Facebook

MAS OK ANG LOCALIZED PEACE TALKS

ISANG grupo ng tagasaliksik at mapanuri na naka base sa America ang naghayag kamakailan na si Pangulong Bong Bong Marcos daw, sa kanilang pagtaya, ay malayong makipag-kasunduan para sa ‘usapang pangkapayapaan’ o’ ‘peacetalks’.

Ito raw ay dahil ang mga komunistang-terorista sa bansa ay patuloy pa rin na nanliligalig sa iba’t ibang parte ng Pilipinas.

Ayon sa Armed Conflict Location and Event Data Project (ACLED), ang di mapigilang mga enkwentro sa pagitan ng mga rebelde at sundalo ang pumipigil kay PBBM na maupo o magtalaga ng mga kinatawan para sa usapang pangkapayapaan.

Tama lang naman ang polisiyang ito ni PBBM, ang sinundan nga niyang si dating President Rodrigo Duterte, idineklara pang mga komunistang-terorista ang CPP-NPA-NDF isang taon matapos siyang maupong lider ng bansa.

Sabi pa ng ACLED said mas pursigido si PBBM sa “localized peace talks”. Yaon bang masinsinang pag-uusap sa mga kasapi ng mga rebelde sa mga komunidad sa mga kanayunan upang makarating sa pamunuan ng CPP-NPA-NDF.

Ang diskarteng ito ang nagpasuko sa karamihan ng mga rebelde nang maintindihan nila ang tunay na layunin ng pamahalaan.

Itinalaga rin ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) upang ito ang mangasiwa sa mga ganitong localized peace talks at ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para alalayan ang mga lugar na dating pinipeste ng mga CPP-NPA-NDF.

Kaya tingin ko, mahusay magsaliksik itong ACLED at naniniwala rin na walang mapapala sa pakikipag-usap lalo na kung tungkol sa kapayapaan, kung ang kaharap mo ay mga komunistang-terorista.

The post MAS OK ANG LOCALIZED PEACE TALKS appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MAS OK ANG LOCALIZED PEACE TALKS MAS OK ANG LOCALIZED PEACE TALKS Reviewed by misfitgympal on Hulyo 17, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.