Facebook

COL. BELMONTE BPB? WANTED BATANGAS POLICE DIRECTOR!

NAGHAHANAP ang mga Batangueno – hindi dahil may nagawang masama na labag sa batas si Col. Samson Belgica Belmonte, kundi ng isang tunay, maaasahang police official na bukal at buong pusong isinasakatuparan ang mandato ng kanyang trabaho para sa kapakanan at ikabubuti ng lalawigan at ng mga mamamayan nito.

Si Col. Belmonte ay halos dalawang linggo pa lamang sa posisyon bilang provincial director (PD) ng Batangas, pero sa pagkakaliskis ng mga Batangueno, tila walang pagkakaiba ito sa nakaraang mga PD ng lalawigan na hindi naging matagumpay sa kanilang tour of duty dahil palpak magtrabaho? Kapag nakaupo na sa puwesto ang itinalagang PD ay mas nanaig sa kanila ang bulong ng mga demonyo kaysa kapakanan ng mga Batangueno.

Walang ibang probinsya sa bansa ang maya’t-maya ay nagpapalit ng PNP provincial director kundi ang lugar na pinamumunuan ng Marcos Loyalist Gov. Hermilando “Dodo” Mandanas na madaling lapitan ng kanyang mga constituents, ngunit mahirap namang hanapin?

Bilang alagad ng batas, nakatadhana sa mga alituntunin na mahigpit na pinapairal ng Philippine National Police (PNP) na trabaho at mandato ng PD na pangunahan, kasama ang mga tauhan na tingnan, bantayan ang kanilang area of jurisdiction upang mailayo ang mga ito sa mga bagay o indibidwal na banta sa katahimikan at kaligtasan ng mga mamayan.

Pero sa probinsyang ito na bahagi ng CALABARZON, ang sinasabi o itinatadhana ng PNP hierarchy ay maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi nasusunod dahil ang mga naa-appoint na PD at ilang mga key officer nito ay mas pinapaburan ang pamamayagpag ng mga iligalista tulad ng mga vice operator, gambling con-droga, paihi at iba pa kapalit ng pagbalewala sa kanilang tungkulin?

Numero unong dahilan kaya hindi nagtatagumpay ang mga nagdaang mga PD ng Batangas ay ang regular, weekly payola na aabot sa milyones na natatanggap mula sa mga operator ng STL-con jueteng, sakla, lotteng, pergalan (perya at sugalan) at iba pang uri ng iligal na sugal, ganon din at higit sa lahat ay ang malaking “padating” ng mga maintainer ng paihi o buriki (oil and petroleum theft or pilferage).

Kaya tumataas ang insidente ng ibat ibang uri ng krimen ay malaking ambag ang nagkalat, lantarang pamamayagpag ng animo’y kabute sa daming pasugalan sa ibat ibang lugar sa mga siyudad at bayan ng Batangas na matagal nang nag-ooperate, problema ng mga Batanguenno pero dinededma lang ng mga operatiba at ng mga pinuno nito maging ng mga nakatalagang provincial police director.

Sa taong ito lamang nangyari na ilang beses nagpalit ang Batangas PD – si Col. Soliba ay natanggal sa pwesto ilang buwan pa lamang ang nakararaan dahil marahil sa kabiguang labanan ang vice operation at criminal activity, ipinalit si Col. Rainerio De Chavez na halos ay isang buwan lamang sa posisyon na pinalitan naman ni Col. Samson B. Belmonte, ang kasalukuyang PD ng lalawigan.

Si Col. Belmonte na pinaniniwalaang handpicked ni Gov. Mandanas ay inaasahan na hindi susunod sa yapak ng mga nagdaang kapwa mga PD na kaya sinibak sa pwesto ay di naabot ang inaasahang serbisyo sa mga mamamayan dahil sa tingin ng mga pinagliulingkuran ng mga ito ay tamad sa trabaho kaya’t naapektuhan ang peace in order sa nasabing lalawigan.

Sa ngayon ay nagmamanman, nag-oobserba ang mga Batangueno kung kikilos si Col. Belmonte para ipahuli ang mga operator ng paihi sa mga bayan ng Malvar, Lemery, Mabini, Calaca; iligal na sugal lalo yaong STL bookies na front ng bentahan ng illegal drug sa Tanauan City; sakla sa bayan ng Padre Garcia; mini casino sa mga munisiplaidad ng Bauan at Lian; bookies con droga sa Laurel, Nasugbu, Calatagan at iba pang mga bayan at mga pergalang nagkakanlong sa isang asosasyon ng mga pergalista na nais gawing ligal ang color game, sakla, beto,-beto, drop balls, cara y cruz at mga card at table game. Ang mga iligal na sugal sa pergalan ay pawang naglululong maging sa mga menor de edad at estudyante sa pagsusugal at paggamit ng droga. Nagiging ugat din ang mga pasugalang prente ng bentahan ng shabu sa pagtaas ng antas ng krimen sa naturang lalawigan at iba pang probinsya ng Timog Katagalugan.

Tamad, pabaya at kunsintidor naman ang maraming police chief na nasa ilalim ng mando ni Col. Belmonte lalo na ang intelligence and Investigation Branch kung pagbabatayan ang mga performance ng mga ito na dapat pagtuunan ng masusing pagsususri ni Col Belmonte.

Bulag, Pipi at Bingi (BPB) din ang nasabing PD at mga opisyales ng operating unit lalo na nga ang Intelligence and Investigation arm ng Provincial Command dahil hindi nila nagagawa ang kanilang mandato sa mga nangyayaring kailigalan sa Batangas?

***

Para sa komento: Cp. No. 09664066144.

The post COL. BELMONTE, BPB? WANTED BATANGAS POLICE DIRECTOR! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
COL. BELMONTE BPB? WANTED BATANGAS POLICE DIRECTOR! COL. BELMONTE BPB? WANTED BATANGAS POLICE DIRECTOR! Reviewed by misfitgympal on Hulyo 10, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.