SA larangan ng patalastas, kapag nagsumite ka ng konsepto sa ahensya dalawang bagay lang ang pwedeng mangyari; maaapruba ang konsepto o, sa salitang ahensya, “mababaril ito.” Nakaranas ng matinding pamamaril mula sa madla ang bagong logo ng Philippine Amusement and Gaming o mas kilala na PAGCOR, sa paglabas nila ng bagong logo. Didiretsuhin ko na kayo, malayong malayo ito sa dating logo ng PAGCOR, at, ayon sa isang pilyong kaibigan, para itong dumi ng aso matapos tapakan. At sa pamamaril ng madla, umani ang bagong logo ng PAGCOR ng mas maraming tanong kaysa sagot. Himayin natin.
Ang itinalagang magdisenyo ng bagong logo ay si Francisco D. Doplon na kilala ng mga kaibigan at kasama sa larangan ng graphic design si na Dopie. Umani siya ng maraming papuri ang premyadong graphic designer. So far so good. Paano naharbat ni Dopie ang kontrata ng bagong logo ng PAGCOR? Ano ang timeline? Bakit hindi ang dating ahensya na CARAT ang namamahala sa pagpalit ng logo ng PAGCOR? Hindi ko babarilin ang mensahero ngunit humukay pa tayo ng mas malalim. Sa paghuhukay ng inyong abang lingkod, hindi ito dumaan sa bidding ng mandato, lalo na sa isang malaking kaganapan katulad ng pagpapalit ng logo ng PAGCOR.
Ayon ito sa datos ng PhilGEPS. Ang PhilGEPS ay “Philippine Government Electronic Procurement System.” Ito ang electronic commerce service provider na pag aari at pinamamahalaan ng Procurement Service ng Department of Budget and Management o PS-DBM. Ito ang nagsisilbing central portal para sa lahat ng procurement information at activities ng Gobyerno ng Republika ng Pilipinas. Ayon sa PhilGEPS ang PrintPlus Graphic Services na itinayo ng Hunyo 14, 2023. At ang designation ng PhilGEPS sa PrintPlus ay RED, o supplier na hindi dapat humigit sa isang milyon piso ang transaksyon sa PAGCOR. Kaso ang kontrata ay nagkakahalaga ng humigit kumulang P3 milyon.
Si Dopie na kilalang taga-suporta ng mga Marcos ay creative director ng ArtOne Design & Communications, Inc. na sa pasuri ko hindi nito ginamit maliban sa PrintPlus. Ang tanong ko ano ang ginamit PrintPlus o ArtOne? At bakit hindi ito dumaan sa isang bidding, at pinamunuan ng ahensyang CARAT na sumeserbisyo sa PAGCOR? Eto ang nahukay nitong abang peryodists, na ang logo ay parehong pareho sa logo ng Tripper. Sinilip po ng inyong abang lingkod at totoo nga. Sabi nga ng premyadong direktor sa larangan ng pamamalastas Mike Alcazaren: “Palitan ninyo lahat ng Govt agency logo ng Comic Sans… Utang na loob. Yan ang bagay naman ngayon…” Napakaraming tanong kay sa sagot kaya sa palagay ko din may tama ka dito direk.
***
IPARI-ripa sa bagong hukom ng Muntinlupa City RTC ang pinakahuling kasong nakabinbin ni dating senador Leila de Lima. Matatandaan na nabinbin ang pagdinig dito dahil bumitiw ang hukom na dating may hawak dito. Matagal nang nakapiit si Leila De Lima dahil sa mg paratang sa kanya ng mga saksi na isa-isang umurong sa kanilang testimonya. Makikita ang galamay na gumagalaw sa likod ng sunod-sunod na pag-antala sa paggulong ng katarungan, nang hindi payagan magpiyansa ang dating senador, at matapos ito, nag-“leave of absence” si DOJ secretary Boying Remulla. Sabi ng isang netizen “It is difficult for anyone to convince me that he made a mature decision if your nickname is Boying…” Napaisip ako ‘dun.
***
PAGLAPASTANGAN at pagyurak kay Hesukristo. Ito ang batikos ng Catholic Bishops’ Conference Of the Philippines sa isang grupo ng LGBT NA ginamit sa isang “drag show” ang imahe ng Hesus Nasareno. Sa mga may pananampalataya, lalo na mga Katoliko, ito ay hindi katanggap-tanggap, bagkus, humihingi pa ito ng karampatang tugon. Bilang isang maliit na mamamahayag, pahintulutan niNyo po akong pumukol ng unang bato, sa pamamagitan ng isang tanong: may hangganan ba ang pagiging isang Kristiyano? Kahit ba nasa 21 siglo tayo kailangan ba natin tumangan ng sibat at, kahit sa opinyon, ay sunugin ang salungat sa ating paniniwala? Ang mga obispo ay nasa katwiran na magalit dahil insulto ito sa kanilang paniniwala. Ngunit Hanggang doon lang po ang gagawin nila. Dalawa lang naman yan. Tanggapin mo o huwag mo tanggapin. Bahagi ito ng malayang pagpapasya na kaloob sa atin ni Poong Kabunian. Kasihan nawa tayong lahat.
***
Mga Harbat Sa Lambat:
Magnanakaw ng eleksyon.
Magnanakaw ng pera ng bayan.
Magnanakaw ng ideya.
Magnanakaw ng bidjo.
They’re all comfortable in each other’s company.
#robthephilippines
-Maxie Goloy, mang-aawit, netisen
“People are worried that the Pagcor logo fiasco would eclipse the DOT frasco. Don’t worry—they both fall under the hashtag #robthephilippines…” – Gege Cruz-Sugue, netisen
“The mantra of enablers and apologists: kung anong pwedeng pagkitaan…” -Prof. Cesar Polvorosa Jr., guro, netisen
“For seniors and PWD : kung promo price ( restaurants, hotels etc), insist on your VAT free (12 %) kahit promo price na more than 20% off. #p3pwd karapatan natin yan sa batas…”
-Rowena Guanzon, netizen, hindi damatan
***
Jok Taym:
NANAY: Anak, ano nga pala ang SONA?…
ANAK: Inay, SONA means, Speech Only No
Accomplishment…
***
mackoyv@gmail.com
The post COMIC SANS appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: