Facebook

KABUTIHANG LOOB NI DG CATAPANG IPINAGMALAKI NG MGA PDLS SA NBP

SIMULA nang manungkulan bilang Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P Catapang ay unti-unting nabago at nagkaroon ng pag-asa ang libo-libong Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula ng ipagkait sa mga ito ang kanilang ‘karapatan’ habang nasa loob ng bilangguan.

Ito ang ipinagmalaki ng ilang PDLs sa Maximum Security Compound (MaxSeCom) dahil sa panahon ngayon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ay naging
‘payapa’ at nagkaroon nang pagkakaisa ang 14 Commanders o mga Gang leaders na mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa loob ng New Bilibid Prison, Muntinlupa City.

Noong Lunes ( July 10) ay naging bahagi ng advance birthday celebration ni Catapang ang pamamahagi ng 10,000 bags ng hygiene kits sa PDLs at 10 wheelchairs sa senior PDLs ng MaxSeCom.

Inaasahan na madadagdagan pa ng 15 wheelchairs at isang ambulansya ang ipagkakaloob ng AFP Finance Center Multi-Purpose Cooperative sa Bucor.

Ayon kay DG Catapang, ang mga wheelchair ay ipinagkaloob sa mga PDLs na higit na ngangailangan,lalo na ang mayroong kapansanan. Kapansin-pansin na karamihan sa mga ginagamit na wheelchairs nila ay kalawangin at depektibo.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga opisyal ng BuCor sa naturang organisasyon na patuloy na sumusuporta sa pangangailangan para sa mga taong pinagkaitan ng kalayaan.

Nabatid na aabot sa dalawang daang PDLs na hindi na makalakad ang nangangailangan ng wheelchair dahil sa kanilang kapansanan.

“Ang mga taong ito ay pinagkaitan lamang ng kalayaan pero hindi ang kanilang karapatan bilang isang tao. Isa sa isinusulong na reporma ni DG Catapang ay upang magkaroon muli ng pagkakataon ang mga PDLs na makapagsimula ng panibagong buhay sa darating pang panahon.”ayon sa isang opisyal ng BuCor. (JOJO SADIWA with photos by CESAR MORALES)

The post ‘KABUTIHANG LOOB’ NI DG CATAPANG, IPINAGMALAKI NG MGA PDLS SA NBP appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
KABUTIHANG LOOB NI DG CATAPANG IPINAGMALAKI NG MGA PDLS SA NBP KABUTIHANG LOOB NI DG CATAPANG IPINAGMALAKI NG MGA PDLS SA NBP Reviewed by misfitgympal on Hulyo 10, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.