Ni ROMMEL GONZALES
MAGINHAWA na ang buhay ngayon ni Rabiya Mateo, kabaligtaran noong estudyante pa lamang siya na nakikitulog lamang sa sahig ng dormitoryo ng kanyang mga kaibigan dahil kapos sa pera.
Ngayon ay mayaman na siya.
“Hindi naman mayaman, medyo nakakaluwag-luwag lang tayo,” at tumawa si Rabiya.
Ano ang pakiramdam ngayon na yung mga bagay na noon ay ni hindi niya mahawakan, ngayon ay nabibili na niya?
“Ang sarap po talaga! Kasi yung pinaka-turning point is yung sa pagkain. Kasi dati before ako makakain ng Jollibee kailangan special occasion muna.
“Pero ngayon anytime.”
Endorser na ba siya ng Jollibee?
“Hindi pa, sana nga kunin nila ako,” at tumawang muli si Rabiya. “Hello, Jollibee!”
Pagpapatuloy pa ni Rabiya tungkol sa kuwentong Jollibee niya…
“Naaalala ko pa nga noong graduation namin bumili ako ng isang bucket ng… kasi may mga bisita kami, graduation ko, cum laude ako, nag-speech pa ako.
“Tapos sabi ni mama, ‘Anak, pang-isang bucket na lang yung pera natin ng Jollibee!’
“Wala kaming pang-Coke! So tubig-tubig na lang sila.”
Isang bucket lamang ng chicken joy ang kaya nilang bilhin noong mga panahon na iyon.
“Tapos nagsaing pa ako.”
Pero ngayon, kahit ano’ng oras ay kaya na ni Rabiya na magpa-deliver ng mga pagkain mula sa kilalang fast food chain.
“Yung ganung improvement sa buhay, ang sarap,” bulalas ni Rabiya na gumaganap bilang Tasha sa Royal Blood sa GMA.
***
DECEMBER last year nag-propose si Benjamin Alves kay Chelsea Robato, at sa January 2024 ang kasal ng magkasintahan.
Ayon sa kuwento ni Benjamin…
“December last year, tapos sa January na. Alam ninyo, sa totoo lang, gusto sana namin July, kasi bilang Chinese si Chelase, meron talagang specific dates yung wedding dates.
“Kaso marami siyang non-negotiable e, yung photographer namin, videographer, so dahil busy silang lahat, yun lang talaga yung… parang i-push back na lang natin para makuha natin lahat ng gusto niya.”
Kaya nga sa Enero na ang kasal nila…
“January 28, dito lang, sa Forbes yung church, Santuario de San Antonio tapos sa BGC yung reception.
“Gusto sana namin destination wedding, kaso siyempre nakakahiya po sa mga ninang at ninong namin, beach sana, kaso January siya, so medyo mataas ang tide ng January.
“But again kasi we want to make sure na people na we invite, makakapunta sila at magiging masaya sila, kasi pag destination baka ilan lang ang makapunta.
“So we’re trying to make sure it’s an intimate wedding, ayoko naman na mag-invite tapos hindi sila makakapunta dahil malayo,” pahayag pa ni Benjamin na male lead star sa Magandang Dilag na serye ni Herlene Budol sa GMA Afternoon Prime.
Bida sa Magandang Dilag si Herlene bilang si Gigi, at sina Benjamin (bilang Eric) at Rob Gomez (bilang Jared) na mga leading men niya.
Nasa cast din sina Maxine Medina bilang Blaire, Bianca Manalo bilang Riley, Angela Alarcon bilang Allison, Muriel Lomadilla bilang Donna, Prince Clemente bilang Cyrus at Jade Tecson bilang Jadah.
Kasama nila ang mga batikang artista na sina Al Tantay bilang Joaquin, Chanda Romero bilang Sofia, at Sandy Andolong bilang Luisa.
Sa direksyon ni Don Michael Perez, mapapanood ang Magandang Dilag simula June 26, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Pinoy Hits.
Ang mga Global Pinoys naman ay maaaring panoorin ang programa via GMA Pinoy TV.
The post Rabiya inalala ang panahong kahit Jollibee ay hirap bilhin appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: