Facebook

Kahit may Tsino sa board, Pilipino pa rin ang may kontrol sa NGCP

PINABULAANAN ng ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang mga paratang na ang kasosyo nilang State Grid Corporation of China (SGCC) ay may kabuuang kontrol.

Sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Energy, kinuwestiyun ni Senador Raffy Tulfo, chairman ng komite kung nababraso ba ng China-based corporation na nagmamay-ari ng 40% ng NGCP ay nakakaantala sa operasyon base sa kanilang posisyon sa board.

Nilinaw naman ni Atty. Cynthia Alabanza, pinuno ng Corporate Communications ng NGCP, na apat lamang ang mga Chinese sa kanilang lupon na may sampung miyembro. Kanya ring isinaad na ang iba pang miyembro ng lupon at lahat ng iba pang staff ng buong kumpanya ay Filipino.

Nababahala naman nina Senador Tulfo at ni Senador Sherwin Gatchalian dahil sa nakita nilang isang probisyon sa mga patakaran ng NGCP na maaaring hindi matuloy ang pagtitipun-tipon ng lupon kung wala ang mga Chinese partner.

Sinagot ni Alabanza na ito ay isa lamang kortesiya sa mga kasosyong banyaga at maaari lamang magamit ng dalawang beses. “Wala pong basehan ang mga pagdududa ng mga Senador na mababraso ng mga Chinese boardmember ang mga Filipinong mayoriya ng lupon,” sabi ni Alabanza.

“Ang pinakamasamang magagawa lang nila, kung sila man ay mambabraso, ay ipagpaliban ang pagtipon ng board, at hindi nila ito maabuso. Ang mga apurahan at importanteng desisyon maaaring tugunan ng presidente at CEO ng kumpanya na isang Filipino. At kung kinakailangan, puwedeng pagtibayin ng board ang desisyon ng presidente at CEO.”

Nilinaw din ng NGCP na ang 40% na pag-aari ng SGCC ay naaayon sa batas at kinakailangan dahil walang lokal na bidder na kayang punan ang mga technical requirement upang makamit ng NGCP ang mga layunin nito. Maaalalang ang NGCP ang pumalit sa National Transmission Corporation (TransCo) noong minandato ng gobyerno na i-privatize ang grid operations sa bansa. Ang SGCC ay lumahok at nanalo sa open bidding na naganap para maging foreign technical partner na pasado sa mga pamantayan ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).

“Ang aming mga foreign technical expert ay naging kasosyo ng NGCP at alinsunod sa mga batas ng bansa. Sila ay nagbibigay lamang ng technical assistance at paggabay. Hindi sila mga ‘executive’ o ‘managing officer’ ng NGCP,” banggit pa ni Alabanza.

“Inakusahan din ni Senador Tulfo ang NGCP sa kanilang “underspending” o hindi paglaan ng tamang budget para sa mga pagbubuti ng serbisyo. Kontra naman ni Alabanza na mahigit PhP 300 bilyon na ang nagagastos ng NGCP sa imprastrakturang pang transmisyon mula noong 2009 at mas malaki rin ang kanilang nailabas kupara sa mga investment ng gobyerno. “Mananatili kaming mapagtugon sa mga hamon ng industriya ng enerhiya. Pagdating sa ating imprastrakturang pangtransmisyon, kami po ay nangangakong makikipagtulungan upang makahanap at makagawa ng mga solusyon,”dagdag pa ni Alabanza.

The post Kahit may Tsino sa board, Pilipino pa rin ang may kontrol sa NGCP appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kahit may Tsino sa board, Pilipino pa rin ang may kontrol sa NGCP Kahit may Tsino sa board, Pilipino pa rin ang may kontrol sa NGCP Reviewed by misfitgympal on Hulyo 12, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.