May magandang balita para sa mamamayan ng Albay Lalawigan ng Bicol kung tutuo ang ipinarating na impormasyon sa Usapang HAUZ na babalik na sa puwesto ang Suspended Governor Noel Rosal matapos itong kasuhan dahil sa umano’y labis na paggastos.
Eh kung makakabalik na sa puwesto itong si Gob. Rosal ay malamang hindi nag materialized ang inihain ditong kaso na malversation of public funds di po ba mga Ka Usapang HAUZ.
Pagnagkataon mga Ka Usapang HAUZ balik sa pagiging Vice Governor ang kasalukuyang OIC governor Edcel Greco Lagman kung tutuo nga po na nabalewala ang inihaing kaso kay real gobernor Rosal.
May mga nagdiwang ng mabalitaan ng mga Albayeno ang muling pagbabalik sa puwesto bilang gobernor si Rosal ang hindi masaya mga Usapang HAUZ ay ang mga pulis na nagsisilbing escort sa mga illegal activities sa lalawigan tulad ng Small Town Lottery (STL) na umano’y mga matataas na opisyal ang may tanggan ng milyong pisong kubransa araw araw.
Maging ang illegal quarry sa Albay ay naging legal na dahil may mga ilang mataas na opisyal ng PNP ang nagutos sa kanilang mga tauhan na escortan ang mga trak na naghahakot ng graba at buhangin galing sa kabundukan na walang kaukulang permit mula sa DENR
Kaya may mga nagtatanong kung sakaling muling maupo bilang Gobernor itong si Noel Rosal ay paano na ang operasyon ng illegal STL operation at Quarry tuloy pa rin ba?
Meron pang nasagap na impormasyon ang Usapang HAUZ hindi lang pala ang mamamayan ng Albay ang nagkakagulo maging ang hanay ng kapulisan rito marahil ay dahil sa paglalabas ng order mula sa Kampo Crame na may bago ng PNP Provincial Director ang Albay sa katauhan ni P/Col. Francisco Lucena pinalitan ang dating PD na si Col. Cunanan.
Sa pagupo bilang PD nitong si Col. Lucena ay agad itong sinalubong ng problema dahil dalawa sa mga tauhan nito ang nasawi matapos ang isang madugong shootout na nakilalang sina P/Master Sgt. Joseph Ostonal 43 naka assign sa Ligao City Police Office at Corporal Jeffrey Referesa.
Nearesto naman sa follow up operation ang mga suspect na sina Richard Bonaobra, 35; at Fernan Jardinel, 37, mga AWOL na miyembro ng 65th Infantry Battalion, 9th ID ng Philippine Army.
Kanino kaya dapat ipaalam ng Usapang HAUZ na habang nagaganap daw ang isang shootout noong nagdaang Linggo ay isang mataas na naman ng Albay PNP ang nakikipag-inuman daw sa mga illegal quarry operator?
Tanong sino po kaya ito Gob. Vice Gob. Lagman at huwag nating kalimutan si RD Gen Obinque isama na rin nating tanungin ang dalawang umaaktong PD ng Albay Col. Cunanan o Col. Lucena sino siya mga sir?
Kung wala kayong clue mga Sir kasama raw sa inumang iyon ang isang alyas Dante na kamag-anak naman ng isang mataas na opisyal sa Kapitolyo.
Ayaan mga Sir may clue na kayo baka naman hindi nyo pa alam? siguro pag si Gob Rosal na ang umupo malalaman na natin kung sino yung opisyal na tumador.
***
Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o mag Txt o tumawag sa 09352916036
The post Suspended Albay Governor Noel Rosal babalik na sa puwesto? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: