ANG isyu ng pagpapalakas ng ekonomiya, korapsyon at mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin, ang dapat tutukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. batay sa second quarter Pahayag survey ng Publicus Asia. Batay sa Pahayag survey, 17% ng mga Filipino ang nagpahayag na ekonomiya ng bansa ang pinakapangunahing isyu na dapat tutukan ng Marcos adminiatration. Nakapagtala naman ng 14% ang isyu sa korapsyon at sinundan ng inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa13%. Pang-apat naman ang kahirapan na nakapagtala ng 12% at sinundan ng paglikha ng mapapasukang trabaho na 10%. Sumunod ang isyu ng edukasyon (8%), sahod (6%), kaayusan o krimen (5%), iligal na droga (4%) at kalikasan (3%). Ginawa ang survey mula Hunyo 7-12. Kinuha ang opinyon ng 1,500 respondents na pinili mula sa mahigit 200,000 Pilipinong market research panel ng PureSpectrum, isang US-based panel marketplace.
The post Ekonomiya, korapsyon at inflation dapat tutukan ng administrasyong Marcos appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: