KAHIT hindi masyadong pumukaw sa mga netizen, hindi namatay-matay ang isyu ng dayaan noong nakaraang halalan pampanguluhan. Maaaring teknikal ang usapin ng fraud, o pandaraya sa ilalim ng automated elections. Hindi ito naunawaan ng mga mamamayan. Maaaring may pagkukulang ang mga magpapaliwanag na mga nilalang na alam at kabisado ang dayaan.
Maaaring hindi makulay ang lengguwahe ng mga nagpapaliwanag ng isyu. Kasama sa kanila si Hen. Eliseo Rio Jr., ang pangunahing tagapagtaguyod ng kaisipan ng dayaan noong halalan. Hindi pulitiko ai Rio. Hindi siya orador na may kakayahan na gisingin ang mga natutulog. Retiradong sundalo si Rio at may kasanayan at kaalamang teknikal sa telekomunikasyon.
Dating commissioner ng National Telecommunications Commission si Rio. Nang nabuo ang Department of Information and Communications Technology, pinalitan ni Rio si Rodolfo Salalima ng nagbitaw ang huli bilang unang kalihim. Nanungkulan ng dalawang taon si Rio hanggang palitan siya ni Greg Honasan bilang kalihim.
Hindi natawaran ang kasanayan at kaalaman ni Rio sa telekomunikasyon. Maski noong sundalo siya, ang telekomunikasyon ng AFP ang tungkulin upang maging mabisa ang talastasan ng mga kampo at sundalo sa larangan. Inayos ni Rio ang komunikasyon ng mga sundalo at kampo.
Ito ang susi ni Rio ng nagretiro siyang sundalo. Hindi mahirap sa nakatalagang pangulo ang ilagay si Rio sa mga ahensyang sibilyan upang tumulong. Hindi kataka-takangng kalaunan ay kalihim siya ng DICT. Karanasan at kaalaman sa telekomunikasyon ang daan niya.
Noong kalihim ng DICT si Rio, inutusan siya ni Rodrigo Duterte na tingnan ang posibilidad na palitan ang Smartmatic na bilang pribadong kompanya na nagpatakbo ng automated elections sa bansa. Sumunod si Rio sa utos ni Duterte at nangalap siya ng mga datos mula sa industriya ng information communications (ICT).
Kinilala ni Rio ang mga requirement sa automated elections. Kilala niya ang kumpanya, lokal at dayuhan, na maaaring pumalit sa Smartmatic na noong mga panahon na iyon. Ayon kay Rio, nagsumite siya na mga rekomendasyon kay Duterte, ngunit hindi kumilos si Duterte.
Mas hindi kumilos si Duterte nang nanalo ang buong tiket ng administrasyon sa senatorial election noong 2019. Walang nanalo kahit isa sa mga kandidato ng oposisyon. Sa pakiwari ni Rio, alam ni Duterte na mas magagamit ang Smartmatic upang manalo ang administrasyon.
Hindi kailangan ng bagong pribadong kompanya na papalit sa Smartmatic. Dito umugat ang kabatiran na kailangan manatili ang Smartmatic sa automated elections. Alam ni Duterte na nasa kanyang palad ang kapalaran ng bawat halalan. Hawak niya ang Smartmatic dahil magaan siyang mandaraya.
Sa pakiwari ni Duterte, hindi dapat palitan ang Smartmatic dahil may gamit ito sa kanyang masamang hangarin na dayain at kontrolin ang halalan ng bansa. Ito ang dahilan kung bakit walang nangyari sa mga rekomendasyon ni Rio kay Duterte.
Dito umugat ang nangyari noong halalan pampanguluhan ng 2022, ani Rio. Si Duterte ang totoong nakialam sa halalan. Ito ang dahilan kung bakit iginiit niya na si Sara, ang anak, ang dapat tumakbo sa panguluhan at hindi sa pangalawang pwesto lang.
***
MAY dayaan noong nakaraang halalan, ani Rio na bihasa sa telekomunikasyon ng bansa. Batay ito sa datos ng Commission Elections (Comelec), ang pangunahing sangay na halalan ng bansa. Sa Raw Files na upload sa COMELEC website, ayon kay Rio, lumabas na mahigit 2,000 vote counting machines (VCMs) sa Metro Manila na mayroon silang isang Private IP Address – 192.168.0.2. Imposible ang ganitong karaming IP address, ayon kay Rio, lalo na kung gumagamit ng isang network. Walang paliwanag ang Comelec hinggil dito.
Ayon kay Rio, mayroon private IP address ang bawat isa sa lahat ng VCM sa buong bansa at kahit sa buong mundo. Ayon sa kanya, patunay ang pagkakaroon ng maraming VCM na may isang IP address na may sikretong iniingatan. Ilegal ito, aniya. May pakiwari siya na may isang pribadong network na umipon sa lahat ng election returns (Ers) bago ito ibigay sa Comelec server, aniya. Ganito ang manipulasyon noong halalan, aniya.
Itinago umano sa publiko ang private network na nasa gitna dahil hindi ito naaayon sa legal end-to end transmission path na ipinakita at ipinaliwanag sa mga stakeholder noong ika-22 ng Marso, 2022. Nabisto umano ang ganitong setup nang isapubliko ng Comelec ang Raw Files sa kanilang website noong ika-23 ng Marso, 2023. Hanggang ngayon, walang paliwanag ang Comelec hinggil sa usapin.
Sa maikli, direktang nagpadala ng elections returns (ERs) ang lahat na ginamit na voting counting machines (VCMs) noong halalan sa isang illegal private network na nasa gitna ng transmission path. Sikreto itong ginawa ng magkasamang Comelec at Smartmatic, aniya. Wala silang maipaliwanag.
Isa itong dahilan kung bakit tahimik ang Comelec sa mga tanong tungkol sa mga kababalaghan noong halalan, aniya. Hindi naipakita ng Comelec ang patunay na nagkaroon ng Transmission Logs of the Telcos sa pamamagitan ng kanilang Call Detail Records (CDRs), aniya. Maaaring ipakita ng mga CDRs kung talagang nagkaroon ng VCM transmissions na dumaan sa kanilang public networks sa unang oras pagkatapos ng halalan.
Ito umano ang makakapagpaliwanag kung bakit nagkaroon ng hindi kapani-paniwalang mahigit na 20 milyon boto na ipinakita sa publiko noong 8:02pm ng ika-9 ng Mayo ng nakaraang taon. Ito rin ang magpapaliwanag kung bakit tumanggap ang Transparency Server ng mga ERs gayung hindi pa ito naipadala ng mga VCMs, ani Rio.
Lumalabas na alam ng mga magmanipula ng Illegal Private Network kung ano ang magiging opisyal na resulta ng halalan ng 2022 kahit mag-uumpisa pa lang ang bilangan ng boto, aniya. Kataka-taka kung bakit hindi maipakita ni Comelec chairman George Garcia ang Transmission Logs ng mga telcos, aniya.
Kataka-taka umano na nagsimula ang bilangan batay sa Reception logs sa oras ng 7:08pm gayung dapat magsimula ang VCM transmission ng 7:19pm sa pinakamaaga kahit nilinaw ng Comelec ang siyam na pangunahing tungkulin bago ipatupad ang anumang transmission, ani Rio. Kataka-taka rin na “TAPOS NA ANG BOKSING” pagsapit ng 9pm noong araw ng halalan. Alam agad kung sino ang nanalong pangulo at pangalawang pangulo, ani Rio.
Aniya: “COMELEC must show to the public the exact schematic diagram of this Private Network “in the Middle”and explain 1) how the IP Addresses of the Telcos/ISPs were translated from Public to Private; 2) how was this procured and at what cost; 3) who was its Network Administrator and 4) why this illegal Private Network “in the Middle” was made in the first place.”
The post DAYAAN SA HALALAN (1) appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: