Kamakailan ay napanood natin ang film-docu na pinamagatang I Am Ali.
Istorya ito ni Muhammad Ali, ang tinaguriang The Greatest. 2014 pa ito na-release at paglalahad ng buhay ng heavyweight champ sa pananaw ng kanyang pamilya, manager, trainer, kapwa prize fighter, kaibigan at pati tagahanga. May koleksyon din ng mga audio journal ng trash-talking na personalidad.
Ang kakaiba sa pelikula ay kasali ang mga recording ng mga pakikipag-usap ng kampeon sa mga anak at iba pang tao.
Ang isa pang tumatak na bahagi ng dokyu ay ang hilig ni Ali na bansagan ng mga matitinding alias ang mga bigating katunggali.
Halimbawa si Joe Frazier ay tinawag niyang gorilla sa Thrilla in Manila.
Kung pinakamahusay siya sa ibabaw ng ring ay napakagaling din niya sa mga quotable quote gaya ng I Will Fly Like A Butterfly And Sting Like A Bee.
Ito sinabi niya sa mga promosyon ng bakbakan nila ni George Foreman sa Zaire taong 1974.
Kontrobersyal din ang gold medalist noong 1960 Rome Olympics dahil sa kanyang pag-ayaw sa draft sa Vietnam War at sa pag-convert sa Islam.
Ang hindi nabanggit sa documentary ay noong 1976 isang shopping center sa Cubao, Q.C. ang nagbukas bilang Ali Mall.
Ipinangalan iyon sa kampeon na boksingero. Paggunita sa tagumpay niya kontra kay Frazier sa Manila na ginanap sa Big Dome.
Hindi naningil ng royalty fee ang dating si Cassius Clay. Natuwa lang siya na ang kauna-unahang mall sa bansa ay sa kanyang apelyido sinunod.
Karangalang malaki sa heavyweight king ang ginawa ni Jorge Araneta na may-ari ng lugar at ng coliseum.
Siyempre ang alimango at alimasag ay hindi naman sa kanyang pangalan galing. Hehe.
***
Kung ang boxing may Ali na undisputed as The Greatest, ang basketball pinagtatalunan pa rin kina Michael Jordan at LeBron James sino may karaparatan sa G.O.A.T.
Natural na mga diehard ng His Airness ay si Jordan ito. Nguni’t ang mga fan naman ni LeBron siya ang ituturong mas swak sa titulo.
Sa ganang kay Ka Berong kung pareho ang criteria sa mga boksingero at basketbolista ay wala siyang duda si LBJ ang hari.
Eka ni Kaka ay kapwa ubod ng husay sa mga sport nila sina Ali at James pati parehong sobrang tapang ipahayag ang kanilang mga causa at advocacia sa mga mahahalagang isyu. Agree kayo?
***
Tingnan natin kung maging mahigpit sina Coach Chot Reyes sa lahat ng nasa pool ng Gilas hinggil sa taning na ika-25 bilang huling araw na pagsipot sa ensayo ng mga player na wala pa. Kasama ba dito sina si Kai Sotto at Jordan Clarkson na mga bida ng koponan? Talaga ba?
The post Ali-Mall o Ali-mango? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: