Facebook

Celebrity lawyer Atty. Maggie Abraham-Garduque sinagot ang ibat ibang fake news sa Eat Bulaga!

Ni PETER S. LEDESMA

LAST July 8, sa contract signing nina Yorme Isko Moreno at Paolo Contis sa Tape Incorporated para sa Eat Bulaga na ginanap sa APT Studio, na-interview namin ang kilala at controversial pretty lawyer na si Atty. Maggie Abraham-Garduque.
Pinaklaro namin sa kaibigan naming abogado ang isyung ipinapakalat ng Showbiz Now Na ni Manang Cristy Fermin and company na unang-una ay hindi namin pinaniwalaan. Na umano ay magpapaalam na ang Eat Bulaga sa darating na July 29, araw ng Sabado. Mabilis itong sinagot ni Atty. Maggie, aniya, “This is not true. Kung meron pong magtatapos sa July 29, 2023 ay ang 43rd anniversary ng Eat Bulaga! ang July 29, 2023.
At manood kayo at sa araw na yun ay maraming inihandang surpresa at pasabog ang Eat Bulaga. Mas malalaking papremyo at may big celebrity guests na magpapasaya sa kanilang 44th Anniversary,” say pa ni Atty. Maggie at patuloy pa nito, “Until 2024 ang contract ng Tape, Inc. with Eat Bulaga in GMA7. So Eat Bulaga! is committed to give fun, entertainment and help to all our Kapuso 45th year and beyond.”
Saka paano magtatapos ang Eat Bulaga gayong dikitan na o close fight na sila sa rating ng E.A.T. ng TVJ sa TV5. Halos one percent na lang ang lamang nito sa kanila at number one ang EB sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Saka nadagdagan ang programa ng commercial load na from 6 minutes ay umaabot na sila sa 13 to 15 minutes. Kaya masaya ang Top executives ng Tape, Inc. na sina Tape President Cong. Jonjon Jalosjos, Chief Finance Officer, Mayor Bullet Jalosjos at Ma’am Soraya Jalosjos na Vice President at Chief Operations Officer ng Tape at ang buong Team ng Eat Bulaga.
And one more thing ay pumirma nga ng long term contract na one year and renewable sina Yorme at Paolo gayundin ang lahat ng empleyado ng Tape, Incorporated. “So thus, there is no reason to discontinue the airing of Eat Bulaga! Pagdidiin pa ni Atty. Maggie na lucky charm lawyer ng mga Jalosjos.
About PUREGOLD naman na ikinakalat ng mga insecure na tao sa EB na sinampahan daw ng kaso ng isang major advertiser ng Eat Bulaga ang mga Jalosjos dahil sa isyu ng refund fee. At ang kanilang tinutukoy ay ang PUREGOLD. Narito ang paglilinaw ni Atty. Maggie sa said issue, “The contract is between Puregold and TAPE Inc. for Eat Bulaga show. It is coterminous with the show and not with the hosts. “Thus, there is no ground for the refund even if the main hosts left. As long as there is a show ‘Eat Bulaga’ within the wide reach network, GMA Network, the contract between Tape Inc. and Puregold shall subsists. “These are two big companies which both respect the terms of the contract that the same cannot be cancelled and the fee is non-refundable.”
Sa katunayan salungat sa false news ay may communication ang Tape Inc. at Puregold.
“As far as I know, sales (people) of Tape Inc. and Puregold had been conducting meetings so they can decide on which segment ng show ilalagay ang Puregold which will best suit their brand campaign.”
May paliwanag din si Atty. Maggie (paboritong abogado ni Vhong Navarro) tungkol sa titulong ‘EAT BULAGA’ kung ano na ang update sa pinagtatalunang trademark na kung sino talaga ang totoong nagmamay-ari nito, ang Jalosjos ba o angTVJ?
“It has been renewed for several years, and there was no opposition for several years. But the Jalosjos, approved yung registration nila ng trademark for Eat Bulaga. Pang-ilang renew na nila ‘yan. Nag-renew sila uli last June 14, 2023. Kasi yon yung lapse,” paliwanag pa ni Atty. Maggie at dagdag pa nito, “Kasi everytime years nire-renew ang trademark. Other than the rules, you can renew your trademark, 6 months before or six months after, after the lapse of the trademark ng trademark mo. Yung matapos na ang trademark mo. Kasi yun pa rin under the record of the IPO, na ang Tape Incorporated pa rin ang merong approve registration ng trademark.”
By the way, natanong naman namin kay Atty. Maggie yung tungkol sa themesong ng Eat Bulaga na si Bossing Vic Sotto ang nag-composed. Na bakit sa noontime show ng TVJ sa TV ay same lang yung melody ng kanta pero hindi nila mabanggit ang Eat Bulaga kundi yung titulong gamit nila na E.A.T. May alam ba siya tungkol dito?
“I don’t know about the themesong. But regarding the title of their show na E.A.T ang nilagay nila, kasi there was still trademark dispute. About the copyright? Magkaiba kasi ang trademark at copyright. Yung trademark kasi yung talagang pangalan. Yung copyright with regard to the invention and mga work of arts. Kasi there was still trademark dispute on the name of the trademark,” pakli pa ng kaibigan naming palabang abogada.
Naku, lagot mukhang wala nang pag-asang magamit pa ng TVJ sa pangtanghaling programa ang titulong Eat Bulaga lalo’t noong Pebrero ngayong taon lang nila ipinarehistro ang nasabing pamagat o pangalan ng kanilang show. So makuntento na lang sila sa paggamit ng E.A.T!
This July 29, Sabado ay may malaking sorpresang dapat na abangan ang Kapuso viewers ng Eat Bulaga at mamimigay sila ng mas malalaking papremyo sa live audience at homeviewers. At pasabog ang kanilang guest celebrities na tiyak na ikagugulat ninyo.
Yes, ise-celebrate ng TAPE INCORPORATED ang EAT BULAGA, na ang mga Jalosjos, ang totoong owner ng malaganap na programa. Tunay talagang tagapagtanggol si Atty. Maggie ng Jalosjos brothers (Cong. Jonjon at Mayor Bullet) pagdating sa usaping legal. Lalaban siya sa alam niyang tama ang kanyang mga ipinaglalaban.
Lastly, may isyu rin na kumakalat na malaki raw ang tampo ng Jalosjos sa GMA7 dahil para silang ginisa sa sarili nilang mantika nang tanggapin ng GMA ang It’s Showtime sa sister network nila na GTV.
Napahalakhak na lang ang artistahing si Atty. Maggie sabay turo sa Vice President ng SPARKLE GMA ARTIST CENTER na si Ms. Joy C. Marcelo na dumalo at sinamahan ang alaga nila sa Sparkle na si Paolo Contis sa contract signing ng actor-TV host sa Tape Incorporated.
Oo nga naman, pupunta ba si Ms. Joy sa APT Studio kung talagang may feud sa pagitan nila sa GMA at TAPE? Si Cristy Fermin din ang pasimuno ng isyung ito na salat talaga sa katotohanan. Loud and clear na ba?

The post Celebrity lawyer Atty. Maggie Abraham-Garduque, sinagot ang iba’t ibang fake news sa Eat Bulaga! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Celebrity lawyer Atty. Maggie Abraham-Garduque sinagot ang ibat ibang fake news sa Eat Bulaga! Celebrity lawyer Atty. Maggie  Abraham-Garduque sinagot ang ibat ibang fake news sa Eat Bulaga! Reviewed by misfitgympal on Hulyo 10, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.