Facebook

BBM, Sara, Cabinet officials, Senators hataw sa nationwide survey – RPMD

MATAAS pa rin ang approval at trust ratings ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte sa pinakabagong independent at non-commissioned “Boses ng Bayan” nationwide survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD).

Ayon kay Dr. Paul Martinez, Executive Director ng RPMD, nakakuha si Pangulong Marcos ng 82% approval at 86% trust ratings habang si Vice President Duterte ay mayroong 86% approval at 90% trust ratings. Nakuha naman ni Senate President Migz Zubiri ang 69% job satisfaction at 71% trust ratings, habang si House Speaker Martin Romualdez ay nakatanggap ng 70% performance at 72% trust ratings.

Sa hanay ng Cabinet officials, nanguna pa rin si DILG Sec. Benhur Abalos Jr. na may 88% at 93% trust ratings. Kasunod sina DSWD Sec. Rex Gatchalian na may 76% approval at 85% trust; National Security Adviser Eduardo Eduardo Año, 75% approval at 87% trust; Tourism Sec. Christina Garcia-Frasco, 75% approval at 70% trust; DBM Sec. Amenah Pangandaman, 73% approval at 75% trust; DTI Sec. Alfredo Pascual, 71% approval at 65% trust; DICT Sec Ivan John Enrile , 71% approval at 78% trust; DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla, 69% approval at 66% trust; at DOF Sec. Benjamin Diokno, 68% approval at 70% trust.

Sina DMW Sec. Susan Ople (66% approval, 68% trust); Exec. Sec. Lucas Bersamin (66% approval, 69% trust); DFA Sec. Enrique Manalo (66% approval, 67% trust); DPWH Sec. Manuel Bonoan (64% approval, 69% trust); SolGen Menardo Guevarra (64% approval, 69% trust); DOST Sec. Renato Solidum Jr., (63% approval, 67% trust); DHSUD Sec. Jerry Acuzar (61% approval,64% trust); NEDA Sec. Arsenio Balisacan (61% approval,63% trust); DOLE Sec. Bienvenido Laguesma (59% approval, 61% trust); Special Assistant to the President Anton Lagdameo Jr. (59% approval, 63% trust); Press Sec. Cheloy Garafil (57% approval, 60% trust); DOE Sec. Raphael Lotilla (57% approval, 59% trust); ay nasa 6th-10th place.

Sa Senado top performing naman sina Raffy Tulfo (89.4%), Mark Villar (88.6%) at Bong Revilla (88.5%); Francis Tolentino (86.1%), Imee Marcos (86.2%) at Grace Poe (85.8%) na statistically tied sa 2nd place. Nagtabla sina Bong Go (82.7%) at Robin Padilla (82.3%) sa ikatlo, habang 4th place naman sina Chiz Escudero (80.5%) at Loren Legarda (80.2%). Sina Win Gatchalian (76.5%), Sonny Angara (75.7%) at Cynthia Villar (75.3%) ay nasa 5th place.

Mataas din ang performance rating nina Alan Cayetano (72.4%), Ronald Dela Rosa (71.8%), Koko Pimentel (68.7%), Risa Hontiveros (68.2%), Nancy Binay (65.8%), Pia Cayetano (64.7%), Joel Villanueva (61.5%), JV Ejercito Estrada (60.7%), Jinggoy Estrada (60.2%) at Lito Lapid (58.6%).

Ayon kay Dr. Martinez, iminumungkahi ng survey na naisa ng mga Pilipino na unahin ng administrasyon ang ilang mahalagang alalahanin. 28% ng mga respondent nagsasabing unahin ang ekonomiya, 22% ang nagbabanggit ng pagpapagaan ng kahirapan, at 18% ang nagsabi ng kapakanang panlipunan, na nagpapakita ng pangangailangan para sa mga komrehensibong aksong upang maibsan ang kahirapan at bumuo ng mga Sistema ng suporta sa lipunan. 17% para naman sa job creation.15% naman nagsasabi na magtatag ng hakbang laban sa katiwalian, na nagpapakita ng pangangailangan para sa transparency at integridad ng pamamahala.

Idinaos ang survey ng RPMD na “Boses ng Bayan” sa bawat lungsod sa bawat rehiyon mula Hunyo 25 hanggang Hulyo 5, 2023, na may kabuuang 10,000 adultong respondent. Ang mga sumasagot sa poll ay mula sa 67.75 milyong rehistradong botante, na may margin of error na +/-1% at 95% na antas ng kumpiyansa. Sila ay random na pinili, at ang bilang ng mga tumugon sa bawat lungsod ay proporsyonal na ibinahagi batay sa opisyal na istatistika ng populasyon ng pagboto.

The post BBM, Sara, Cabinet officials, Senators hataw sa nationwide survey – RPMD appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BBM, Sara, Cabinet officials, Senators hataw sa nationwide survey – RPMD BBM, Sara, Cabinet officials, Senators hataw sa nationwide survey – RPMD Reviewed by misfitgympal on Hulyo 19, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.