ARAW ng Martes ng umpisahan unang talakayin namin ang isyu kung nagkaroon ng dayaan. May mga netizen na nagtanong kung mayroon kaming hawak na patunay o ebidensya ng dayaan. Hayaan ninyong sagutin ang tanong iyan. Kinikilala namin ang karapatan ng mga mamamayan at mambabasa ng maghanap ng mga patunay. Aming nakalap ang mga dokumento na kinalap ni Eliseo Rio, Jr. ang dating kalihim ng DICT na ngayon ay masugid na iginigiit na nagkaroon ng dayaan noong nakaraang halalan.
Ayon sa mga datos na nasa pag-iingat ni Rio, isinagawa ng Comelec sa kanilang website ang uploading ng tinawag ni George Garcia, Comelec chairman, na “transmission logs.” Mali si Garcia at batay sa pagsusuri ng mga nakakaunawa, hindi transmission logs ang nasa Comelec website. Ang mga ito ay “reception logs,” o talaan ng mga vote counting machines (VCMs) na natanggap noong gabi ng ika-9 ng Mayo, 2022, ang araw ng halalan.
May ilang mahahalagang punto si Rio sa kanyang pahayag. Una, abutin ng isang minuto ang imprenta ng isang kopya ng national election result (ER). Aabutin ng walong minuto ang imprenta ng kinakailangang walong kopya. Pangalawa, aabutin ng 30 segundo ang imprenta ng isang kopya ng local election return (para sa resulta ng local elections). Aabutin ng apat na minuto ang imprenta ng walong kopya.
Ayon kay Rio, kagyat nilang kinuwestiyon ang oras na nag-umpisa ang reception dahil ito ay nagsimula sa oras na 19:08:50 kahit na sinabi ng Comelec General Instructions na mayroon siyam na pangunahing atas bago magkaroon ng VCM transmission. Ayon kay Rio, aabutin ng 19 na minuto ang transmission pagkatapos isara ang botohan sa ika-7 ng gabi noong araw ng halalan. Ang pinakamaagang oras para magkaroon ng VCM transmission na matatanggap ng transparency server ay 7:19 pm at hindi 7:08 pm, ayon kay Rio.
***
Mabigat ng implikasyon ng mga inilabas na reception logs ng Comelec website. Datos ng Comelec ang mga ito kaya walang matwid na pasubalian. Tanging kailangan ang masusing pagsusuri at makikita ang mga anomalya ng datos. Hindi lang minsan kundi maraming kakaiba at kakatwa. Inuulit namin: Datos ng Comelec ito.
Tulad ng datos ng VCM sa Barangay Paing sa bayan ng Bantay sa lalawigan ng Ilocos Sur. Ang rehistradong botante ay 459 sa Paing Day Care Center, ngunit ang 408 ang bumoto. Naimprenta ang ER at 19:18.27 ng Mayo, 9, 2022, ngunit nakalagay sa mga transmission log na natanggap ang ER ng 19:11:21 ng Mayo 9, 2022. Lumabas na may may natanggap ang transparency server na ER 7 minuto, 26 segundo bago naimprenta ang ER. Walang paliwanag kung bakit may resulta ng halalan bago naimprenta ang ER.
Mas nakakagulat ang datos ng Barangay Tayac sa Bantay, Ilocos Sur. May anim na presinto sa Tayac Elementary school. Naimprenta ang ER ng 20:34:15 ng Mayo 9, 2022. Batay sa transmission log, natanggap ang ER ng 19:24;45 ng Mayo 9, 2022. Mahirap magpaliwanag kung paano nagkaroong ng transmission sa transparency na isang oras, 9 na minuto at 20 segundo bago naimprenta ang ER.
Tingnan natin ang datos ng Barangay Putatan sa Muntinlupa City, Metro Manila. Mayroon 714 na rehistradong botante ang mga presinto sa voting center at 599 sa kanila ang bumoto. Batay sa datos ng Comelec, naimprenta ang ER ng 19:27:01 ng Mayo 9, 2022. Natanggap ng transparency server ang ER na 19:24:29 ng Mayo 9, 2022. Nakakapagtaka na natanggap ito ng dalawang minuto at 32 segundo bago naimprenta ang ER. Tatalakayin namin ang iba pang hindi maayos na pag-uulat sa susunod na kolum.
***
MABIGAT ang bintang sa Comelec. Nakikutsaba umano sa Smartmatic upang mandaya noong nakaraang halalan. Hindi bago ang paratang at sa pagkahaba-haba ng panahon, laging hinarap ng Comelec ang paratang na isa itong institusyon na may kakayahan na mandaya sa bawat halalan. Mismong sa Comelec ang dayaan sa halalan.
Hindi uubra na katahimikan ang isasagot ng Comelec. Kailangan sagutin ang bintang sapagkat hindi pangkaraniwan ang bintang. Nasa kamay ng Comelec ang katatagan at integridad ng bawat halalan sa bansa. Hindi marapat balewalain ng Comelec ang mga bintang sapagkat lubhang seryoso ang mga ito para sa bansa.
Pahayag ni Hen. Eliseo Rio Jr. tungkol sa kanyang bintang na nakikutsaba ang Comelec sa Smartmatic upang mandaya noong nakaraang halalan.
“The Raw Files uploaded in the COMELEC website show that there were more than 2,000 VCMs in the National Capital Region (NCR) with exactly the same Private IP Address – 192.168.0.2. This is technically IMPOSSIBLE when using only one network!
“This plus the fact that ALL VCMs throughout the country and around the world carried a Private IP Address, are clear proofs that there was a secret and illegal Private Network that first collected ALL Election Returns (ER) BEFORE these were transmitted to the COMELEC Servers.
“And this Private Network “in the Middle” was kept hidden to the public because it does not conform with the legal End-to-End Transmission Path that was demonstrated to stakeholders on March 22, 2022. Its existence was made known only when COMELEC published, inadvertently or purposely, the Raw Files in their website, on March 23, 2023.
“All VCMs used in the 2022 transmitted their ERs DIRECTLY to this illegal Private Network “in the Middle” which was secretly created by COMELEC/Smartmatic.
“This explains so many things why COMELEC is stonewalling the numerous questions of irregularities observed in the 2022 Elections, such as 1) showing proof that the Transmission Logs of the Telcos thru their Call Detail Records (CDR) can show that there really VCM transmissions that passed their public networks in the first hour after voting closed, to account for that unbelievable 20M+ votes shown to the public at 8:02pm of May9, 2022; 2) how the Transparency Server was receiving ERs when these were NOT YET transmitted by the VCMs; 3) the ones manipulating this illegal Private Network seem to know what the official results of the 2022 Elections will be even BEFORE counting of votes began; 4) why Chairman George Garcia could not fulfill his commitment to show the Transmission Logs of the Telcos; 5) why the Reception logs showed a start time of 7:08pm when VCM transmissions can only start at 7:19pm at the earliest because of the 9 major tasks required by the COMELEC General Instructions BEFORE any transmissions can be made; and 6) why by 9pm of May 9, 2022 “TAPOS NA ANG BOKSING” as far as to who won as President and VP.
“COMELEC must show to the public the exact schematic diagram of this Private Network “in the Middle”and explain 1) how the IP Addresses of the Telcos/ISPs were translated from Public to Private; 2) how was this procured and at what cost; 3) who was its Network Administrator and 4) why this illegal Private Network ‘in the Middle’ was made in the first place.”
The post DAYAAN SA HALALAN (2) appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: