Facebook

Kaya lielow na si Dominic sa showbizBea di na type ang dyowang artista

Ni NOEL ASINAS

TUWIRANG sinabi ni Bea Alonzo sa Mediacon ng Battle Of The Judges, kung saan isa sa judges si Bea, kasama sina Annette Gozon Valdez, Boy Abunda at Jose Manalo and hosted by Alden Richards na ipalalabas simula sa July 15, Saturday, 7:15 pm., na ayaw niyang makarelasyon ang isang artista.
Ito ang dahilan kung bakit di na active ang actor na si Dominic Roque sa pag-aartista sa ngayon.
Tumigil na ang actor lumabas sa telebisyon buhat nang nagsara ang ABS-CBN 2.
Busy sa sariling negosyo si Dominic na pinagkakaabalahan niya sa kasalukuyan.
Ani Bea: “Di maganda ang nangyari nang panahong karelasyon ko ang isang actor. Nasa 30s na ako, sa edad kong ito, alam ko na kung sino ang gusto kong makasama sa buhay.”
After lang ng pandemic talagang officially mag-on na sila ni Dominic. Nung pandemic lang sila naging close na mabuti. Matagal niyang kinilatis ang actor. Nalaman niyang talagang mahal niya ang binata. Kaya raw siyang panindigan nito. Kaya siyang ipagtanggol at nagkakasundo sila ng mga gusto sa buhay.
Samantala, first na ginawa ni Bea ang magtuklas at alagaan ang talent sa programang Battle Of The Judges. Talagang na involve siya sa talent. Nasasaktan siya pag di ito nakapasa sa competition o natalo kaya. Ginastusan din niya ng sariling budget para sa araw-araw. Lalo’t taga-probinsiya at di naman mayaman.
Pero tuwirang sinabi ni Bea na di niya ambisyong mag-develop at maging manager ng talent. Para sa kanya, ibinahagi niya lang ang kanyang karanasan bilang artista, para magtagumpay sa competition.
First in Asia ang local version ng Battle Of The Judges sa Pilipinas na kilala sa abroad na produced ng Fremantle.
Iba-iba ang maglalaban sa contest, may pop singer, opera singer, dancer, sirkero, magician at iba pa.

The post Kaya lielow na si Dominic sa showbiz…Bea ‘di na type ang dyowang artista appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kaya lielow na si Dominic sa showbizBea di na type ang dyowang artista Kaya lielow na si  Dominic sa showbizBea di na type ang dyowang artista Reviewed by misfitgympal on Hulyo 10, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.