Facebook

DUWAG SI GONGDI

HINDI pa naibaba ng International Criminal Court (ICC) ang desisyon kung itutuloy o hindi ang formal investigation, tumakbo si Gongdi sa Beijing, nagmano sa kanyang amo na Xi Jinping, at sumumpa ng walang kamatayang suporta sa Tsina.

Alipin ng Tsina si Gongdi at aso siya ni Xi. Alam ng Tsina na nanganganib si Gongdi sa ICC at mabilis siyang sinalo. Bagaman hindi namin alam kung saan papalo ang desisyon ng ICC dahil 4pm, Manila time, Martes bababa ang desison, nasisipat namin na tutuluyan siya ng ICC. Pormalidad na lang ang mangyayari mamayang 4pm.

Batay sa pahayag na inilabas ng Xinhua, ang news agency ng China, pinuri ni Xi si Gongdi dahil sa pagkampi sa Tsina noong siya ang pangulo. Nasisilip namin na gagamitin ng Tsina si Gongdi bilang pangontra sa Pangulong Marcos dahil sa pagkampi ng huli sa Estados Unidos. Hindi komportable si Xi nang pumayag ang Pangulo na gamitin ng Filipinas at Estados Unidos ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) upang palakasin ang kakayahan ng Filipinas na magtanggol kontra Tsina. Ginamit ang EDCA upang magtayo ang mga Amerikano ng mga base militar sa bansa kontra sa agresibong pagpasok ng Tsina sa South China Sea.

Hindi kami magtaka kung tumagal si Gongdi sa Tsina. Kung magdesisyon ang ICC na ituloy ang formal investigation at magbaba ng order na arestuhin siya upang dalhin sa ICC headquarter sa The Hague, Belgium, hindi kami magtaka na humingi siya ng political asylum sa Tsina. Ibibigay ng Tsina ang hihingin niya ngunit kapalit ng pagigng alipin niya sa bansang kumakamkam sa malaking bahagi ng ating exclusive economic zone (EEZ). Hindi maaaring walang kapalit ang political asylum ni Gongdi.

Hindi lang si Gongdi ang nasa sakdal kontra Duterte sa ICC. Kasama sa sakdal na crimes against humanity si Pangalawang Pangulo Sara Duterte, Senador Bong Go, at Bato dela Rosa, at mahigit 50 opisyal ng gobyerno ni Gongdi kasama na ang mga nasa PNP. Talagang mabubulabog ang gobyerno dahil sinasabing ginamit nila ang poder upang patayin ang mga taong pinaniniwalaan na sangkot sa pagtutulak at paggamit ng droga.

May plano sina Gongdi na magdaos ng kanilang bersyon ng people power sa Davao City upang harangin ang sinuman aaresto sa kanila. Ngunit alam nila na hindi PNP ang aaresto kundi puwersa na manggaling sa ibang bansa kasama ang ilang piling puwersa sa bansa, pasimpleng tumalilis si Gongdi upang pumunta sa Beijing. Malugod siyang tinanggap ni Xi dahil aso nila si Gongdi. Hindi marangal na tao si Gongdi kaya madaling hawakan at gawin ang gusto nila.

Mukhang natunugan ni Gongdi na hindi lalabas ang mga mamamayan ng Davao City para sa kanya. Mahihirapan siya sa people power at batid niya na kasama ang Estados Unidos sa pagdakip sa kanya. May poder ang ICC na ipaaresto siya kaya nasa estado ng formal investigation ang sakdal. Mahina ang 52 kaso na iniharap ni Boying Remulla na iimbetigahan umano ng DoJ. Hindi totoo ang mga kaso at mahihirapan si Boying upang suspindihin tulayan ang formal investigation sa sakdal kontra Gongdi.

Ika-24 ng Mayo, 2021, hiniling ng the ICC Office of the Prosecutor ang awtorisasyon mula sa Pre-Trial Chamber na umpisahan ang imbestigasyon mga krimen na ginawa ni Gongdi at mga tauhan sa teritoryo ng Filipinas sa pagitan ng 1 November 2011 at 16 March 2019 konsteksto ng giyera kontra droga ni Gongdi. Noong ika-14 ng Hunyo, 2021 nang isapubliko ng OTP ang kahilingan sa Pre-Trial Chamber. Ibinaba noong 15 Septiyembre 2021, pumayag ang Pre-Trial Chamber sa imbestigasyon.

Ayon sa Aarticle 18(2) ng Rome Statute “[…] a State may inform the Court that it is investigating or has investigated its nationals or others within its jurisdiction with respect to criminal acts […]. At the request of that State, the Prosecutor shall defer to the State’s investigation of those persons unless the Pre-Trial Chamber, on the application of the Prosecutor, decides to authorize the investigation.”

Noong 18 Nobyembre 2021, sinabi ng ICC Prosecutor sa Chamber na humiling ang Republic of the Philippines kaugnay sa Article 18(2) ng the Rome Statute na iliban ang imbestigasyon sa Philippines situation. Noong 24 Hunyo 2022, hiniling ng ICC Prosecutor sa Chamber na ibalik ang imbestigasyon sa Philippines situation kaugnay sa Article 18(2).

Noon 8 Septiyembre 2022, natanggap ng ICC ang mga obserbasyon na umayon ang ICC Prosecutor noong 22 Septiyembre. Noong 22 Septiyembre 2022, natanggap ng Chamber ang mga pananaw at pagkabahala ng mga pamilya ng mga biktima ng EJKs.

Noong 26 Enery 2023, ibinigay ng ICC Pre-Trial Chamber ang hiling ng Prosecutor na muling ibalik ang imbestigayon sa Philippines situation. Pagkatapos ng masusing pag-aaral sa mga materyales na ibinigay ng pamahalaan ng Filipinas, hindi sumang-ayon ang Pre-Trial Chamber na may ginagawang sariling imbestigasyon ang gobyerno upang tuluyang suspindihin ang imbestigasyon batay sa complementarity principle.

Noong 3 Pebrero 2023, nagsumite ang Philippine Government ng kahilingan na muling suspindihin ang imbestigasyon. Noong 27 Marso 2023, tumanggi ang Appeals Chamber sa desisyon ng Republic of the Philippines para sa suspensyon ng desisyon ng Pre-Trial Chamber.

Nagdeposito ang Filipinas bilang State party sa Rome Statute mula 1 Nobyembre 2011 ng written notification ng withdrawal sa Statute noong17 Marso 2018. Nagkabisa ang pagtalikod ng Filipinas sa Rome Statute noong 17 March 2019.

***

MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “Iyong mga lider na taga-Mindanao, iisa lang ang diskarte: Lahat dinadaan sa takutan. Mapanuwag ngunit bano. Bully but crude.” – PL, netizen

“Si PNoy ay tinawag nilang abnoy, duwag, panot, atbp. Pero SIYA LANG ang presidenteng tumayo at nagdala kay Tsina sa korte para ipagtanggol ang ating teritoryo. At nanalo. Iyong ipinagmamalaki nyong si Duterte, naging chihuahua lang ng Tsina. Sino ngayon ang totoong matapang?’ – Leisbeth Recto, netizen

“Our OFWs have other values: “sapalaran” (a sense of adventure); “diskarte” (a sense of expediency); and “abilidad” (a sense of ingenuity). Without these values, they would not survive the harsh environment abroad. I credit my teachers in the undergraduate in learning these things. They all point to a positive disposition of our OFWs.” – PL, netizen, kritiko

“If your people are being killed wantonly by a madman and your legal system does not work, what will you do? I will always have that “political tool” of the West that you’re saying. Non sequitur … Of course, you will not understand it. Too deep for your limited understanding… The ‘direction of the wind’ you’re saying is towards greater protection for human rights.” – PL, netizen

***

Email:bootsfra@yahoo.com

The post DUWAG SI GONGDI appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
DUWAG SI GONGDI DUWAG SI GONGDI Reviewed by misfitgympal on Hulyo 17, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.