HAHARAP sa Lunes sa sambayanan si BBM upang ihayag ang kanyang State of the Nation Address (SONA). Bisperas ng SONA, ngunit walang pahiwatig sa mga mahahalagang isyu tulad ng edukasyon, kalusugan, at ekonomiya. Kahit si Sara Duterte, kasalukuyang kalihim sa Deped, ay walang pahiwatig kung saan niya dadalhin ang edukasyon ng kabataan.
Kahit naiwan ang mag-aaral na Pinoy kung ihambing sa mag-aaral ng mga karatig-bansa, hindi nababahala si Sara. Patunay ang kawalan ng programa o direksyon ng Deped kung paano uunlad ang basic education sa bansa. Hindi alam ni Sara kung ano ang gagawin upang makahabol ang mag-aaral na Pinoy sa kapwa mag-aaral sa ibang bansa. Kalat ang isip at tanging redtagging ang alam ng lider galing Davao City.
Dahil hindi edukador si Sara, hindi alam kung paano umangkop ang Deped upang magkaroon ng pagkakataon ang lahat ng kabataan sa bansa na mag-aral sa anumang paaralan na malapit sa kanilang tinitirhan. Hindi rin alam kung may programa ang Deped sa muling pagbabalik ng mga mag-aaral sa parusang inabot nila sa online education.
Walang programa si Sara upang paunlarin ang special education at bigyan ng pagkakataon na mag-aral ng maayos ang mga henyo, may kapansanan sa isip at katawan, at ibang nilalang na may natatanging pangangailangan. Walang malinaw na agenda si Sara kung paano paangatin ang preschool education upang bigyan ng sapat ng paghahanda ang lahat ng mag-aaral na papasok sa elementarya.
Ngunit may panahon si Sara sa redtagging – ang pagbintangan ang mga guro ng pakikipagkutsaba sa mga komunista. Huwag lang siyang hahanapan ng ebidensya dahil totoong wala siya niyan. Magaling lang siya magbintang. Kaya isinusuka siya kahit sa kanyang sariling kagawaran. Hindi normal ang tingin sa kanya ng burukrasya. Hindi siya nalalayo sa kanyang tila nababaliw na ama na natapos ang termino ngunit walang nagawa.
Palaisipan kung may sasabihin si BBM sa SONA tungkol sa edukasyon. Kung mayroon man, marapat manggaling ang mga input kay Sara. Pero dahil tuyo ang pag-iisip ni Sara sa mga makahulugang kaisipan, malaki ang aming alinlangan. Tingnan nalang natin sa Lunes. Sana nga mayroon upang iangat ang kakayahan ng mga kabataang Pinoy.
***
HINDI sinagot ni Sara ang mga tanong kung kasama siya ni Rodrigo sa Peking noong weekend at Lunes kung saan humarap ang sakitin na lider kay Xi. “No comment,” ito ang sagot niya sa mga tanong. Hindi niya inamin na kasama siya ni Rodrigo kasi nakakahiya kay BBM. Hindi tama na naglayag mag-isa si Sara. Pinaghihinalaan na may ibang pakay siya at ito ang agenda ng pag-agaw ng kapangyarihan kay BBM. Balitang kasama si Bong Go ngunit hindi si Bato.
Ang nakakagulat ay ang balita ng VeraFiles noong Lunes. Batay sa ulat ni Ellen Tordesillas, kasama ang pangalan ni Sara sa mga sasampahan ng sakdal ng crimes against humanity kaugnay sa madugo pero palpak na digmaan kontra droga ng kanyang ama. Alkalde si Sara ng Davao City sa buong panahon na presidente ang kanyang tatay. Pinaghihinalaan na nagbigay siya ng utos uupang patayin ang ilang pusher or user sa kanyang siyudad. Si SPO3 Arturo Lascañas ang nagbunyag na sangkot si Sara sa mga EJKs sa Davao City.
AABOT SA 63 pangalan ang sangkot sa sakdal na crimes against humanity na naunang isinampa nina Sonny Trillanes at Gary Alejano sa ICC noong 2017. Sumunod noong 2018 ang mga pamilya ng mga biktima ng EJKs na pinagbuklod-buklod ng Rise Up for Life, isang NGO bino para sa kanila, at National Union of People’s Lawyers (NUPL). Karamihan sa mga sangkot ay mga heneral at matataas na opisyal ng PNP na sumusuporta sa giyera kontra droga.
Maliban kay Duterte, sangkot sina Bong Go at Bato dela Rosa. Mabigat ang katibayan kay Bato dahil siya ang pumirma sa Memorandum-Circular 1 na nagtataguyod sa EJKs bilang polisiya ng gobyerno ni Duterte. Itinaguyod ng MC-1 ang Project Double Barrel na may dalawang programa: Oplan Tokhang na para sa mga mahihirap; at Oplan High Value Target, sa mga nakaririwasang pamilya.Walang maisagot si Bato sa bintang dahil malinaw pa sa sikat ng araw ang kanyang lagda sa kontrobersyal na MC-1.
***
PALAISIPAN sa maraming netizen ang nabalitang suporta ni BBM kay Rodrigo Duterte at mga kasapakat sa sakdal ng huli sa ICC. Sa kanilang pakiwari, walang mapapala si BBM kung patuloy niyang susuportahan si Rodrigo. Wala pakinabang kay Rodrigo dahil siya ay batugan at walang kusang palo upang tumulong sa bansa. Hindi siya dapat sumuporta sa tamad.
Kung susuriin, si Duterte ang walang tiwala kay BBM. Nang natunugan niya na kakatayin siya ng ICC at tuloy ang formal investigation sa kanya, kaagad na pumunta ng Peking si Rodrigo. Alam niya na hindi maaari pagkatiwalaan si BBM dahil maaari siyang ibigay sa ICC kung tuloy-tuloy ang formal investigation sa kanya. Kung alam ng tila baliw na dating pangulo na matibay ang suporta sa kanya ni BBM, hindi siya tatakbo kay Xi.
Hindi maaasahan ang salita ng mga pulitiko pagdating sa isyu ni Rodrigo sa ICC. Noong 2000, itinatag ang International Criminal Tribunal for former Yugoslavia upang litisin si Slobodan Milosevic, dating pangulo ng Serbia, sa madugong digmaan sa Balkan, o nawasak na Yugoslavia. Serb si Milosevic at ayon sa mga lider ng Serbia na hindi nila ibibigay si Milosevic sa Tribunal na pansamantalang itinayo dahil wala pa ang ICC.
Nang pinangakuan ang Serbia ng $1 bilyon official development assistance (ODA) at kasapian sa European Economic Community (EEC), kagyat ibinigay si Milosevic ng mga lider Serbia. Hindi nakapalag si Milosevic at nilitis siya. Namatay noong 2004 si Milosevic sa sakit sa puso sa piitan ng Tribunal. Maaaring naghihintay lang si BBM ng biyaya mula sa Estados Unidos at EEC at ibibigay si Duterte kung dumating ang panahon na mag-isyu ng arrest warrant and ICC.
Samantala, pinayuhan ni Boying Remulla si Gongdi at Bato na huwag pumunta sa mga bansang kasapi ng ICC. Hindi namin alam kung bakit nagpayo si Boyong kahit batid ng mundo na hindi siya abogado ni Gongdi at Bato. Umaapaw ang kagandahang loob ni Boying kay Gongdi at Bato. Lumiliit nga ang mundo ng dalawang pangunahing nasasakdal sa ICC. May mga biro na maaari silang pumunta sa Angola or Mozambique o sa Ethiopia at Eritrea sa Africa.
***
MGA PILING SALITA: “This recent decision of the ICC rejecting the appeal of government to halt the investigation. Napaka-importanteng first step para makakuha ng hustisya, eventually and finally yung mga widows, mga orphans, lahat pa na mga naulila sa war on drugs na ito. So I continue to appeal and expect the administration to cooperate. The President himself, agencies of the executive, to cooperate with this investigation so that true justice can be obtained.” – Risa Hontiveros, senadora
“Even in multiparty democracies, the political reality is that there are only two contending parties: the IN and the OUT. The multiparty system that we have is a misnomer. They are not political parties. They are political families, political dynasties. Don’t make a mistake about them. These families have no ideologies. They only have conflicting interests.” – PL, netizen, kritiko
The post EDUKASYON AT SARA (7) appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: