Facebook

GEN. ACORDA TULOY ANG PAGBALASA SA PNP

Hindi pa tapos ang ginagawang pagbalasa ni PNP chief, Gen.Benjamin Acorda Jr. sa liderato ng pambansang kapulisan hangga’t di umano ito nakatitiyak na maibabalik na sa tamang pamumuno ang 227,000 strong police force.

Muling nagkasa ng panibagong balasahan si Acorda sa ilang matataas na opisyal ng pambansang pulisya.

Mula sa pagiging director ng PNP Drug Enforcement Group ay inilipat ni Gen. Acorda si PBGEN Faro Antonio Olaguera bilang chief of the Human Rights Affairs Office.

Habang si PCol Dionisio Bartolome Jr. naman ang nakatakdang humalili sa kanya bilang acting director ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PDEG).

Bukod dito ay itinalaga naman sina PBGEN Cosme Abrenica bilang Acting Deputy Director ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management.

Inilagay naman bilang Acting Deputy Director ng PNP Directorate for Intelligence si PBGEN Robert Morico II.

Inilipat naman si PBGen Neri Vincent Ignacio bilang acting deputy director of the Directorate for Logistics.

Si PBGEN Flynn Dongbo naman ang inilagay bilang bagong Acting Director ng PNP Directorate for Research and Development.

Habang magsisilbi naman bilang Acting Executive Officer ng Directorate for Investigation and Detective Management si PCol Noel Sandoval, at manunungkulan naman bilang bagong Acting Executive Officer ng PNP Directorate for Intelligence si PCol Nestor Babagay.

Samantala,personal nating inirerekomenda kay Gen.Acorda na patuloy na balasahin ang provincial at regional commands ng PNP amids growing complaints of the citizenry sa pagdami ng mga iligal na sugalan sa kanilang mga lugar.

Kabilang sa mga regional commands na sinasabing pinamamahayan ng mga sikat at may tahid na gambling operators ay ang PNP Region 2, Region 3, Region 4A at Region 5.

Sa mga provincial command naman ay ang Bulacan,Pampanga,Bataan at Zambales na sakop ng PNP Region 3, Cavite,Laguna,Rizal,Batangas at Quezon sa CALABARZON, ang mga probinsiya sa Bicolandia at ang mga lalawigan ng Quirino,Isabela, Cagayan at Nueva Viscaya sa Region 2.

Magkaroon na sana ng pangil at lakas ng loob ang liderato ng PNP na banggain ang mga tinaguriang gambling kingpins ng bansa.

Jueteng pa rin ang numero unong namamayagpag sa mga lugar na ito na sinusundan ng mga peryahan, EZ 2,sakla at lotteng.

Mga dati pa ring gambling operators ang nasa likod ng illegal gambling operations na ito na pinamumunuan ng sikat na si Bong Pineda alias Doce ng Pampanga.

Hangga’t di nagigiba ni Gen. Acorda ang jueteng empire nitong si Doce, mananatiling inutil ang kapulisan laban sa iligal na sugal kahit pa gawing buwan- buwan o linggo linggo ni Acorda ang pagbalasa sa kanyang mga ground commanders.

Wag na tayong magpaikutan pa Gen.Acorda sir!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post GEN. ACORDA TULOY ANG PAGBALASA SA PNP appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
GEN. ACORDA TULOY ANG PAGBALASA SA PNP GEN. ACORDA TULOY ANG PAGBALASA SA PNP Reviewed by misfitgympal on Hulyo 17, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.