Ni JOVI LLOZA
NAGSALITA na ang batang aktres na si Andrea Brillantes regarding sa ex bf na si Ricci Rivero matapos itong ilaglag at grabe nga raw si Andrea at inamin nito sa panayam ni Vice Ganda na bakla siyang magmahal na todo bigay.
Kung babawiin nga raw nito ang mga binigay nito sa ex bf ay baka mawalan ng laman ang condo nito.
Natanong rin sa vlog ni Vice kay Andrea kung magkano na ba ang nabigay nito kay Ricci.
Milyon na nga raw ang nabigay nito nang isama or ipasama siya sa project na ibinawas sa talent fee ng actress.
Ngayong split na nga sila may mga bagay ba na gusto nitong isoli sa ex.
Baka di na nga raw isoli mas gusto pa ng actress na isangla or ibenta ang bigay ng ex at magkakapera pa nga raw si Andrea kaysa isuot pa niya ito na may dalang masamang alaala at ibibigay din nito sa iba, kaya para sa actress ay ibebenta na lang niya ito.
At ang kakawindang pang rebelasyon ni Andrea sa kanyang ex ay itong isang taon itong di nagpapa-laundry.
OMG! For sure amoy kulob na ang loob ng condo sey pa ng tsismosa naming kapitbahay.
***
Lea nainis nang may mga sumugod na fans sa dressing room
VIRAL ang isang video habang tinatarayan na malumanay naman nang magsisuguran sa dressing room ni Lea Salonga ang mga fans para magpa- picture.
Nasabi na lang nito nang malumanay na “Who are you?”
Hindi naman sa ayaw kaso nga ay bigla na nga lang daw nagsisugod na di man lang naabisuhan ang award-winning singer actress.
For security reason naman kasi kung bakit ganun ang naging reaksyon ni Lea sa fans.
Pero nang mabanggit ang namesung ng produ ay tila preno na rin si Lea.
Nang lumabas nga si Lea sa dressing room ay nagsunuran pa rin ang fans.
Ending, pinagbigyan din nito ang fans ng picture at si Lea pa ang humanap ng anggulo kung saan maganda.
Well, well, well…’Yun na!
The post Andrea inamin, nagmistulang beki kay Ricci, umabot ng milyon ang nabigay appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: