Hindi ‘exempted’ ang mga Senators, Congressmen pati mga opisyal at personnel ng Philippine National Police, Manila International Airport Authority (MIAA), Airport Police Department at iba pang ahensiya ng gobyerno sa pagpapatupad ng polisiya na paghuhubad ng sapatos bilang bahagi ng screening procedures sa NAIA Terminals na ipinatutupad ngayon ng Office for Transportation Security (OTS).
Ayon kay OTS spokesperson at public affairs officer Kim Alyssa Marquez, “under the National Civil Aviation Security Program, only the President, Vice President, Heads of States and persons as requested by the Department of Foreign Affairs shall be exempted from screening.”
Sinabi rin ni Marquez na ang nasabing policy ng pag-alis ng sapatos ay isang ‘old policy.’
Binanggit niya bilang basehan ang tangka umano ng isang terorista na magpuslit ng IED (improvised explosive device) na nakatago sa sapatos noon pang 2001 o may 22 taon na ang nakalilipas.
Anang OTS sa isang pahayag, “the measure aims to enhance the overall security of all passengers and staff, which is aligned with global security standards and best practices, adding that by requiring passengers to remove footwear at the final screening checkpoint, it provides an advanced layer of scrutiny while identifying potential security threats.”
Pinayuhan din ng OTS na pinamumunuan ni Usec. Ma O Aplasca ang publiko na gumamit ng sapatos na “easily removable, to avoid complex lacing or buckling to expedite the screening process.”
Ipinaalala din sa publiko na sumunod sa mga regulasyon kaugnay ng pagdadala ng liquids, electronics at iba pang items.
Ang nasabing hakbang ay binatikos naman ni Muntinlupa Mayor at dating Congressman Ruffy Biazon bilang mali ang tiyempo, dahil, aniya, ito ay ipinatutupad “when air travel is becoming tedious with immigration policy, overbooking and delayed and canceled flights.”
“What’s the compelling reason? Is there data of footwear risk? Is there intel on threats? Is there an order from ICAO (International Civil Aviation Organization)?.” ani Biazon sa kanyang Twitter post.
Kinuwestiyon din ni Biazon kung may “study on time and motion” na ginawa sa nasabing hakbang, dahil aniya, sa gitna ng mga problema ng flight delays at cancellations, “we impose this”. (JERRY S. TAN)
The post Mga mambabatas, opisyal ng gobyerno at airport, ‘di exempted sa paghuhubad ng sapatos appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: