Deka-dekadang taon na ang pamamayagpag ng bansang CHINA sa pag-aangkin sa mga karagatang sakop ng WEST PHILIPPINE SEA tulad sa SPRATLY ISLANDS at SCARBOROUGH SHOAL ay kinakailangang maipabatid na sa buong mundo ang HISTORICAL RIGHTS ng ating bansa sa mga teritoryong inaangkin ng CHINA gayong pag-aari naman ng ating bansa.
Ang HISTORICAL RIGHTS.., mga dokumentong pagpapatunay ay nasa pag-iingat ng TOMAS LI FOUNDATION na ang kanilang CHAIRMAN ay si SULTAN A DIMASANGKAY KO RANAO IKA-2 HRH TOMAS REYES CABILI JR. at ang nagdokumento’t sumulat ng history ay si NASSER S. SHARIEF na siyang RESIDENT GENEACOLOGIST AND HISTORIAN sa PMC INSTITUTE OF IRANUN STUDIES at kabilang din ito sa TOMAS LI FOUNDATION BOARD.
Si CHAIRMAN CABILI JR. ay nakipagkomunikasyon at sumulat na kay PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR hinggil sa kahandaang makapagbigay katulungan sa pamamagitan ng mga dpkumento upang higit na mapanindigan ang mga teritoryong pag-aari ng ating bansa
“We are delighted to inform you that we are presenting for the first time a cohesive narrative
on our historical claims in the South China Sea. The accompanying monograph is an
advanced schrift on The Iranun and Philippines’ Historical Claims in the South China Sea: A
binding tie of place, meaning, and memory,” bahagi ng sulat na ipinadala ni CABILI JR kay PRES. BONGBONG MARCOS JR.
Mga ka-ARYA, nitong January ng kasalukuyang taon, sa naging pagdalo ni PRES. BONGBONG MARCOS JR. sa WORLD ECONOMIC FORUM sa DAVOS, SWITZERLAND ay nalitanya nito sa kaniyang naging talumpati ang “We have no conflicting claims with China. What we have is China making claims on our territory and that is our – that is how we approach the problem that we find.”
Oo nga naman, ang problemang kinakaharap ng ating bansa ay ang pag-aangkin ng CHINA sa mga teritoryong pag-aari ng PILIPINAS.., na dapat ay mailantad sa katulungan ng ating mga MAMBABATAS mula sa CONGRESS at SENATE para maipaalam sa buong mundo ang konkretong kasaysayan sa mga teritoryo ng ating bansa.., higit sa lahat ay.maliwanagan ang CHINA GOVERNMENT patungkol sa legal na HISTORICAL RIGHTS ng ating bansa.
“We feel that our beloved president needs all the ‘ammunitions’ he can
have in securing the patrimony of our nation. Your father, the late Ferdinand E. Marcos —
an astute student of history — had gathered the datus of Sulu to provide him background
materials and genealogies to support our claims on Sabah. In my father’s time, the late
Senator Tomas Cabili, Sr. had provided President Elpedio Quirino a backgrounder on
Philippines’ possessions,” bahagi pa ng sulat ni CABILI JR Kay PRES. BONGBONG MARCOS JR
Ang alok na ito ni CABILI JR ay dapat mapagtuunan at mabigyan ng panahon ng ating GOVERNMENT sa asiste ng CONGRESS at ng SENATE para sa karagdagang “AMMUNITION” sa pangunguna ni PRES. BONGBONG MARCOS JR para sa pagtatanggol sa mga teritoryo ng ating bansa!
Sana.., sa STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA) ni PRES. BONGBONG MARCOS JR ay maging bahagi ito ng kaniyang paksa hinggil sa kinakaharap na pangha-harass ng CHINA MILITARY FORCES sa puwersahan nilang pag-angkin sa SPRATLY ISLANDS at SCARBOROUGH SHOALS.., gayong ang mga teritoryong ito ay pag-aari ng PILIPINAS!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.
The post ILANTAD ANG HISTORICAL RIGHTS SA WEST PHILIPPINE SEA! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: