MAHIGIT isang buwan pa lamang na naitatalaga ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. sa puwesto bilang police provincial director ng Batangas si Col. Samson B. Belmonte, pero bumagsak na agad at negatibo na ang arangkada nito sa mga Batangueno?
Tulad din at walang ipinagkaiba si Col. Belmonte sa mga nakaraang provincial director (PD) ng naturang probinsya na kaya nasibak agad at natanggal sa kanilang posisyon ay dahil hindi ginagawa ang trabaho at reponsibilidad bilang inaasahang mga opisyal ng Pambansang Kapulisan?
In fairness kay Col. Belmonte, baka naman naililigaw lamang at binubulag ito ng mga nakapaligid sa kanyang mga staff officer sa Batangas Provincial Office lalong-lalo na ng kanyang intillegence, operation at investigation chief sa tunay na sitwasyon ng pinaglilingkurang 29 na bayan at limang siyudad ng nasabing lalawigan?
Hindi ipinagtatapat o kaya ipinaglilihim ng mga nasabing police official, ilan sa mga ito ay mga taal na Batangueno na hindi maganda ang imahe ni Col. Belmonte sa kanilang mga kababayan, dahil nangunguyakoy lang ito sa kanyang aircondition na tanggapan at hindi alintana ang reklamo ng mga mamamayan sa talamak na operasyon ng paihian o burikian sa Brgy. Malvar sa bayan ni Mayor Cristeta Reyes at Police Chief Capt. Nemecio Calipio Jr., ganon din sa sangkaterbang gambling-con drug operation sa maraming mga munisipalidad at lungsod sa naturang lalawigan.
Sa taong kasalukuyan ay tatlong beses nagpalit ng PD ang Batangas. Una ay si Col. Pedro Soliba na inalis sa puwesto may ilang buwan pa lamang ang nakararaan. Pumalit si Col. Rannero M. De Chavez pero isang buwan pa lamang ang inilagi sa panunungkulan ay pinalitan naman ni Col. Belmonte.
Ang dahilan ng PNP hierarchy ay hindi nagawa ni Col. Soliba at Col. De Chavez ang kani-kanilang trabaho at mandato bilang mga top police official na binigyan ng pagkakataong pamunuan, pangunahan ang pagsasaayos at pagpapanatili ng katahimikan sa bahaging ito ng Region 4-A?
Isa sa dahilan kung bakit mataas ang crime rate sa lalawigan ay hindi napagtagumpayan ng mga nakaupong PD at mga city at town police chief ang paglaban sa sindikato ng kailigalan tulad ng illegal drug, oil and petro pilfirage at smuggling na kilala ding paihi, patulo, paawas o buriki at illegal gambling-con drug na ginagamit na front ang labag sa batas na pagpapasugal para makapagbenta ng droga, lalo na ng shabu?
Nagkamali ng sapantaha ang mga residente ng Batangas pagkat tulad ng mga nagdaang PD, si Col. Belmonte sa paningin ng mga mamayan ay gaya-gaya din nila, pabaya sa trabaho, at hindi ginagawa ang mandato bilang maaasahang top police official? Hindi ito kumikilos para hulihin at sawatain ang operasyon ng sugal at paihi lalo pa ang illegal gambling-con shabu trade?
Liban sa operasyon ng paihi/buriki nina Enrico alyas Rico at Ed sa bayan ng Malvar, may mga paihian din sa mga munisipalidad ng Mabini at Lemery; hindi pa rin pinaaaksyunan ni Col. Belmonte ang sakla den at STL bookies nina Tisoy at Nonit sa bayan nina Padre Garcia Mayor Celsa Braga-Rivera at Police Chief Maj. El Cid Villanueva; STL -con jueteng sa siyudad ni Tanauan City Mayor-Millionaire Sonny Collantes at LtCol. John Rellian; STL-con jueteng ng drug pusher na si alyas Bruce na nagrerebisa ng milyones na taya sa jueteng sa Brgy. Berinayan ng bayan ng Laurel; pabookies/STl jueteng at drug trade ng isang Willy Bokbo sa mga bayan ng Nasugbu at Calatagan at marami pang katulad nito sa ibat ibang lugar sa nasabing probinsya.
Pero higit na binabatikos ang lantarang operasyon ng ala mini casino na pasugalan sa tabi ng Lian Public Market sa pusod ng Poblacion ni Lian Mayor Joseph Peji at Police Chief Maj. Jeffrey Dallo at isa pang mini casino style na sugalan na pergalan (perya at sugalan) sa barangay ni Chairman Asher Decepeda na pinatatakbo ni Madam Norma sa Manghinao sakop ng munisipalidad ni Mayor Ryan Dolor at Police Chief LtCol. Nestor Cusi.
Sa lahat nang kailigalang ito ay walang aksyon si Col. Belmonte? Binibeybe nina DILG Sec. Benhur Abalos at PDG Acorda Jr. si Col. Belmonte at ang mga pabaya, kunsintidor at posible pang protektor ng sindikato na mga police chief?
***
Para sa komento: Cp. No. 09664066144.
The post BELMONTE, BATANGAS POLICE CHIEFS, BINEBEYBI NINA ABALOS AT ACORDA JR.! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: