Facebook

Kaya Todo Tulong… Ara Itinuring Na Pangalawang Ina Si Deborah; LET YOU GO Ni Cool Cat Ash Pinatutugtog Sa Mall At Hit Sa Spotify

Ni PETER S. LEDESMA

SEVEN years na palang tinutulungan ni Ara Mina si Deborah Sun. Yes, simula noong 2016 ay pinatira na nang libre ni Ara si Deborah sa kanyang condo unit sa Cubao na unang investment niya mula sa mga kinita sa raket during That’s Entertainment.
Kasama ni Deborah sa naturang condo ang anak na si Jam Melendez at isa pa. Ang galante ni Ara at may supply pa siyang grocery monthly at cash na ibinibigay kay Deborah. At nang minsang walang pambayad ang veteran actress ng kuryente ay si Ara raw ang nag-settle nito. Recently lang sa pamamagitan ng vlog ni Julius Babao ay muling nagkita sina Ara at Deborah. At sinurpresa pala ng magandang aktres si Deborah na 4 years na niyang hindi nakikita. Cellphone lang kasi ang communication ng mga ito. Kaya sa sobrang tuwa ni Deborah nang makita nito ang Big Angel na si Ara ay napahagulgol ito ng iyak, at walang tigil ang pasasalamat kay Ara.
Well, sabi ni Ara, pangalawang ina na raw ang turing niya sa kanyang Tita Deborah. Kabilang sa tumutulong sa dating Regal actress ay si Kuya Boy Abunda, na kilala ring good samaritan sa rami ng tinutulungang artista na walang mga trabaho.
***
JUST recently ay sinurpresa ni Cool Cat Ash ang mga tao sa isang sikat na mall sa Mega Manila. Yes, napapalingon talaga yung mga namamasyal sa mall kay Cool Cat Ash at may hawak itong gitara habang kinakanta ang kanyang bagong single na, “LET YOU GO” na very catchy at may recall habang pinapakinggan.
Ang edge pa nito sa ibang mga song ay tunog foreign artist ang kumanta which is si Cool Cat Ash nga. Ito pa, habang papasok sa isang boutique sa loob ng said mall ang multi-talented artist daughter ni Ma’am Maribel Aunor, nagpe-play ang kanta niyang LET YOU GO. Nagulat yung dalawang sales lady at cashier sa boutique nang i-approach sila ni Cool Cat Ash kung song ba niya yung pinatutugtog nila. Oo raw at kilala rin nila ang singer na kaharap na nga nila nang personal.
Syempre, kinuha na ng dalawang staff sa boutique ang pagkakataon na makapagpa-picture kay Cool Cat Ash na agad naman silang pinagbigyan. As we heard, hit na sa Spotify ang kantang ito ni Cool Cat Ash. Malakas din ang feedback ng LET YOU GO sa iba pang music digital platforms.
***
Good Samaritan Na Dating RN At Owner Ng Hospice Sa Houston, Texas Na Si Erlinda Reblando Mapupuri Ang Busilak Na Puso
KUNG si Ara Mina ay may mga tinutulungang artista na wala nang career sa showbiz. Ang kaibigan naman namin na matagal nang retired bilang registered nurse na si Ma’am Erlinda at based sa Manhattan, New York City ay maraming tinutulungan dito sa Pinas, kabilang na ang inyong lingkod at mga kaibigan niya sa Bicol na kanyang hometown.
Yes, napaka-busilak ng puso ni Ma’am Erlinda at very compassionate. Alam niya ang pakiramdam ng mga taong naghihirap na kailangan ang kanyang tulong. At lahat ng mga biyayang kanyang sine-share ay galing sa kanyang hard earned money na pinagtrabahuhan bilang nurse sa ilang Nursing Care Homes sa Texas, sa matagal na panahon.
At dahil sa masipag na walang sinasayang na oras, isa na si Ma’am Erlinda sa owner ng kilalang Hospice sa Houston, Texas. Pinatatakbo nila ito ng mga kasosyong kaibigan. Sa ngayon, bilang single, ine-enjoy ni Ma’am Erlinda ang kanyang buhay sa panonood ng vlog ng inyong columnist, manood ng sine at shopping with circle of friends, mag-check in sa favorite nilang Marriot Hotel and Resort and Casino at ang kanilang yearly cruise.
One more thing na mapupuri mo sa kaibigan naming businesswoman, kapag tumulong siya ay wala siyang hinihinging kapalit. She gives help coming from her heart. ‘Yung dating kasamahan nga namin sa vlog ay pinadalhan niya ng pang-grocery na six months supply nila ng mga kapatid na kambal na parehong PWD. Kaya super blessed ang dear good friend naming si Ma’am Erlinda kasi gusto niyang nakakapagpasaya ng kapwa.
Sa Manhattan din pala nakatira ang sister nito na si Ma’am Soie na isa ring retired registered nurse. Sobrang close ng mag-sisters na ito at lahi talaga sila ng mababait at matulungin sa kapwa.
Yes, tulad ng madalas kong banggitin sa Livestream sa aking sariling channel sa Youtube na PPA Entertainment Network, my friend Ma’am Erlinda is Heaven’s gift, at Hulog ng Langit talaga siya sa amin ng aking pamilya.

The post Kaya Todo Tulong… Ara Itinuring Na Pangalawang Ina Si Deborah; LET YOU GO Ni Cool Cat Ash Pinatutugtog Sa Mall At Hit Sa Spotify appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kaya Todo Tulong… Ara Itinuring Na Pangalawang Ina Si Deborah; LET YOU GO Ni Cool Cat Ash Pinatutugtog Sa Mall At Hit Sa Spotify Kaya Todo Tulong… Ara Itinuring Na  Pangalawang Ina Si Deborah; LET YOU GO  Ni Cool Cat Ash  Pinatutugtog Sa Mall At Hit Sa Spotify Reviewed by misfitgympal on Hulyo 21, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.