Facebook

Mabilis ang daan tungong Malacañang “via ERod”?

Palibhasa ako’y laking Galas sa Quezon City, na ang mga daang patungo sa Kamaynilaan lalo’t sa Quiapo ay madaling marating sa pagtahak ng nuo’y kalye España Extn, na ngayon ay Eulogio Rodriguez Sr (ERod) ang katawagan, hindi mailalayo na ang Palasyo ng Malacañan na nasa dulo lang ng Arlegui, Quiapo ay maalwan at mabilis na mararating…hanggang ngayon.

Kaya ko nabanggit ito ay literal na paralelismo lang na pamamaraan na kung ang mga naging “katulong o katuwang sa pagkakapanalo ni BBM” ay gagawaran ng “political accomodation” na natural lang — at may tinatawag na “payback time”, may engkargado nuon na wala na ngayon, na siyang daan tungo sa madalian nilang pagnonobra sa posisyong ninanais maupuan. Sabi nga ng mga makakating dila nuong kasagsagan nuon: “…nagdaan siguro sila sa “ERod”?!

Fast forward ang Koyang ninyo—me naringgan akong dating kasama na ngayon ay nasa empleyeo ng isang “talagang me sinasabi”— na ang tampok na usapin ngayon tungkol sa mga kaganapan sa DOTr , simula sa kasalukuyan nitong pamunuan at dati pang mga issue na bumabalot sa government office na ito, ay nagiging tampulan ng mga endorser na nasa paligid ng sirkulo ng mga malalapit sa appointing authority. Ang sinasabi ng Koyang ninyo ay patungkol sa isang puwesto na Assistant Secretary, DOTr na ngayon ay kaliwa’t kanan ang batikos at puna mula sa mga transport group at isang partylist group, sa isang ninunominang dating opisyal ng LTFRB para sa puwestong ito na malaki ang kinalaman sa Land Transportation Office o LTO, sa maikling salita.

Umano’y dating me hawak ng timon sa LTFRB at nasibak dahil sa pagsuway sa mga alituntunin ng nasabing opisina, itong si “attorney” ay nahatulan ng anti-graft court…ang moratorium sa pagpoproseso ng mga application sa prankisa at pagrerehistro ng mga pambulikong sasakyan ay napatunayan na nilabag nya — sa umano’y kapakinabangan ng sarili niyang fleet ng mga pampublikong sasakyan.

Ito, sabi ng dabarkads ko, ang itinutulak ng ilang mga dikit sa sirkulo na nakakurdon sa abot-tingin at abot-kamay ng kasalukuyang Pangulong BBM. Dagdag pa nga niya: …” ang Piston na binubuno ng mga tsuper at operator ng mga jeepney at bus ay labis ang pagtutol sa dating LTFRB official na ito dahil nga ang hinaing nila na pagtingin man lang sa kinakaharap nila ay ni minsan, hindi nakatikim ng ayuda mula nang siya ay pumuwesto hanggang sa siya ay tuluyang sinibak sa makapangyarihang LTFRB.

Sabi pa nga ni dabarkads: “… jockeying of positions in the present administration is always one event we have been waiting for…in order not to be branded “ingrate” the appointing authority sometimes forget to dig deeper into the ins and outs of some recommendees, leading to incompetent and unprofessional administration and operation of the office’s vision and function in tone with the present dispensation’s mode of governance.

In fairness din naman sa mga nanombrahan na tumulong sa administrasyong Marcos Junior, sana naman isantabi ninyo na ang pansariling “granacha” at kapakanan… nasa gobyerno na nga kayo at ang mata ng tao ay nakatuon dahil kayo ay presidenial appontee … kayo ay nararapat magsilbi tulad ng maraming civil servants — you are not an exception!

Walang personalan… ang pakay ng siping ito ay maimulat sa lahat na “ang maturingan kang taong-gobyerno kahit sa sandaliang panahong nailuklok ka sa puwesto, ito ay karangalan sapagkat naghirap ang mga nagbubuwis para ikaw ay mapasweldo”.

Gayundin sa mga ayudante at konpidante ng Pangulong BBM, tulungan ang Pangulo ang dapat — sa bandang huli masasabi ninyong naging solusyon ako, hindi problema ng Pangulo!

The post Mabilis ang daan tungong Malacañang “via ERod”? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mabilis ang daan tungong Malacañang “via ERod”? Mabilis ang daan tungong Malacañang “via ERod”? Reviewed by misfitgympal on Hulyo 14, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.