Ni ROMMEL PLACENTE
MAPAPANOOD na sa Sabado, July 15, ang kinaaaliwang ultimate talent competition mula sa Europa, ang Battle of the Judges. Ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang host ng show.
Ang Battle of the Judges ang world-class na labanan ng mga talento. May apat na celebrity judges na binubuo nina Boy Abunda, Jose Manalo, Annette Gozon at Bea Alonzo.
At kada judge ay pipili ng anim na talented performers mula sa iba’t ibang klase ng performance na kanilang ime-mentor throughout the competition.
Maghaharap-harap sa masaya at exciting na knock-out duels ang mga pinakamagagaling kaya ultimate diskarte ang kakailanganin ng 24 acts.
Mararamdaman din ang tensyon dahil bibigyan din ng spotlight ang judges na all-out sa pakikipaglaban sa kapwa nila hurado para sa kani-kanilang talents dahil isa lamang ang tatanghaling panalo.
“Ang daming na-hone, ang daming na-develop, and ang dami nating na-discover na performers. But at the end of the day, it’s all about achieving your dreams,” sabi ni Alden tungkol sa show nilang Battle of The Judges.
Si Alden ay dating co-host nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa Eat Bulaga ng GMA 7.
Nu’ng iwan ng TVJ ang nasabing noontime show ay lumipat sila sa TV5.
E.A.T. ang title ng bagong noontime show ng tatlo sa nasabing network. Hindi nila ginamit ang Eat Bulaga.
Hindi nagawang sumama ni Alden sa TVJ sa bago nilang programa sa network na pag-aari ni Manny Pangilinan. Contract star kasi ang aktor-TV host ng Kapuso network.
Aminado naman siya na nalulungkot siya na hindi na siya part ng show ng TVJ.
“Siyempre at first, wala po akong karapatang makialam sa desisyon ng parehong kampo dahil isa lang po akong empleyado. Pero kumbaga, kung sa personal ko pong…sa damdamin at puso, malungkot po ako, na hindi na ako makakabalik sa pamilya na almost half of my career ay kasama ko sila,” sabi ni Alden.
“But we still remain friends. But ‘yun nga po, ‘yung opportunity na makalipat o makita sila sa TV5.. medyo ‘yun po kasi ‘yung nasa.. of course, hindi lang naman sa GMA 7 meron ‘yung ganung exclusivity.
“But siguro, kahit saan man po ako magpunta, ‘yung puso ko as Dabarkads, hindi na mawawala yun,” aniya.
Kung may ipo-promote man daw si Alden na pelikula ay baka pwede siyang mag-guest sa E.A.T. Pero malabo raw talagang maging host siya rito.
***
PROUD na proud si Aiko Melendez sa kanyang 16-year-old na anak na si Marthena.
Natapos kasi nito ang kursong abogasya sa isang summer school sa Oxford, England.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ipinasilip ng mahusay na aktres ang completion ceremony ni Mimi na ginanap sa Somerville College, ang constituent college ng University of Oxford.
Pagbati ni Aiko kay Marthena, “Congratulations on graduating! You are an achiever. You make me so proud of being your mother! We are all rooting for you, my dear Mimi.”
Sinabi rin ni Aiko na sobrang sulit ng lahat ng paghihirap na ginawa niya sa trabaho ngayong napagtapos niya si Marthena..
“Mama’s sleepless and tireless night over taping and shootings is all so worth it,” sey pa ni Aiko.
The post Alden malungkot na ‘di makakasama sa show ng TVJ; Anak ni Aiko napagtapos ng abogasya sa England appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: