Facebook

SAKIT NG ULO NG KAPULISAN AT PAMAHALAAN

Ang PC METROCOM nuong kasiglahan nito bilang siyang PNP NCRPO ngayon ay hindi makakalimutan ng mga nabubuhay pa sa ngayon na mga nasa lyebo 60 hanggang 80 anyos, na ito ang pinaka-disiplinadong sangay ng Philippine Constabulary na siyang may sakop ng Greater Manila area o ngayon ay Metro Manila.

Ang isang internal machinery nito ay ang kanyang Inspectorate Division na siyang tumatalakay sa disiplina at kaayusan ng mga sundalong nasa ilalim ng kanyang hurisdiksyun. Ang ikaw ay pumailalim sa pagtatanong ng Inspectorate Division ay isa nang hudyat na nasa maiinit kang upuan dahil sa isang iregularidad o anumalyang kinasangkutan. At dahil dito, nasa estado ka ng isang restricted to camp o restricted to quarters…depende sa antas ng iyong nilabag na patakaran o regulasyong pinaiiral ng Armed of the Philippines (ang PC ay nasa ilalim ng AFP nuon tulad ng Philippine Army, Philippine Navy at Philippine Air Force).

Ang PNP National Capital Regional Police Office ngayon ay nasa ilalim ng liderato ng isang batambatang heneral na tubong Santa, Ilocos Sur. Tiyo niya ang dating hepe namin sa CISC (CIDG ngayon) nuon na si General Everlino P Nartatez, na siyang naging daan sa tulong ni General Ramon Montaño at nuo’y Maj Adam Jimenez na ako’y mapabilang sa hanay ng mga civilian agents ng bantog na CIS, ang katawagan nuon sa ngayong CIDG.

Ang tinutukoy ko ay si General Jose Melecio Nartatez, ang ngayo’y siyang top honcho ng NCRPO. Kilala ko siya mula pa nuong sibilyan siya dahil taong opisina siya sa tanggapan ng Chief, CISC kung saan ako ang spokesman at Chief, PIO. Naging matulungin siya at pilit niyang inaral ang mga kalakaran at gawi ng isang sundalong napabilang sa primerang tanggapan ng buong Philippine Constabulary/Integrated National Police hanggang sa dumating ang tawag sa kanya sa Philippine Military Academy.

Bilang isa mga nanombrahang mamuno ng NCRPO, alam ni Gen Jojo Nartatez ang pasikot-sikot ng internal affairs ng pinasok niyang bokasyon. Marami ang nagtangkang patinuin ang hanay ng kapulisan na Metro Manila ang sakop, marami rin ang bahagyang nagtagumpay at marami rin ang di masyadong minalas na nabigo.

Ang huling issue ng 5 pulis Maynila na nag raid sa isang computer shop dahil umano ito’y sangkot sa iligal na pasabong at hiningan umano ng 40 libong piso ang may-ari at ganuon ding halaga sa darating na mga araw, ay isang di-mapigil na iregularidad na gawa ng mga pulis na nasangkot. Ang patunay rito ay ang tinaguriang Ninja cops ng Maynila nuon na hanggang sa buong Kamaynilaan ay lumawak ang kamandag sa paggawa ng mga di nararapat o naaayon sa kanilang pagiging alagad ng batas.

Sa kanyang bestowed power, kaya ni Gen Jojo Nartatez na tuluyan nang patalsikin ang mga 5 sangkot na ito at di na muling makabalik sa serbisyo. Ngunit minabuti ni Nartatez na pairalin ang karapatan nila na naayon sa batas, ang ipagtanggol ang kanilang sarili…Civil Service Law ang sumasaklaw ngayon sa PNP. Tulad ng isang ordinaryong mamamayan karapatan din nila to seek redress and defend themselves in any court of law. Nuong PC days, no way Jose…you cannot! THE PC STOCKADE IS WIDE OPEN FOR YOU!

The post SAKIT NG ULO NG KAPULISAN AT PAMAHALAAN appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
SAKIT NG ULO NG KAPULISAN AT PAMAHALAAN SAKIT NG ULO NG KAPULISAN AT PAMAHALAAN Reviewed by misfitgympal on Hulyo 20, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.