan kung saan naghahari ang mga teroristang grupo ng Abu Sayaf?

Hindi nakapagtataka ang nasagap nating balita dahil itinuturo ng mga Batangueno ang mga lugar ng operasyon ng iligal na sugalan at paihian at ibang kailigalan sa lalawigan, pero ayaw kumilos ang mga pulis para lusubin, hulihin ang mga pasimuno ng bawal na sugal at mga mamanaya nito ganon din ang mga magnanakaw at pinagkukutaan ng mga magpapaihi, magpapasingaw at magpapatulo ng produktong petrolyo.

Samantala, binabanatan na ng mga Batangueno ang bagong talagang Batangas PD Col. Samson B. Belmonte at maging si CIDG Provincial Officer LtCol. Victor Sobrepena sa kawalan ng aksyon sa kanilang mga daing tungkol sa di matigil-tigil na paihi at vice operation sa lalawigan na patuloy na ipinaaalam sa kanila subali’t hindi naman inaaksyunan.

Inakala nilang sina Col. Belmonte at LtCol. Sobrepena na ang sagot at susupil sa matagal nang problema ng vice operation at oil and petroleum pilferage sa lugar na ito ng Region 4-A pero tulad din pala sina Col. Belmonte at LtCol. Sobrepena sa nagdaang mga naging provincial director at CIDG Provincial Officer na kinukunsinte ang mga vice lord at mga operator ng paihi na kinukunsidera ding mga economic saboteurs dahil sa kanilang iligal na operasyon?

Katunayan anila hindi natutugunan o napaaksyunan nina Col. Belomonte sa kanyang police chief na si Capt. Nemecio Alipio Jr. at CIDG operative ang talamak na operasyon ng paihian sa Brgy. Bulihan sa bayan ng Malvar ng magkasosyong Enrico at Ed, gayon din ang tatlo pang grupo ng mga magnanakaw ng produktong petrolyo sa mga munisipalidad ng Mabini, Lemery at Calaca.

May libreng pa-almusal hanggang hapunan bukod pa sa meryenda para sa lokal na kapulisan sina Enrico at Ed? Ganyan talagang katindi kina Col. Belmonte ang mga salot na sina Enrico at Ed?

Ang operasyon ng pinaka-malakas na tayaang saklaan sa rehiyon na matatagpuan sa mga Brgy. Sambat sa bahay ng isang Villestas, Malvar Street at Brgy. Payapa sa bayan ni Padre Garcia Mayor Celsa Braga-Rivera ay di rin masawata ni Padre Garcia Police Chief Maj. El Cid Villanueva pati na ang laganap na operasyon ng STL-con jueteng na pinatatakbo din ng magpartner na sakla king-con drug lord na sina Tisoy at Nonit.

Wala ring aksyon si LtCol. John C. Rellian sa STL-con jueteng na kilala din STL-con drug operation sa hurisdiksyon ni Tanauan City Mayor Sonny Colllantes kung saan may 34 na jueteng -con shabu pusher na kinabibilangan nina Ocampo, Dimapilis, Ms. Bagsic, Ablao, Biscocho, Gerry at iba pa.

Ang iba pang hindi napapaaksyunan o sadyang ayaw paaksyunan ni Col. Belmonte ay ang STL-con jueteng operation nina Willy Bolbok sa bayan ng Nasugbu at Calatagan, STL -con jueteng na front din ng bentahan ng shabu ng isang Bruce sa bayan ng Laurel at STL bookies operation sa bayan ng Ibaan nina Herrnandez at Rocio.

May salyahan din ng shabu sa mga rebisahan ng STL bookies sa mga munisipalidad ng Calaca, Mabini at San Pascual. May pergalan (perya at sugalan) naman sina Correa sa Brgy. Butong sa bayan ng Taal, Glenda sa Brgy. Santiago, Malvar at Gigi sa Brgy. Sampiro, Balayan.

Ngunit higit na tinik at sumusurot sa mata ng mga residente ng mga bayan ng Lian at Bauan ang operasyon ng pasugalang may shabuhan din at ala- mini casino na nasa tabi ng Lian Public Market sa Poblacion ng bayan ni Mayor Joseph Peji at Police Chief Maj. Jeffery Dallo ganon din ang pergalan ni Madam Norma sa Brgy. Manghinano sa bayan ni Mayor Ryan Dolor at Police Chief LtCol. Nestor Cusi.

Ipinagyayabang na protektor ni Madam Norma si “Bauan Little Mayor” at ipinagbabanduhan na popondohan ng pasugalan ang re-election bid ni Manghinao Brgy. Chairman Asher Decepeda sa darating na Barangay and Sangguniang Kabataan Election (BSKE) sa October 2023 para tuloy-tuloy ang operasyon ng kanyang pergalan -con mini casino.

Kailangan pa kayang isa-isahin natin kina Region 4-A PNP Director PBGen. Carlito Gaces at CIDG RC 4-A Col. Marlon Santos ang mga pangalan ng mga tatamad-tamad at kunsintidor na mga hepe ng kapulisan at operatiba sa Batangas para mapakilos sina Col. Belmonte at LtCol. Sobrepena?

***

Ngayon ay kaarawan ng isa sa kinikilalang haligi ng Lalawigan ng Batangas, ex- Executive Sec. at retired AFP Gen. Eduardo R. Ermita, hindi matatawaran ang kahusayan at katapatan sa paglilingkod sa bayan, isang kaibigan sa tunay na diwa ng pagiging kaibigan si Tito Ed.

***

Para sa komento: Cp. No. 09664066144.

 

The post BELMONTE AT SOBREPENA MGA “TUOD” SA BATANGAS? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BELMONTE AT SOBREPENA MGA “TUOD” SA BATANGAS? BELMONTE AT SOBREPENA MGA “TUOD” SA BATANGAS? Reviewed by misfitgympal on Hulyo 12, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.