Facebook

Sotto natupad ang Summer League debut, umiskor ng 6 points

MATAPOS ibangko sa kanilang unang tatlong games, Sa wakas nakamit ni Kai Sotto ang kanyang matagal na hinihintay ang makaapak sa sahig ng Orlando Magic sa NBA Summer League, pero natalo sa Portland Trail Blazers, 88-71, sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas Biyernes,Hulyo 14, Manila time.

Ipinakita ng 7-foot-3 Filipino hopeful kung ano ang kanyang kakayahan kapag nabigyan ng pagkakataon at si Sotto ay umiskor ng 6 points on 3-of-7 clip from the field, 4 rebounds, 1 assists at 3 blocks sa 13 minuto at 23 segundong aksyon.

“It feels good to finally be out there. It’s my first time here in the Summer League, first time getting on the court so it’s just a lot of excitement,” Wika ni Sotto.

“I just wanted to impact the game. Sadly, we didn’t win, but there’s a lot to learn from this game,” Dagdag niya.

Nabaon ang Magic sa double figures,12-23 pinasok si Sotto sa pagsimula ng second quarter, pero struggled sa kanyang unang ilang minuto sa sahig at natawagan ng defensive three-second violation at hindi naipasok ang unang field goal attempt.

Sa dying seconds ng third period, si Sotto ay umiskor ng kanyang kauna-unahang Summer League basket mula sa offensive rebound, at galak na galak ang fans sa Thomas & Mack Center.

Sinundan ng wide-open mid-range jumper at kumana ng powerful two-handed slam.

Michael Devoe umiskor ng 18 points, habang si Duop Reath,Shaedon Sharpe, at Jabari Walker nag-ambag ng tig 12 puntos para sa Blazers.

Sa Orlando wala ang serbisyo ni Anthony Black, ang No.6 pick ngayon taong draft, Dexter Dennis nagdeliver ng 16 points para pamunuan ang opensa ng Magic.

Umaasa si Sotto na mapasama sa rotation at muling maipakita ang kanyang kakayahan kapag nakaharap ang Magic (0-4) ang Boston Celtics (1-2) sa kanilang Summer League finale sa Linggo, Hulyo 16, 6;30 am, Manila time.

The post Sotto natupad ang Summer League debut, umiskor ng 6 points appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sotto natupad ang Summer League debut, umiskor ng 6 points Sotto natupad ang  Summer League debut, umiskor ng 6 points Reviewed by misfitgympal on Hulyo 14, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.