Facebook

Sunshine blooming kahit loveless at may edad na; Quinn di lang kaseksihan ang kayang ipakita sa pelikula

Ni MELCHOR BAUTISTA

NITONG gabi ng katatapos na 38th PMPC Star Awards for Movies na ginanap sa Centennial Hall ng Manila Hotel, nu’ng dumating at lumakad sa red carpet si Sunshine Cruz na isa sa mga hosts, napansin ng fans na blooming siya. Ang ganda-ganda niya kumpara sa edad niya.
Survivor kasi si Sunshine. Napakagaling niyang magdala ng problema. Napatunayan niya na hindi siya martir dahil sa mga pinagdaanan niya sa buhay. Nakipaghiwalay siya kay Cesar Montano at sa dating nakarelasyong si Macky Mathay. Dahil hanggang doon na lang ang kaya niyang ibigay na pagmamahal.
Taas-noo si Sunshine na napatunayan ang kanyang katatagan bilang babae. Aminado siya na sobra siya kung magmahal sa karelasyon. Pero alam na niyang magtira ng pagmamahal at respeto para sa sarili. Ang mga naging anak nila ni Cesar na sina Angelina, Samantha at Franchesca na nasa kanyang poder ang pinaghuhugutan niya ng lakas at inspirasyon sa buhay.
Kayang-kaya nga niyang harapin, ngitian at kausapin ang mga babaing nakarelasyon ni Cesar. Isa na roon si Teresa Loyzaga, dahil parang anak na rin ang turing niya kay Diego Loyzaga na sobrang bait daw bilang kuya kina Angelina, Samantha at Franchesca.
***
HINDI nakapagtataka na nagwagi si Quinn Carillo bilang Best New Movie Actress sa katatapos na 38th Star Awards for Movies kung saan napansin siya sa una niyang pelikulang “Silab”. Kasi naman, napakasipag niya sa paggawa ng pelikula. Sobrang enjoy na raw siya sa showbiz. Pakiramdam daw niya, kahit napapagod siya sa shooting ay balewala iyon. Dahil inspirado siya sa marami pang proyekto na nakaplano at gusto niyang gawin.
May mga pruweba naman si Quinn sa patuloy na pag-usad ng kanyang movie career. Hindi lang naman kaseksihan ang kaya niyang ipakita sa pag-aartista niya. Sa pelikulang “Litrato” ay mga batikang artista na ang kanyang mga kasama ‘tulad nina Ara Mina, Ai-Ai delas Alas at Liza Lorena.
Mabanggit nga pala ang kaseksihan ni Quinn, talagang nu’ng rumampa siya sa red carpet ng Centennial Hall ng Manila Hotel ay agaw-pansin ang kanyang magandang kurba ng katawan. Inggit ang mga kababaihan at kabaklaan sa kanyang alindog, ah!
Halos lumuwa naman ang mga mata ng maraming kalalakihan. Dahil maihahalintulad ang kaseksihan niya sa dating sumikat na beauty queen na nagtagal sa Pilipinas at nag-artista rin, dating Miss Aruba na si Maureen Ava Vierra.
Napakaganda ng kinis ng morenang kutis ni Carillo, kaya isa talaga siyang Pantasya ng mga kalalakihan.
***
HINDI nagtataka si Joed Serrano kung bakit maraming tao sa showbiz ang nangungulit sa kanya kung kailan ipalalabas ang pelikulang “Kontrabida” ng Godfather Productions.
Una, dahil pelikula ito ng Superstar at National Artist na si Nora Aunor. Pangalawa, napakaganda ng nasabing movie.
Mayroon pang ibang negosyo na pinagkakaabalahan si Joed, hindi lang ang pagpoprodyus ng mga pelikula ang pinagkakaabalahan niya. Sa hanay ng mga kabataang artista noon sa “That’s Entertainment” ay siya ang nangungunang pinakamasipag at hindi waldas sa perang kinikita, kaya yumaman siya at natutong mag-business.
Isa pa sa kaabang-abang na pelikula mula sa Godfather Productions ay ang life story ni Joed. Kilala lang siya bilang artista noon. Pero hindi lang hanggang doon ang dapat nating malaman tungkol sa kanyang pagkatao. Marami pa siyang ilalahad tungkol sa maganda at masalimuot na kuwento ng kanyang buhay na hindi pa alam ng marami.

The post Sunshine blooming kahit loveless at may edad na; Quinn di lang kaseksihan ang kayang ipakita sa pelikula appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sunshine blooming kahit loveless at may edad na; Quinn di lang kaseksihan ang kayang ipakita sa pelikula Sunshine  blooming kahit loveless at may edad na; Quinn di lang kaseksihan ang kayang ipakita sa pelikula Reviewed by misfitgympal on Hulyo 17, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.