Facebook

KANYA KANYA NANG TAKAS SA LUNGGA

MAGANDA itong ating nabalitaan mula sa 40th Infantry Battalion na naka base sa Zamboanga. Isang lungga raw ang kanilang natuklasan sa kanilang pagpapatrolya sa Ampatuan town sa may Maguindanao.

Sino ang nagkukuta doon? At maging sa kagubatan at kabundukan ng Maguindanao ay may nababalitaan tayong ganito.

Sa ulat ng Joint Task Force-Central (JTF-C) commander, na si Maj. Gen. Alex Rillera, natunton daw ng kanilang tropa ang lungga sa kagubatan ng Barangay Salman, Ampatuan town in Maguindanao del Sur nito lamang nakaraang linggo.

Nakakatuwang marinig kay Rillera na ang lungga ay kanilang pinaghihinalaang pinagkutahan ng mga komunistang-teroristang New People’s Army. Mayroon itong pitong bunkers at mga foxholes na maaaring kublihan ng sampung katao sakaling matuton sila ng militar.

At yun nga, natumbok ang kanilang lungga, ngunit nakatakas ang mangilan-ngilan lamang na NPA. Nakarecover pa ang ating mga kawal ng mga war materials, gaya ng Improvised Explosive Devices, isang magazine assembly na may 20 rounds aluminum para sa M16 rifle, isang bandolier, at chest rig.

May mga personal din na mga gamit na naiwan at mga construction materials, pati na mga gamit sa pagluluto. At tinataya ng ating mga kawal na ito nga ay lungga nga ng NPA na kakaabaduna lamang, tantiya nga nila ay isang araw pa lamang naiiwan ang lunggang ito ng mga NPA.

Marahil ay natanaw at natunugan ng mga rebelde ang paparating na mga sundalo kaya nabahag ang mga buntot nito at nagsitakbo.

Kung ganito nang ganito ang kanilang nararanasan, wala nang iba pang magandang gawin kung di ang sumuko na lamang. Hindi makukuha ito sa paghuhukay ng mga lungga, pagkatapos ay kanya kanya na rin kayong takas. Pag minalas malas pa nga eh baka sabay sabay ninyong ikamatay ang pagtatago niyo sa mga lungga. Kaya walang pinaka-magandang gawin kung di ang ‘igive-up’ niyo na ang mali niyong paniniwal na komunismo ang makakapagresolba ng kahirapang lagi niyong idinadahilan.

Sabi nga ni Armed Forces of the Philippines , Western Mindanao Command (AFP-WMC) Commander Lt. Gen. Roy Galido “rest assured that we will continue to intensify our decisive military operations to prevent the re-emergence of the different threat groups in our area of operation.”

Ano ibig sabihin niyan? Wala na kayong pwedeng pagtaguan. You can run, but you cannot hide! Kahit saan man, Luzon, Visayas o’ Mindanao, nakatuon ang AFP na ubusin na kayong mga komunistang-teroristang COP-NPA-NDF.

The post KANYA KANYA NANG TAKAS SA LUNGGA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
KANYA KANYA NANG TAKAS SA LUNGGA KANYA KANYA NANG TAKAS SA LUNGGA Reviewed by misfitgympal on Hulyo 15, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.